PANIMULA

123 6 1
                                    


+-+-+-+

PAPALUBOG NA ang araw ng nagsidatingan ang hukbo ng Imperyo ng Sunbeok. Kani-kaniya namang reaksyon ang namutawi mula sa bukana ng Imperyo hanggang sa tuluyan na nilang marating ang palasyo ng imperyo.

Naroon ang paghagulgol at pagtangis ng mga mamamayan, partikular na ang naiwang pamilya ng mga taong kasapi nito. Ang ilan naman ay tila nabunutan ng tinik sa kanilang lalamunan at dali daling pinasalubungan ng matitinding yakap ang ilan.

Naroon sa harapan sa gitna ang gonjae o ang punong heneral ng hukbo. Iwinawagayway ang sagisag ng Imperyo na pakahulugan ng kanilang pagkapanalo sa naganap na labanan.

Dagliang tumigil ang paghakbang ng kanilang mga paa nang nasa harapan na sila ng palasyong tinitirhan ng pinakamakapangyarihang hari at reyna.

Natanawan nila ang kinaroroonan ng hari na kasalukuyang nakatayo sa magara at ilang metrong taas na pintuan ng palasyo.

Suot ang elegante nitong kasuotan ay mataman siyang tumingin sa kabuoan ng hukbo, at unti-unting sumilay ang magkahalong lungkot at saya sa kaniyang labi.

Ang pagtingin ng hari ay naging hudyat upang lumuhod ang sangkatauhan roon, hindi maaaring mag-angat ng tingin hangga't hindi ito sumasambit ng kahit anong salita.

"Kayo'y muling naghatid ng panibagong karangalan sa Imperyo ng Sunbeok. Napagtagumpayan ninyo ang pagpapatigil ng rebelyon ng lalawigan ng Changgyeon. Inaasahan ko nang naging madahas ang inyong pinagdaanan sapagkat isa ang mga ito sa mga mapupusok na lalawigan dito sa Timog." anang hari na naghuhurumentado ang pagsigaw ng kapangyarihan sa bawat salita nito.

Totoong hindi madali ang dinanas ng pinadalang hukbo ng hari sa Changgyeon lalo't kilala ito na pinagkukunan ng armas na pandigma, kung kaya't agad na nagbaba ng kautusan ang hari nang ibinalita ng tagapagsalaysay ang rebelyon nito sa kaharian dahil di umano sa panggigipit sa kanila ng Saengchu, o ang namamahala sa kalakalan at negosyo ng Timog, maging sa karatig nitong bansa, sa mga lupain nito na binibili sa mababang halaga. Batid ng hari na malaking digmaan ang magaganap kaya ipinadala niya na ang hukbo habang hindi pa sila ganoon kahanda sa rebelyon nito. Bagaman kukumbinsuhin lamang nila ito na makipag-ayos, inaasahan na rin nilang aangal ang mga ito sapagkat likas na maiinit ang ulo ng mga Changgyeon. Ang liman-daang kawal ay halos maubos ang kalahati na nagpatunay sa lakas ng lalawigang iyon.

"Ang gonjae ng pangunahing hukbo ay napatunayan ang kagalingan sa pamumuno at katapatan nito sa Opisyal na Pamahalaan ng Imperyo. Bilang gonjae ay tataas ang kaniyang rango sa pagiging sepjae." patuloy ng hari habang nakatitig sa gonjae.

Puno ng kagalakan ang mahihita sa mukha ng punong heneral sa mga nadinig nito. Nais niyang mag-wala dahil sa lubos na kasiyahan ngunit amg presensiya ng hari ang pumipigil dito. Ang sepjae ay siyang namumuno sa buong hukbong sandatahan ng imperyo. Kadalasan ay tatlo sila upang mapagtimbang ang bawat desisyon nito.

"Aking isasapuso ang inyong kadakilaan, mahal na hari." wika nito at nagbigay-galang sa hari. Tumango naman ito bilang pagtugon.

"Ang pangunahing hukbo naman ay makatatanggap ng mga pagkain at inyong pangangailangan. Magkakaroon din ng maliit na salo-salo dito sa palasyo bilang paggunita sa kaarawan ng ikalawa kong anak na lalaki, doon niyo makukuha ang munting regalo ko para sa inyo." anunsiyo ng hari na nagpabuhay sa loob ng tao roon, tila'y isang kaginhawaan iyon para sa kanila.

Pagkatapos niyon ay tinalikuran na sila ng hari at isinarado na ang bawat lagusan ng palasyo.

Lahat ay pumanhik na sa kanilang mga tahanan at naghanda sa magaganap na okasyon mamaya sa palasyo.

JUST ONE DAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon