TAKIPSILIM

31 4 1
                                    

V

CAIRO

+-+-+-+

NANATILING ALISTO ang lahat. Nakatutok ang kanilang mata sa gawing iyon, hinihintay kung may mga tao bang lalabas na posibleng maghahatid ng kapahamakan sa aming buhay.

Lahat kami ay nagulantang sa isang napakalakas muli na pagsabog ngunit ngayon ay halos nasa harapan lang namin! Napaubo kami sa usok na nagkalat. Nasisiguro kong ginawa nila iyon para hindi namin sila makita na unti-unti na palang sumusugod.

“A-Ano bang nangyayari?” rinig kong sambit ni Gael dito sa gilid ko kaya inalo ko ang kaniyang likod ng mabawasan ang kaniyang pag-aalala.

Halos mapatalon ako ng may isang palaso na muntik ng kumitil sa aking buhay! Mabuti na lamang at naiwasan ko iyon! Salamat rin dahil nasa gilid akong bahagi kaya walang napuruhan sa likod.

Kung palaso lang pala ang usapan ay magkakaintindihan tayo.

Nang maglaho na ang usok ay walang sinayang na oras ang mga masasamang loob na iyon. Nagkalansing ang kanilang mga espada. Lahat sila ay puro nakaitim muli ulo hanggang paa, ang nakalitaw lamang ay ang kanilang mga mata. Mas lamang ng kaunti ang kabilang panig sa dami ng aming kawal at saka sa mga iba pang lalaking boluntaryo na nakipaglaban.

Habang nag-aagaw ang dilim at liwanag ay unti-unti ng nalalagas ang aming kawal! Ang ibang mga walang laban ay nanginginig na sa takot na kanilang nararamdaman. Sa bawat pagbagsak ng kawal ay unti-unting nanumbalik sa akin ang nakaraan. Nung mga panahon na wala akong nagawa kung hindi umatungal sa pag-iyak.

Hinding-hindi na muli ako magpapalupig sa takot. Hangga't may lakas ako ay lalaban ako.

“Dito lang kayo. Maging alerto kayo palagi. May kailangan lang akong gawin.” sabi ko sa aking mga katabi. Umalma naman si Harlan sa akin.

“Ngunit delikado! Dito ka na—”

“Ipinangako ko sa aking sarili na lalaban ako hangga't makakaya ko. Ayoko na ng may namamatay kaya pakiusap...” putol ko sa kaniya. Wala na akong oras para magpaliwanag pa sa kaniya.

“Sasama ako sa iyo. May alam naman din ako sa pakikipaglaban.”

Tinanguan ko na lamang si Elias kaya dali-dali na kaming kumilos. Tinungo namin ang ikalawang sepjae na pagod na sa pakikipaglaban at ngayon ay binabantayan na lamang ang aming ib pabg kasama.

“Bigyan niyo kami ng armas. Saan matatagpuan ang mga iyon?” seryosong sabi ko at kapag gano'n ako ay batid niyang kumikilos ako bilang prinsipe na kailangan niyang sundin.

“Ngunit delikado! Mas mabuti pang kami na lamang ang bahala dito, kayong dalawa ay hindi maaaring madamay!” mariibg sabi niya kaya napapikit nalang ako sa inis!

“Bilang ikalawang prinsipe ay nararapat lamang na sundin mo ang aking inuutos, para sa ikabubuti ng tao pati na ng maaaring maging tagapagmana ng trono.” seryosong asik ko sa kaniya kaya napabuntong-hininga na lamang siya. Batid niyang wala na siyang ibang magagawa kundi sundin ako.

“Sa loob ng kahit saang barko, may makikita kayong malaking parihabang kahon. Doon niya makikita ang hinahanap ninyo. Ito ang susi, mag-iingat kayo.” nag-aalalang wika niya at pagkatapos ay ibinigay na sa amin ang susi.

Nagmamadali namang tinahak ang daan papunta sa barko, kailangan naming maging maingat at kung maaari ay walang makakakita sa amin.

Maingat naming tinahak ang hagdanan papaakyat. Hinalughog pa naming dalawa ang halos kabuoan ng barko dahil marami ring ganoong klaseng kahon na nagkalat. Nang makita na namin ang kahita na iyon ay kaagad naming pinihit ang susi sa butas at tumambad sa amin ang napakaraming armas na pandigma doon. Kaagad kumuha ng dalawang pares si Elias at kinuha ko naman ang pana doon at ang sangkatutak na palaso sa kabilang gilid, malapit sa lagusan papalabas.

JUST ONE DAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon