SAPANTAHA

34 3 0
                                    

XII

CAIRO

+-+-+-+

HUMAHANGOS AKONG tiningnan ang paligid habang ako'y nakaupo sa isang tabi. Nanggigigil ako. Nais kong gilitan ang kanilang leeg at basagin ang kanilang pagmumukha! Natauhan na lang ako nang maramdaman ko ang pagkabali ng palasong hawak ko. Napapikit ako't napabuntong-hininga, at saka iyon binitawan.

May dumating ng iilan na kawal sa pinangyarihan. Sila na ang bahalang kumausap at mangilatis sa mga tao doon. Ang ibang mga tao ay pinauwi na habang ang mga malapit sa pinangyarihan ay naiwan. Naramdaman kong may tumabi sa akin at himawakan ang aking balikat. Si Einar. Nilingon ko siya.

“Magiging ayos din ang lahat ng ito.” saka siya tipid na ngumiti. Bumuntong-hininga pa akong muli bago tumango. Tinapik niyang muli ang aking balikat.

At dahil malalapit lamang ang kanilang tahanan dito sa pagsabog ay dumating na rin sina Einar, kasama siyempre sina Harlan at Gael.

Hindi ko maiwasang malungkot sa mga nangyayari ngayon. Pakiramdam ko ay may pag-aaklas na magaganap—at nag-uumpisa pa lamang sila.

Nanggagalaiti kong pinulot ang isang batong nasa aking tabi at marahas iyong ibinato sa kung saan. Napapikit akong muli at pilit kinalma ang sarili. “H-Hindi ko na alam ang akimg gagawin...” nawawalan ng pag-asang usal ko.

Naramdan ko ang pag-akbay niya sa akin. “Hindi mo kailangan na sarilinin ang iyong suliranin. Nariyan ang iyong pamilya upang sabay ninyong pagtagumpayan ang bagay na ito.”

Napatango ako. Tama siya. Labis talaga akong nagpapasalamat at mayroon akong kaibigan na madudulugan ng aking mga problema.

Ilang sandali lang ay may naaaninag na akong karwahe. Napapalibutan iyon ng apat na kabayo, tig-isa sa bawat bahagi nito. Sa eleganteng palamuti pa lamang nito sa labas ay sigurado akong sakay no'n ang kahit sinuman na aking kapamilya.

“Sige na, nariyan na sila. Humayo ka na't puntahan sila.”

Saglit pa kaming nagpaalam sa isa't isa bago ako lumapit sa karwaheng iyon. Bumungad kaagad si Adelia at halos nagmamadaling makababa. Bigla na lamang siya tumakbo papalapit sa akin at niyakap.

Nagulat ako ng bahagya kaya ilang sandali pa bago ako nakaganti sa kaniyang pagyakap. Naramdaman ko na lang na bumabasa ang bandang dibdib ng aking kasuotan. Kumalas siya sa yakap at pinagpapalo ako sa braso! Napakagandang pambungad sa akin.

“H-Hindi ka na nagtatanda! Lagi mo na lang inilalagay ang sarili mo sa peligro!” emosyonal na atungal niya habang pinagpapalo pa rin ako sa braso.

Niyakap ko na lang siya ulit upang kumalma siya ng bahagya. “Ito ang aking kapalaran, ang masangkot lagi sa gulo. Nakatali na ako dito at mahirap ng kalasin ang nagkokonekta sa amin.”

Kumalas ulit siya sa pagyakap at tinapakan ang aking paa ng buong pwersa! Napayuko ako sa sakit! “Hindi ba dapat pakakalmahin mo ako? Dapat ang sasabihin mo ay ‘hindi na ako lalapit muli sa gulo’. Hindi yung kung ano-ano pang pinagsasabi mo!” hindi ako nakasagot dahil masakit talaga ang ginawa niya!

“'Yan! Bagay iyan sa iyo!” sigaw niya at bigla na lang akong nilayasan!

Sumusobra na rin itong isang 'to! Anong klaseng sapin sa paa ba ang suot nito at halos mapilay ako sa sakit!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JUST ONE DAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon