KAGULUHAN

31 4 0
                                    

IV

CAIRO

+-+-+-+

NAKAUPO LAMANG ako sa malaking tipak ng bato habang nakatitig sa bawat pag-galaw ng tubig. Sa ganoong paraan ako naaaliw, lalo na kapag wala akong interes sa aking paligid.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay para bang pagod na akong gumalaw. Talagang gano'n ang aking nararamdaman kapag nakapaligid sa akin ang daan-daang tao.

Hindi ko alam ngunit isang bagay na napapansin ko ay ang pag-iiba ng kilos ni Marcellus ngayon. Kung dati-rati ay puro pambabara o di kaya ay pasinghal ang magiging laman ng usapan namin.

Mukhang natauhan na yata. Mabuti naman kung gano'n

Hindi ko na sinubukan pang hanapin siya dahil hindo naman ako obligadong gawin iyon kaya nagpasya na lamang ako na manatili dito sa kinauupuan ko.

“Ayos ka lamang ba?”

Doon nabasag ang katahimikan nang may isang estrangherong lalaking tumabi din sa akin at naupo sa batong kinauupuan ko. Dahan-dahan ko namang nilingon ang pinanggalingan ng tinig na iyon.

“Oo naman.” tipid akong ngumiti sa lalaking ito na kaedaran ko lamang. Nakasuot siya ng sapin sa ulo (flat cap), natatakpan ang halos kabuoan ng noo niya ng kaniyang hibla ng buhok, at may nakasilay na ngiti sa kaniyang labi.

Hindi pa man kita nakikilala ngunit nararamdaman ko ang lungkot sa iyong mata.” sabi niya habang hindi pa rin inaalis ang nakaukit na ngiti sa kaniyang labi.

Wala akong nasagot, nanatiling tahimik na pinapanood ang bawat pagsasayaw ng tubig at dinadama ang malamig na ihip ng hangin na animo'y yumayakap sa akin.

Sinp ba itong taong 'to?

“Alam kong nakaukit ang sugat ng iyong nakaraan sa iyo na pilit mong itinatago. Ipinipilit mo sa iyong sarili na malakas ka ngunit sa loob-loob mo ay nanghihina ka na.” sabi niya habang nasa malayo ang tingin.

Hindi ko alam kung paano sumagot. Tama siya, tama lahat ng kaniyang tinuran. Pakiramdam ko ay nalulumbay ako, ngunit hindi ko ipinapahalata. Ayokong ako ay kaawaan. Siguro kung tatanungin ako sa kung anong bagay ako magaling, iyon ay sa pagpapanggap. Nasabi niya marahil iyon dahil sa buhok na tinatakpan ang isa kong mata dahil sa markang iyon.

Paano mo naman nasabi ang mga 'yan?” pagmamaang-maangang tanong ko.

Hindi ko siya kilala at naniniwala ako na hindi niya rin ako nakikilala dahil kung oo ay hindi siya mangangahas na kausapin ako, kaya walang masama kung magpanggap akong inosente.

“Hula ko lang, hehe.” sabi niya at napatawa sa huli.

Napangiti naman ako ng kaunti at pinigilan ang sarili sa pagtawa dahil ang bawat halakhak niya ay wagas! Para bang hirap na hirap siyang huminga!

Ngunit di ko tuloy maiwasang isipin na kahit papaano ay tama ang hula niya. Nasisiguro ko na may alam siya sa akin kahit kaunti lamang.

“Siya nga pala, ipinapatawag na tayo oh? Halika na!” sabi niya at narinig ko naman ang sigaw na nagsasabing magtipon-tipon muna kami.

Pagkarating namin doon ay sinabihan kaming lahat na bawat kategorya ng edad ay maghahati-hati sa sampung grupo. Nakakatawa ngang isipin dahil ngayon lamang nangyari na ang bawat edad ay mayroong bilang na hindi nalalayo sa limampu ang bilang. Inutusan kami na mangolekta ng mga punong-kahoy at malalapad na dahon upang makagawa ng aming masisilungan. Ang iba naman ay maghahanap na lamang ng aming makakain at mangangaso na lamang dahil may espasiyo pa naman sa barko para pagpahingaan.

JUST ONE DAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon