ALAALA

33 4 0
                                    

XI

CAIRO

+-+-+-+

"AYOS KA lang ba?"

Tanong niya na hindi ko alam kung pang-ilan na. Umaalingawngaw lang ang kaniyang tinig sa aking tainga ngunit hindi ko magawang makasagot. Parang may enerhiyang sumakop sa aking katawan at nakapagparalisa sa akin. Sa iba man ay nagmumukhang sumusobra ang aking paglalarawan ngunit totoo.

Inulit niya pang muli ang kaniyang pagtatanong at katapos no'n ay...

Ah! Ang sakit!

Sinampal niya lang naman ako ng pagkalakas-lakas! Pakiramdam ko'y naibalik ako sa realidad. Dama ko pa din ang init sa aking pisngi sa lakas no'n.

Inis ko siyang tinignan. "Alam mo bang masakit?" pasinghal kong tanong habang hinahaplos ang aking kaliwang pisngi. Gano'n pa rin ang posisyon namin, nakapatong siya sa aking harapan.

Tinaliman niya ako ng tingin! "Alam mo rin bang pitong beses na kitang tinatawag?" panlaban niya. "... ngunit naaaliw ka lamang sa kakatitig sa akin." saka gumuhit ang ngisi sa kaniyang labi.

Ang kapal...

Nag-iwas ako ng tingin ngunit napako iyon sa bandang dibdib niya! Napalunok ako. "A-Anong nais mong s-sabihin?..." utal-utal kong sabi, nag-aalangang ituloy ang susunod. "N-na a-ako'y may p-pagtingin sa iyo? Ang ngalan mo lang nga ang nalalaman ko sa iyo!"

Mas lumaki pa ang ngisi sa kaniyang labi. "Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako. Kung gayon ay naiisip mong may pagtingin ka sa akin?"

Napahiya ako. Pinagsisihan ko rin kaagad ang lahat ng aking sinabi.

Panibagong kahihiyan, Cairo. Magaling!

"Bakit hindi ka pa tumayo? Bakit nananatili ka pa ring nakayakap sa akin?" ako naman ang ngumisi. Kung kaya niyang mang-asar ay kakayanin ko rin!

"Tss! Paano ako makakaalis dito kung nadadaganan mo ang aking kamay sa iyong likod?" sambit niya. Ako rin ang napahiya ulit sa huli.

Dahan-dahan akong bumangon upang mabawi niya ang kaniyang kamay. "Sabi ko nga."

Mabuti na lamang at medyo tuyo na ang paligid dahil kung hindi ay putikan na panigurado ang aking damit ngayon.

Pareho lang kaming nakatayo na parang hindi kami magkakilala, naghihintayan lang kung sinong magsasalita. Lumingon siya sa akin at bahagyang natatawa ang kaniyang mukha kaya binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.

“Bakit?” dala ng kuryosidad ay napatanong ako. Ang kaniyang tingin ay parang hinuhusgahan ang aking itsura. “Huwag mong sabihin na iniisip mo pa rin na napakapayat kong tao.”

At humalakhak siya, napakalakas.

“Alam mo bang ilang minuto kong tinignan ang sarili ko sa salamin dahil sa mga pinagsasabi mo!”

Hinihingal siyang tumigil. “Bakit? Hindi ba totoo?”

Napangisi ako. “Bakit?” biglang tanong ko sa kaniya.  “Nais mo bang... makita ang katawan ko?” panghahamon ko.

Dagliang nagbago ang mukha niya at saka siya napalunok!

Tingnan ko lang ang magiging reaksyon mo!

Nagsimula akong lumapit sa kaniya, napakabagal, habang unti-unting kinakalas ang butones ng aking damit. Bawat paglapit ko sa kaniya ay ang siyang pag-atras niya naman hanggang marating niya ang puno sa kaniyang likuran! Halos lumuwa ang kaniyang mata dahil sa laki nito at halos mangatog na ang tuhod niya! Hindi naman kami gaano makikita dito dahil nasa nahaharangan kami ng puno.

JUST ONE DAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon