DAKPIN

47 5 4
                                    

II

CAIRO

+-+-+-+

NASA BALKONAHE ako ngayon habang tinatanaw ang nagtataasang mga bundok at iba pang produkto ng kalikasan. Hinayaan ko na lamang ang sarili kong lumipas ang ilan pang taon na ganito, walang nagbago. Limang taon na parang dumaan lang ng hindi ko namamalayan.

Ngayon ang araw ng taon na itinatawag nilang "sumpa" na kung saan dumanak ang dugo kasabay ng pighati na parang isang delubyo sa alaala.

Nakakabingi ang katahimikan. Paniguradong binibisita nila ang kanilang mahal sa buhay na namayapa. Para bang takot na takot ang lahat na lumabas, wala pa akong napansin ni isang komonero mula sa baba.

Nakakatawang isipin na talagang itinapat pa sa araw na kung saan isinilang ako ang pagluluksa ng tao ngayon. Maski ako ay hindi magawang magsaya dahil may pumipigil sa akin. Napakahirap maging masaya kung alam mong may ibang taong dumadanas ng pagtangis.

"Hanggang ngayon ba ay iniiyakan mo pa rin siya?"

Nanlaki ang mga mata ko sa isang baritonong tinig na nadinig ko. Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko at medyo naiilang dahil sa presensiya niya.

Pagkatapos ng ilang taon mong pagsusungit sa akin ay bigla-bigla ka na lang susulpot sa tabi ko na para bang napakalapit natin sa isa't isa Marcellus. Tss.

Batid kong ang aming inang reyna ang kaniyang tinutukoy. Walang araw na hindi man lang siya sumagi sa isip ko, at madalas ko pa siyang mapanaginipan.

"Patawad"

Ang kaninang nanlaki kong mga mata ay lalong lumaki pa at halos lumuwa na ang aking mata!

Nanatili akong tahimik na pinagmamasdan ang mga ulap na tinatakpan ang bulubundikin, hinihintay ang susunod niya pang sasabihin.

Mukhang nagkaroon ng himala sa sansinukob ngayon...

"Alam kong mali... Hinayaan ko ang aking sarili na magpalamon sa lungkot. Hindi ko pa kasi lubusang maunawaan ang nangyari kaya naghanap ako ng masisisi." seryoso bagaman makabagbag-damdaming aniya.

Sa totoo lang ay matagal ko ng inaasam ang pagkakataong ito, na maibalik sa maayos ang relasyon namin bilang magkapatid.

Nabigla na lang ako ng bigla siyang humagalpak sa katatawa! Nandidilim na ang paningin ko dahil siguradong wakang kuwenta ang kaniyang tinuran kanina at ginawa niya lamang iyon para asarin ako. Paano niya nagagawang tumawa sa kabila ng araw na ito?!

"Ganiyan ka pa rin mahal kong kapatid na Cairo. Madaling malinlang, napakahina at kaawa-awa. Walang ipinagbago." natutuwa pang sabi niya.

Gusto ko siyang sagutin ngunit magmumukha lamang akong mas kaawa-awa tulad ng sinambit niya kung kaya't pinanatili ko ang aking kalmadong postura.

"Hanggang kailan ka magiging ganito? Para akong kumakausap sa isang hangin! Hanggang kailan magtatagal ang galit mo sa mundo? Sabagay, marahil ay labis ang pagkasuklam mo sa iyong sarili dahil alam mong dahil sa iyo, sa pagliligtas sa'yo ay kaya siya nasawi" nakangisi pang pagkakasabi niyang muli.

Doon na ako hindi nakapagtimpi at saka dahan-dahan ko siyang hinarap ng walang mababakas ni katiting na emosyon sa aking mukha.

"Kung wala ka namang magandang sasabihin ay itikom mo na lamang ang iyong bibig dahil wala akong pakialam sa iyo. Saka mo ako kausapin kapag magaling ka ng umasinta ng pana" dire-diretso kong sabi kasabay ng pag-ngisi, dahilan upang manlisik ang kaniyang mga mata.

JUST ONE DAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon