Prologue:
.
Tumatakbo ako ngayon papunta sa kung saan matakasan lang ang mga taong nanghahabol saakin. Nakasaksi ako ng hindi dapat. Pero kailangan ito malaman ng polisya para sa katarungan ng kaniyang pagkamatay.
.Flashback...
.Nandito ako ngayon sa kubo ni Sam. He is my best friend since when I was young. Siya lang ang nagiisang kaibigan ko dito sa probinsya. Bumibisita kami dito sa probinsya tuwing bakasyon. Nagstay kami sa lumang bahay ni Lola. Para na din daw may kasama si lola. Ako naman ay hindi masyadong lumalabas ng bahay dahil hindi naman akong pamilyar dito. But when I met him, nalibot ko itong buong baryo. Thanks, to him.
.Gabi na at nandito ako sa kubo nila. Ito ang nagsisilbi naming hide out.
.Pumasok ako at inilapag ang basket na may lamang pagkain. Nag picnic kasi kami kanina pero pagkatapos ay may pupuntahan daw siya. Di niya sinabi kung saan kaya ngayon ako lang ang mag isa. Sh*t, anong oras na ba at baka pagalitan ako nila mommy and lola pagka uwi ko. Wala si dad, siya ang naiwan sa city para sa businesses namin.
.Ano bayan saan ba pumunta ang hinayupak na yun? Saan ba nagsususuot yung lalaking yun?
.Hindi na ako mapakale kaya napag disisyununan ko ng sumunod. Iniwan ko ang kubo at naglakad pabalik sa pinagpicnikan namin.
.Hindi pa ako nakakalapit ay kita ko na ang mga anino. May 3 anino ng mga lalaki. Yung isang lalaki ay nakaluhod at yung dalawa naman ay nakatayo. Isa sa kanila ay may hawak na baril. Sh*t, what is this?!? Babalik na sana ako dahil baka madamay ako ng may narinig akong boses na ikinatigil ko.
."Pasensya na, kinailangan ko talaga ng pera para sa tatay ko. May sakit siya at kailangan kong bumili ng gamot para rito. Nasa kritikal ang kundisyon niya. Hindi na nga namin siya madala sa ospital," boses yun ni Sam ah. Hindi ako pwedeng magkamali. Agad akong nagtago sa kalapit na puno ng marinig ang mala-demonyong tawa.
."Pwede pa Sam, wala ng magagawa ang pagrarason mo! Malinaw naman sa patakaran diba? Pag ninakaw ang nanakaw papatayin," sa una ay naguluhan ako.
.Ninakaw ang nanakaw? Ang gulo! Pero may isang tanong ang hindi maalis alis sa isip ko. Ano ang kinalamn ni Sam dito?
."A-alam ko pero kinailangan ko talaga eh. Nagkataon lang na nasaakin."
.Kaya pala nung umuwi si Sam ay ang dami niyang dalang gamot.
."Hahaha!" Ayan na naman ang demonyong tawa "sigurado ka bang gamot lang ang binili mo? Eh halos mangalahati ang isang milyon gamot lang?!?"
."H-hindi..."
."Matulog ka nalang ng mahimbing," nagulat ako ng may marinig na putok ng baril. Napalabas tuloy ako ng wala sa oras sa punong pinagtataguan ko. Kitang kita ng dalawa kong mata kung paano bumasak at tumalik ang dugo ni Sam sa ulo. Biglang tumigil ang mundo ko dahil saaking nasaksihan.
.
YOU ARE READING
Enchanted Academy (Blood Academy)
FantasyDo you believe in Vampires? Were wolves? Witch? Bender? Well... do you want to read a weird story or so what ever about it? then take a look! Meet the Enchanted! Meet the Chants! Welcome to Enchanted Academy or should I say... Blood Academy? [GRAMMA...