Chapter 33: Stop

210 20 3
                                    


Someone's POV

She really looks like her, pero paanong hindi siya? Mukha nga siyang photo copy ni Zephanie.

By the way, Zephanie is one of my closest friend. I like her, pero hindi para maging kasintahan kundi bilang maging best friend ko, hindi lang closest.

Totoo si Zephanie, at open minded. She is the perfect definition of a real friend. Kaya maraming nagkaka-gusto sa kaniya kahit bata palang pero hindi ako. I treat her as a sister.

"Bro, kanina ka pa tulala," napatingin ako sa lalaking humawak ng balikat ko. Nandito kami ngayon sa harap ng WW(Were Wolf) building.

"Zyren," tawag ko dito.

"Something wrong?" he asks.

Alam ni Zyren na malakas ang pakiramdam ko, dahil sa isa rin akong were wolf. Isa rin naman siyang Were wolf.

"Nakita ko lang si Zephanie—I mean, kamukha ni Zephanie," naguguluhan kong ani dito, maging ito ay naguluhan dahil kumunot ang noo nito.

"Si Zephanie? Tsk, imposible," naiiling na anito.

"Totoo pre, nakita ko rin siya sa party kaso binalewala ko lang dahil baka namamalik-mata lang ako, lalo na at ang gabing 'yon ay ang pagka-matay niya rin," paliwanag ko.

Sumeryoso ito ng makitang seryoso ako, "kung gano'n sino siya? At kilala ba niya si Zephanie?"

"Base sa pananalita niya kanina nung naka-usap ko siya, parang kilala niya at..." naputol ang sasabihin ko ng maalala ang tono ng boses niya.

"At?"

"Based on the tone of her voice, she doesn't seem to want to be Zephanie."

"Why? Kung kilala niya si Zephanie, bakit ayaw niya? Every girl here at our world wants to be her, even Hannah," takang tanong ni Zyren.

"I don't know," I sigh. "Let's go, baka ma-late pa tayo," he nodded in response.

By the way, I'm Gray Maxury, 19 years old. Son of William Maxury, the Mayor of Oranous. And Davis Miller...

Is my half brother.

•••÷÷÷•••÷÷÷•••

Karina's POV

Nandito kami ngayon ni Athena sa main building ng Enchanted Academy. Ilang beses na 'kong nagpa-balik balik dito para sa training ay 'di ko pa rin maiwasang mamangha sa lawak at ganda dito.

Hinihintay nalang namin ni Athena 'yung isang Bender-Chanter, ang magiging gabay ko sa B(Bender) Building.

Kanina ko pa pinapa-una si Athena pero ayaw niya daw akong iwan kaya ito.

Maya maya ay may lumapit na lalaki sa 'min. Maputi ito at matangkad, gwapo rin s'yempre. Wala na atang panget dito eh. Mukha din siyang Taiwanese.

"Hi, are you Karina Buenavista?" He asked.

Tumayo ako, at tumango. Ngumiti na rin 'no. "Yes po."

"I'm Joseph Phil, your guide at B building," naka-ngiti niyang pakilala at inilahad ang kamay. Tinanggap ko iyon at dahil kilala na niya ako ay si Athena nalang pinakilala ko.

"By the way, this is Athena, my friend also my roommate," Athena smile and bow a little her head.

Humarap siya sa 'kin. "Mauuna na 'ko, Karina, tutal nandiyan naman na 'yung guide mo," paalam nito.

"Ok, ingat!"

"Tss, ikaw ang mag-ingat," natawa lang ako at tumango. Pinanlakihan pa 'ko ng mata kaya nangunot 'yung noo ko.

Enchanted Academy (Blood Academy) Where stories live. Discover now