Chapter 03: Apple Juice

734 127 26
                                    


Karina's POV


Nagtataka parin ako kung bakit ganun siya makatingin. Parang kilalang kilala na niya ako at the first place. Eh, ngayon ko nga lang siya nakita eh. O baka stalker siya? Sh*t! Ano ba ang pumapasok sa kokote mo Karina! Wag ka ngang assuming na magkakaroon ka pa ng stalker! Alam kong maganda ka, Karina but... F*ck!


Hindi ako makatulog! Pagod ako kahit wala akong ginawa. Gustong magpahinga ng katawan ko pero ayaw ng mata ko! Sh*t, anong nangyayari sayo Karina? Ah?


Umupo ako at ginulo gulo ang buhok ko. Kung ano ano kasi ang pumapasok sa isip ko, eh.


"Ay baliw na," narinig kong bulong ni Von sa sofa. Tinignan ko siya ng masama.


Hindi ko ba nasabi na yang lalaking yan ay babantayan ako magdamag kaya nandito siya sa kwarto ko.


"Just kidding," bawi nito. Huminga ako ng malalim baka kung ano ano nanaman ang pumasok sa isip ko. "Can't sleep?" Tanong nito at tumayo sa sofa.


Umupo ito sa silyang katabi ng kama ko. Tumango ako bilang sagot.


"There's something bothering you?" Napatingin ako rito. "Or someone?"


Ha? Ano daw? Kanina something ngayon someone. Ano ba talaga? Ang gulo naman ng lalaking ito.


"Fine, gusto mo bang magkwento ako about my childhood best friend?" Tanong ulit nito. Bigla akong nagkainteres dito kaya tumango ako.


"What is your childhood best friend's name?" Tanong ko.


"Her name is Zephanie but I call her Zep for short. Hindi niya gustong tinatawag sa short name niya. But we're best friends so I can."


Bakas sa mata niya ang saya ng maalala ang pinagsamahan nila ni Zephanie. Napangisi ako ng may naisip na kalokohan. So, ayaw ni Zephanie na tinatawag siya sa short name niya. Kung ganon tatawagin ko siya sa ganung pangalan. Haha! Bad Karina!


"So where is she?" Para maasar ko. Haha!


"She's gone," nawala ang saya sa mata niya kasabay ng ngisi ko.


"Oh, sorry... I didn't meant it," hindi ko alam pero naguguilt ako.


"No, its ok. I know na mahahanap pa namin siya." Nakita ko nanaman sa mata niya ang recognition. Sh*t, bat ganun siya makatingin? Kilala ba niya talaga ako? Kasi ako hindi. Napaiwas ako ng tingin dahil naiilang ako sa tingin niya.


"So, nawawala siya?" Tanong ko.


"Yeah," tumango siya "and I think you need to sleep. Its already late."


Tumayo ito kaya napatingin ako dito.


"Ha? Eh, hindi ka pa nga naguumpisa magkwento eh," ani ko.


"Let's continue this tomorrow, maaga pa ako bukas eh."


"Tomorrow night again?"


"Yeah, sleep well." Sabi nito at bumalik na sa sofa at humiga. Tumalikod ito kaya ang malapad niyang likod ang nakikita ko. Psh, ayaw ipakita ang gwapo niyang mukha!


Napangiwi ako at humiga na para matulog.


--------

Maya maya naalimpungatan ako dahil may narinig akong hikbi. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakatalikod ako kaya hindi ko masusulyapan si Von. Ayoko ring ibukas ang mga mata ko dahil baka kung sino lang ang makita.


Enchanted Academy (Blood Academy) Where stories live. Discover now