Chapter 31: Fake

242 26 24
                                    


Karina's POV





Hindi ko alam kung anong gagawin.

Haharap ba at sasabihing pati ako naguguluhan. Tatakbo ba palayo at umiwas. I-eexplain na ngayon ko lang rin natuklasan.

Hindi ko alam ang gagawin...

Sa kaba at taranta ay 'di ko napansin na naka-harap na 'ko sa kaniya.

Kay Vivian...

Oo si Vivian.

Hindi si Athena o si Davis o Von o kung sino man.

Walang iba kundi si Vivian.

"V-Vivian, l-let me explain." Tanging nasabi ko dito.

Nanlalaki ang mata at halatang di maka-recover. Magkahalong gulat at gulo ang makikita sa mata niya.

'Well, sino bang 'di magugulat?'

"W-What is that, Karina? W-What did you j-just do earlier? Your confusing Karina. I thought were friends, pero nagawa mong mag-tago ng lihim!" Vivian said with disappointment. "I think, hindi namin matatapatan ang pagiging isang kaibigan sa mundo niyo."

"N-No, you wrong... A-Actually—" masisimula palang ako magpaliwanag ng itaas nito ang kaliwang kamay na tila ay pinapahinto ako.

"I-I—Argh!" 'Di nito matuloy-tuloy ang sasabihin dahil sa pagka-bigla, "j-just don't tell anybody a-about this, umuwi ka na rin, Karina. Unti-unti ko ng naamoy 'yong dugo mo." Tumalikod na ito at napahilamos sa mukha.

"V-Vivian..."

"Good night..." Huling sinabi nito bago ako iwan.

Hindi ko alam kung paano nangyari. K-Kung paano ako gumamit ng chant. I-Isa rin ba akong chant? Pero tandang-tanda ko pa 'yong mga araw na bata pala ako. At hindi naman pamilyar ang lugar na 'to. Ang mundong 'to.

'Oh, baka... Binago nila ang mga memorya ko at dinagdagan lang. But, how will my parents would do that on they're own daughter?... Oh baka, hindi nila ako tunay na, anak.'

Mas'yadong okupado ang isip ko at 'di ko napansin na nandito na ako sa harap bg lumbak na pataas na daan, papasok sa Enchanted Academy, dormitory.

Wala na 'yong slides katulad kaninang umaga. Mukhang inalis na.

Hayst.

Napatingin ako sa paa ko.

Tsk, may 2 inch heels pa eh. Pero oks lang 'yan.

Lapain nga ng aso na kaya ko, ito pa kaya.

Nagsimula na akong umakyat ng maalala ang sinabi ni Vivian kanina bago umalis.

"Umuwi ka na rin, Karina. Unti-unti ko ng naamoy 'yong dugo mo."

Wait...

Processing...

Processing...

SH*T!

Agad kong kinapa 'yung sarili ko at doon ko narealize.

'Naiwan ko 'yung bag na dinala ko kay Athena, hayst!'

Kaysa naman sa balikan ang mahabang nilakad ko patungo dito, pinagpatuloy ko na lang. Duh, ang haba kaya ng nilakad ko.

Habang dumadaan sa lubak na daan ay may narinig ako na nagpa-kilabot sa 'kin.

Isang alulong ng hindi pangka-raniwang aso.

Enchanted Academy (Blood Academy) Where stories live. Discover now