CHAPTER 14: THAT SEXY DANCE YOU DID

411 6 0
                                    

Natapos ang gabing iyon na ang lahat ay masaya, lasing o sa madaling salita ay wasted.

Madaling araw na ng matapos ang party.

Nakauwi ang lahat ng maayos. Maayos na naihatid ni Arhixs si Gabb sa bahay nito gamit ang motorsiklo na pag mamay ari ni Gabb.

Napilitan namang magpahatid si Raii kay Steven ng dahil sa ito ang utos ng kanyang ina. Kung kaya't kahit inis na inis si Raii kay Steven dahil nakita itong nagmamake out sa banyo ng mga babae ay nagpahatid ito.

Maayos rin namang nakaalis sina Luhan at Zekei kasabay ng pag alis nina Rhixs na syang kumargo sa lasing na si Brhixs.

Si Brhixs naman ay syang nalasing sa sobrang kulit at paglilikot. Halos na katulog na ito ng buhatin ni Rhixs.

Ang sasakyan ni Brhixs ang kaniyang ginamit dahil alam nyang masasaktan sya ng bunsong kapatid pag iniwan nya ito..

"Ugh! Ano bang pinagkakakain mo princess! Ang bigat bigat mo!" hirap na hirap na bigkas ni Rhixs.

Pasan nito ang kapatid.

"Alam mo Rhixs! Dapat di mo ko pinagdrift kanina para di ko yun nagawa, naalala ko nanaman tuloy sya!" nabigla si Rhixs sa biglaan pag sasalita ng kapatid. Napapapikit na lamang ito habang naglalakad papuntang elevator.

"Alam mo bang pinaghirapan kong pag aralan ang corner na yun. Masaya akong nagawa ko yun ng perpekto pero ang sakit rito Kuya.." sabay akmang pagtuturo sa kanyang dibdin. Hindi maiwasan ni Rhixs ang malungkot at masaktan ang makitang ganito si Brhixs.

Alam nito kung sino ang tinutukoy ng kapatid.

"Don't worry princess, whenever he is I know that he's perfectly proud of you!"malumanay na sabi nya dito.

"Natupad ko na yung pangako ko Kuya. Nagawa ko na diba. Bumilib ka pa nga diba. Pero bat di nya nagawa yung pangako nya." lalong napabuntong hininga si Rhixs. Sobrang nahihirapan ang sistema nya na nagkakaganto ang kapatid nya.

Kasabay ng paglabas nila ng elevator ng maramdaman nya ang munting paghikbi ng kapatid.

"Tahan na Princess, you'll be fine soon."pagaalo nya sa kapatid.Nung dati masaya syang naririnig na pa minsan minsan ay tinatawag syang kuya ng kapatid na malimit lang nitong gawin. Ngayon ay nasasaktan na syang marinig ito sa kadahilanang sa malulungkot na sitwasyon ng kanyang kapatid ito naririnig.

"Edi sana, nagsusukat na ako ng wedding gown ngayon. Nagpaplano ng kasal namin. Yung cake pa, anjan na si Luhan makakatipid na kami sa cake na gagawin. Ikaw pa nga dapat bestman Rhixs diba! Asan na yun lahat!" umiiyak na sabi ni Brhixs habanh sya ay inihihiga sa kama ni Rhixs. Mas minabuti ni Rhixs na dahil na lamang ang kapatid sa kanyang condo dahil sa baka madismaya ang kanilang magulang na ganto si Brhixs. Sya pa nga lang ay hindi na makaya ang makitang ganto ang kapatid, ano pa kaya kung ang magulang pa nila.

"I'm really sorry princess. I'm sorry." kasabay nga huling salitang binigkas ni Rhixs ay sya ring pagdausdos ng kanyang mga luha.

"Wala ng lahat! Nakabaon na sa lupa!" at tuluyan ng nakatulog si Brhixs.

Naramdaman ng gabing iyon ang sakit na nakabaon sa puso ng kanyang kapatid. Hindi nya rin mapigilan ang sisihin ang kanyang sarili sa nangyari sa kanyang kapatid.

Habang inaasikaso at pinapalitan ang kanyang kapatid, hindi nya maiwasang isipin na at sabihin sakanyang sarili na.

"Akala ko sobrang sakit na nga naramdaman ko noon, pero walang wala pala ito sa nararamdamang sakig ng princessa ko."

She's My Evil Princess!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon