Simula

26 0 0
                                    

Mahalagang paalala: This work is a fiction. Fiction meaning gawa-gawa lang at hindi totoo. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events are purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploits the contents of this story in any way. Please obtain permission.

P.s. Kung binasa mo to at may reklamo ka sa gawa ko, text mo nalang ako hehe, text text tayo. Byes labyu!

————————————————<3

Simula

Nagmamadali akong bumaba sa sasakyan ko na nakaparada sa labas ng Emergency Exit ng ospital. I am wearing a white lab gown and a stethoscope around my neck.

"Doctora!" tawag ni kuya guard ng makitang nagmamadali akong bumaba.

"Kuya, pakiparada po ulit. Nagmamadali kasi ako." sabi ko sa kanya sabay ngiti at peace sign.

"Sige po Doctora, walang problema. Same spot po?"

"Oo kuya, same spot. Salamat po ulit." sabi ko sa kanya at ibinigay na ang susi ng sasakyan ko.

Nagmamadali ako dahil may emergency daw sa office. May pasyente akong isinugod dito sa ospital dahil inatake raw sa puso.

Kakauwi ko pa lang sa bahay kanina dahil may duty ako buong gabi, at tatlong oras lang ata ang itinagal ko sa bahay ng tumawag ang sekretarya ko at pinapabalik ako agad sa ospital.

"Be careful next time. Wag matigas ang ulo." sabi ko sa pasyente na ngayon ay maayos na ang lagay.

It was just a mild heart attack kaya hindi napuruhan.

"T-thank you, Doc." Nginitian ko lang siya sabay lingon sa asawa ng pasyente.

"Madam, next time po iwasan niyo pong mastress ang asawa niyo okay?"

"Opo. Salamat, Doc." sabi niya habang umiiyak parin.

Lumabas na ako sa room nila at nagmadali akong pumunta sa office ko.

Hindi nagtagal ay isang katok ang narinig ko sa pintuan at pumasok agad ang nurse slash sekretarya ko.

"Doctora, may new appointment po tayo ngayon." bungad ni Nurse Chin.

"Sige, papasukin mo na."

Inayos ko muna ang mga papeles na nagkalat sa table ko bago lingunin ang bagong pasyente ko.

Nalaglag ang panga ko ng magtama ang paningin namin ng isang pamilyar na lalaki.

Nakasuot siya ng puting polo na nakatupi hanggang siko at black pants.

His eyes. His whole being, paano ko malilimutan ang nag-iisang taong minahal ko ng lubusan. Napakurap ako ng tumikhim siya.

Ngayon ko lang napansin na may kasama pala siyang magandang babae. Umupo na ang babae habang siya ay nakatayo parin sa likod niya.

"Good afternoon po, Doctora." sabi nung babaeng kasama niya.

"P-please, sit down." sabi ko pagkatapos tumikhim at umiwas ng tingin. Ngayon lang natauhan.

I can't believe this! Ilang taon na ang lumipas pero bakit parang bumabalik ang lahat lahat sa akin! Lahat ng sakit at pagsisisi. Pagsisisi sa lahat ng nangyari sa aming dalawa.

I'm sorry I left. Sorry dahil iniwan kitang mag-isa at nagdurusa.

Now, he looked at me as if he doesn't even know me. Like he didn't ever loved me, before.

—————————————————

Maraming grammatical errors, pasensya na tao lang po. If you have problem with this, just correct me if I'm wrong. Open po ako sa lahat ng corrections, comments and suggestions. Mabuhay!

Lost in the CityWhere stories live. Discover now