Kabanata 2
Naglalakad ako ngayon sa may divisoria papunta sa Xavier University habang hawak ang cellphone at naka headset.
I'm just wearing a simple baby pink t-shirt paired with black jeans and white sneakers. My small bag pack was placed in front of my chest, sinusigurado ko lang baka kasi manakawan. Mahirap na.
Galing akong School kanina at uuwi na sana kaso biglang tumawag si Chona at sinabing samahan ko daw siya papuntang SM Downtown.
Okay lang naman sa akin kasi wala rin naman akong gagawin sa bahay at marami pa namang oras.
Its been a week since Liliana's birthday party sa Ultra Winds. It was fun but I was expecting someone to come. Hindi siya pumunta! I was referring to Dom's friend, yung cute na snob. Kainis naman, akala ko pupunta siya. Hindi pala.
Kaya heto ako ngayon at ginagamit ang talent ko sa stalking haha! Hinahanap ko yung Facebook, Twitter or IG account niya.
Syempre hindi ko siya i-aadd duh! Curious lang naman ako. Sabi nga nila, curiosity kills the cat.
Scroll scroll. Up and down. Scroll ulit. Hindi ko na matignan ang dinadaan ko pero nakikita ko naman sa peripheral view ko na walang mababangga kaya go lang.
Tinignan ko yung friends of friends ni Lili kasi nga diba boyfriend niya si Dom, at kaibigan naman siya ni Dom kaya sure na dis.
Finally! A few hours later ay nakita ko na ang Facebook name niya.
Lucas Villareal
Tinignan ko yung profile picture niya. It was just a simple dp, nakaside view siya na parang kinuhanan ng stolen shot at kita ang kumikinang na maliit na earring. He's wearing a black bottondown shirt na nakatupi hanggang siko niya.
Simple pero swabe. Scroll scroll ulit ngunit...
"Putragis mama!"
Napasigaw ako ng mabitawan ko at muntik ng mahulog ang cellphone ko sa kanal sa gilid ng kalsada! Buti nalang at naka plug-in ang headset ko kaya hindi tuluyang nahulog!
Napatingin ako sa lalaking nakabangga ko. Mumurahin ko na sana kaso ng makitang si Lucas iyon ay parang umurong ang dila ko.
Inabot niya sa akin ang cellphone kong hanggang ngayon pa pala ay naka bitay. Kinuha ko naman. Magpapa salamat na sana kaso...
"Tss. Stupid." sabi niya habang pinapagpag ang uniform niya.
Wait, what? Me? Stupid? Me no stupid! Eh siya nga itong bumangga sa akin eh!
"Hoy mister...!"
"Tabi, ang laki mong harang sa daan." sabi niya at nilagpasan ako.
Napansin kong maraming nakatingin na tao kaya inayos ko nalang ang sarili ko at naglakad ulit. Hindi na inalala ang nangyari, atleast safe ang cellphone ko.
Sa may Dunkin Doughnuts si Chona kaya dun ako dumiretso. Ang lapit ko lang pala.
Pumasok ako sa DD at kinawayan naman ako agad ni Chona.
"Girl, let's go?" sabi niya habang bumibeso.
Pumunta nga kami sa SMDT at sinamahan siyang bumili ng gamit. Kumain na rin kami sa isang fastfood pagkatapos ay umuwi na.
Katatapos ko lang maligo at tinutuyo na rin ang buhok gamit ang blower. Ready na mag study dahil may dalawang long quiz kami bukas sa major subjects.
Kinuha ko ang cellphone ko para mag sound trip sana kaso muntik ko ng matapon ito sa pader dahil sa nag pop-up na new notification.
YOU ARE READING
Lost in the City
Teen FictionEsmiranda grew up in a perfectly imperfect family. Para sa kanya, hindi kawalan ang magkaroon ng hindi kompletong pamilya. She loves her mothers so much. Mothers, yes, she has two mothers. Family, friends, school, crush and more crushes lang ang mah...