Kabanata 13
"Wag kang lumapit! Babatukan kita talaga kita!" sigaw ko kay Chona. Hinababol kasi niya ako dahil gusto niyang magsuot ako ng two piece, eh ayaw ko!
"Bakit ba ayaw mo!" sigaw niya pabalik.
"Basta ayoko! Wag mo 'kong pilitin, Chona!" pagalit kong sabi pero natatawa na rin.
"Maitim ba kilikili mo?!" biglang sumulpot si Lucia galing sa labas.
"Tangina niyo hindi!" sabi ko.
"Omg! Don't tell me maitim yang singit mo!" nanlaki ang mga mata ni Chona sa sinabi.
Humagalpak ako ng tawa! Mga baliw talaga tong mga kaibigan ko. Kung ano-ano nalang ang iniisip!
"Pakyu, hindi! Eh sa ayoko ng ganyan! Baka mabastos pa ako dahil jan!" natatawa ako.
"Oh sige! Dahil ayaw mo talaga, edi magsuot ka ng Filipiñana! Maligo kang naka duster!" si Paula.
"Paki niyo kung mag duster ako habang naliligo?" pagbibiro ko.
"Tae! Hindi talaga kita kakausapin!" si Chona na natatawa na rin.
"Naka-hithit ka ba ng katol kaya mukang high ka ngayon, Esmiralda?" si Sav.
Narinig kong tumawa si Angel kaya nilingon ko siya. Naalala ko na naman yung scene kanina. Shit! Umiwas ako ng tingin. Nasa kwarto kaming lahat ngayon dahil pinag-iisipan nila kung ano ang susuutin nila.
I decided to wear shorts at isang puting button-down shirt and sandals dahil maglalaro daw kami ng volleyball mamaya with boys. Nakakahiya naman kung magsusuot ka ng two piece tas maglalaro ka ng volleyball. Edi boom! Kita lahat ng tinatago mo.
Halos lahat sila nagsuot ng two piece pero naka shorts at T-shirt na see through. Kami lang ata ni Lucia ang medyo may kahihiyan pa. Sa bagay itong si Lucia magmamadre ata kaya conservative. Si Angel naman ay naka onepiece pero naka shorts rin, ang sexy niyang tingnan sa suot niya.
"Let's go!" si Lili.
Paglabas namin ay dumeretso na kami sa baba kung saan ko nakita sina Lucas at Angel. The four boys were wearing beach shorts. The two other boys na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan were wearing t-shirt, si Lucas ay naka itim na sando at nakasuot ng sunnies, while Dom was topless!
I'm so confused with the two unknown boys kaya nag tanong ako kay Lucia.
"Sino yang dalawang yan?" bulong ko sa kanya.
"Ahhh kita mo yang singkit na maputi? That's Yuichi, he's half Japanese and half Filipino. Hmm yung isa naman, yung matangkad na medyo mahaba ang buhok, that's Haris, pure Filipino. And he's a Muslim friend, sobrang bait." mahabang paliwanag ni Lucia.
"Whoah! Sa wakas at hindi na sila blind item sa akin." natatawa kong sabi.
Ang gwapo nilang dalawa. Yuichi looks like a playboy type guy, ang cool tignan ng mata niyang singkit. Ang gwapo rin nga pangalan niya, Yuichi. And Haris, he's very masculine at matangos ang ilong. Ang gwapo! Parang may dugong Pakistan, but Lucia said he's a pure Filipino so..... nagkibit balikat nalang ako. These two guys are true blessing in the eyes! Ang gugwapo!
YOU ARE READING
Lost in the City
Teen FictionEsmiranda grew up in a perfectly imperfect family. Para sa kanya, hindi kawalan ang magkaroon ng hindi kompletong pamilya. She loves her mothers so much. Mothers, yes, she has two mothers. Family, friends, school, crush and more crushes lang ang mah...