Kabanata 9
"She's a psycho." bulong ni Chona sa amin.
"You think so?" tanong ni Lucia sa mahinang boses.
Nasa SMDT food court kami ngayon at kasalukuyang pinag-uusapan si Lili na busy sa kanyang cellphone at tumatawang mag-isa. Dom and other boys are not with us kaya malaya kaming nakikichismis.
"Do you remember her 1st boyfriend way back in high school?" singit ni Savannah.
Kakagatin ko na sana yung Turks ko nang maintriga sa sinabi ni Sav.
"Omg! Yun ba yung kinalbo niya yung guy habang natutulog sa dorm niya?" bulong ko rin.
"Mismo! Akalain mo yun, natutulog ka lang tas pag-gising mo kalbo kana." tumawa ng malakas si Paula.
"And, naalala niyo pa ba nung malapit na tayo gumraduate ng Junior High? Yung sa prom?" bulong ulit ni Sav.
"Fuck! Yun ba yung muntik nang masunog yung venue natin?" sagot naman ni Lucia.
"Bingo! Hahahaha!" tumawa ulit nang malakas si Paula.
"Kasabwat niya kaya tayo dun. Tayo yung may gawa sa sunog sa stage. Pero siya yung nag-utos sa atin! Hahahaha!" si Chona.
"Muntik na tayong hindi maka-graduate nun. Syempre walang laglagan, dapat sama-sama tayong babalik sa High School!" singit ko.
"Friendship goals!" si Chona.
"Pero iba rin tong kaibigan natin eh. She's a real fucking psycho!" tumawa ng malakas si Paula dahilan kung bakit napalingon si Liliana sa amin.
Muntik na rin ako mabulunan dahil sa paglingon niya sa amin.
"You all know that I can clearly hear you guys, don't you?" si Lili habang nakangisi.
"Uhmmm....." kami habang kunwari ay busy sa mga weird na ginagawa.
Chona was 'busy' wiping ng table. Patakbo namang pumunta sina Savannah at Paula sa CR. Lucia acted like she's busy doing her assignment. At heto ako, muntik ng mamatay dahil nabulunan sa kinakain. Ang masama, walang kahit anong tubig na maiinom dahil tinapon ni Chona yung hindi pa na nauubos na mga drinks!
"Here." Lili said while smiling in a creepy way. Nanginginig ko naman kinuha yung mango shake niya.
"T—thanks, hehe." I said, my hands are still shaking. Hindi dahil sa takot na baka mabaliw na naman 'tong kaibigan namin kundi dahil sa creepy smile niya.
Liliana, our best friend, is literally a fucking psycho. Why? Well... ilang minuto lang ay bumalik na sina Sav at Pau galing sa CR.
"Why are you so silent guys?" tanong ni Lili sa amin pagkatapos ay tumawa ng malakas. See? Baliw talaga tong kaibigan namin.
"You know guys, we're friends since birth kaya wag na kayong mahiya. And did I hear it right? My 1st boyfriend? Hahahaha alam niyo naman ang dahilan kung bakit ko siya kinalbo diba?" dugtong niya.
"I know right." si Lucia na isa pang baliw, mag pinsan talaga. Yup, she's not Liliana if she's not a psycho kaya.... nagkibitbalikat nalang ako.
Inabot kami ng gabi dahil sa pag-alala sa mga kabaliwan namin noong High School pa kami. And yes I admit it, we are all crazy. Dahil sa malakas na tawanan ay hindi mapigilang lumingon ng mga ibang tao sa food court sa amin. Pagkatapos nang kabaliwan naming magkakaibigan ay napagdesisyunan naming umuwi. It was already 6:30pm ng makarating ako sa bahay.
"Mom?" sabi ko habang hinuhubad ang sapatos at nilagay ang bag sa sofa.
"Oh ma daughtah! Ginabi ka ata?" nakapamewang na tanong ni Mommy habang may hawak na sandok.
YOU ARE READING
Lost in the City
Teen FictionEsmiranda grew up in a perfectly imperfect family. Para sa kanya, hindi kawalan ang magkaroon ng hindi kompletong pamilya. She loves her mothers so much. Mothers, yes, she has two mothers. Family, friends, school, crush and more crushes lang ang mah...