Kabanata 11
Life must go on. If you can't face this fucking reality then you don't deserve this life. I realized that sometimes you must be hurt in order to know, you must fall in order to grow, and lose something in order to gain. Because pain is the greatest lesson in life that we need to learn. Pain is what makes you stronger... and braver. That's what I've learned from pain.
It's been 2 weeks since the last time we've talked. I've been avoiding him since then and he's been chatting me pero hindi ko na inaabala pa. Call it whatever you want, maybe ghosting or what? pero ayokong kausapin siya. Alright, I admit that I was hurting. Kaya tama na siguro ang ginagawa ko. I have life to take care of, and I'm fine now. I am fine... for now.
Friday ngayon at nasa school. Naging sobrang busy ang life dahil sa dami ng requirements sa school.
"Hey!" tawag pansin ko kay Josh na naglalakad papuntang canteen. Nilingon niya ako at kumaway.
"Miranda, anong kailangan mo maliban sa makita ang gwapo kong mukha?" pagbibiro niya pagkatapos ay tumawa ng malakas.
"Bukod sa wala kang itsura, kailangan ko ng dugo mo. Hehe." sabi ko at ipinakita sa kanya ang isang syringe dahilan ng panlalaki ng mata niya.
I need to collect blood para sa activity namin sa isang major subject. I've been asking more than 20 people today na nakakausap ko para lang makakuha ng dugo nila pero tatatlo pa lang ang nakuhanan ko.
It's weird pero I really love blood. Gustong-gusto kong nakakakita ng dugo, parang ang sarap sa feeling. It makes my life complete! It's a weird obsession pero as a Medtech student, its a normal thing. Minsan naiisip ko vampire siguro ako, pero hindi ko pa naman na-try na uminom ng dugo. Ma-try nga minsan... hmmm?
"Uh-uh no darling. Mamamatay muna siguro ako bago mo pa ako matusok nyang hawak mo." sabi niya nang may pandidiri sa mukha habang nakataas ang kamay na para bang sumusuko.
"Puhleaaase?" pamimilit ko sa kanya habang nagpa-puppy eyes. Inilapit ko sa kanya yung syringe na hawak ko pero...
"Oh god! Please!" sabi niya at tumakbo na palabas ng gate sa school.
"Tss duwag." natawa ako sa reaksyon niya. Kalalaking tao natatakot sa karayum.
Tiningnan ko kung anong oras at 4:30pm na pala. Wala na akong next class kaya napagdesisyunan kong umuwi nalang.
Naglalakad ako patungo sa sasakyan ng jeep ng mag-ring ang cellphone ko.
"Hello mom?"
[Hello? Anak nasan ka?] si mommy sa kabilang linya.
"Nasa paradahan ng jeep mom, pauwi na po ako. Bakit?" nagtatakang tanong ko dahil iba ang boses ni Mommy ngayon, parang natataranta na ewan.
[Sa school niyo banda? Jan ka lang muna, susunduin kita...]
"Mom, may problema po ba?" tanong ko sa kanya pero hindi niya sinagot. Bumuntong hininga lamang siya.
[Hintayin mo ako, anak. May pag-usapan tayo.]
Pagkatapos ay binaba na niya ang tawag. Hindi ako mapakali habang naglalakad pabalik sa school gate. Something is wrong. Gusto kong mag-isip na baka wala lang pero hindi ko mapigilang hindi mag-isip ng kung ano-ano. Kinakabahan ako sa ano mang sasabihin ni mommy sa akin. Ilang minuto lang ay pumarada na sa harap ko ang sasakyan ni mommy kaya pumasok na agad ako.
"Hi mom, what's up?" sabi ko sabay kiss sa pisngi.
"Anak... musta ang school?" pinaandar na niya ang sasakyan.
"I'm fine mom. What's wrong? May problema po ba? Sa work or sa business?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Kinakabahan ako sa kilos ni mommy ngayon. Hindi normal. Friday ngayon at dapat ay bukas pa siya makakauwi dahil may night duty siya sa ospital mamayang gabi. Kaya nakakapagtaka kung bakit niya ako sinundo ngayon.
YOU ARE READING
Lost in the City
Teen FictionEsmiranda grew up in a perfectly imperfect family. Para sa kanya, hindi kawalan ang magkaroon ng hindi kompletong pamilya. She loves her mothers so much. Mothers, yes, she has two mothers. Family, friends, school, crush and more crushes lang ang mah...