1

10 0 0
                                    

Kabanata 1

"Hoy! Teka lang! San tayo pupunta?" tanong ko sa kaibigan kong nagmamadali palabas ng library.

"Ano ba! Bilisan mo nga maglakad, malelate na tayo!"

"San ba kasi tayo pupunta?" tanong ko ulit kay Paula.

"San pa? E'di kay Liliana! Gaga ka talaga. Nakalimutan mo na ba? Birthday niya ngayon kaya susurpresahin natin siya!" sabi niya at binatukan ako.

Patuloy parin ang paghila sa'kin ni Paula hanggang makalabas kami sa library. Pagod akong humarap sa kanya.

"Mas gaga ka! Syempre hindi ko nakalimutan 'yun! Eh kaso malapit na next class ko kaya baka susunod na lang ako sa inyo."

"Haays! Hindi ba pwede ipagpaliban yan? Kahit ngayon lang? Cutting muna tayo, girl! Ngayon lang please?" sabi niya habang nagpapa cute na parang tae.

"Tumigil ka nga, parang kang tae!" sabi ko at tumawa na lang sa reaction niya.

"Pakyu!" sabi niya at itinaas ang gitnang daliri. "Sige na, absent na tayo please Meme? Birthday ni Lili kaya dapat andun tayong lahat."

"Gaga! Kailangan nating pumasok! Palaging tandaan, edukasyowwn ang solusyowwwn!" pagdadahilan ko.

Napasinghap ako. Actually, napag desisyunan ko na talaga na aabsent ako ngayon at inaasar ko lang itong kaibigan ko.

"Grabe! Ang sama mo Esmiranda!"

"What? Tama naman ako ah?" sabi ko at tumawa ng malakas dahil talagang naiiyak na ang kaibigan ko. "Oo na! Oo na madam! Let's go!"

"Yes! Let's go Meme!" sabi niya at nauna nang tumakbo palabas ng gate.

Naglalakad kami ngayon papunta sa sasakyan ng jeep. Medyo maraming estudyante kaya pahirapan makasakay ngayon.

"Tagal naman!" reklamo ni Paula.

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami makasakay ng jeep. At ilang minuto rin ang byahe papunta sa School ni Liliana. Dun kasi namin siya susurpresahin.

"Xavier po kuya, dalawa estudyante!" sabi ko sabay paabot ng bayad kay ateng nasa unahan malapit sa driver. "Salamat po." ngumiti lang siya sa akin.

"Tingin mo, ready na kaya sila Chona?" bulong ni Paula.

May matandang babae kasi kanina na nagalit dahil maingay daw yung mga Senior High School na taga Liceo. Kaya ngayon eh bulong bulong muna, baka kasi madamay pa kami.

"Hmm, I think so. Sila pa." bulong ko pabalik.

"Para, kuya!" sigaw ni Paula kay kuya driver ng muntik ng malagpasan ang Xavier University. "Salamat po!"

Bumaba na kami malapit sa may McDo at tinext narin sila Chona na nandito na kami.

"Girl!" sigaw ng kaibigan kong parang nakalunok ng megaphone, kaya napalingon agad ang ibang tao sa paligid. Nasa kabilang kalsada sila.

"Chona!" sigaw pabalik ni Paula, na isang rin nakalunok ng megaphone.

Kinawan ko lang sila at lumapit na sa mga kaibigan namin. Kompleto kami ngayon kaya ang saya-saya namin.

Pagkatapos magbeso sa isa't isa ay pumasok na kami sa 7/11 convenient store na katapat mismo ng School ni Lili.

"Pagkatapos ng surpresa ay pupunta na tayo sa Ultra Winds! Yey!" excited na sabi ni Lucia, pinsan ni Lili.

Wait, what? Pupunta kami sa Ultra Winds? Bakit di ako nainform?! Wala akong dalang damit! I'm just wearing my PE uniform kasi may PE class kami kaninang umaga.

Lost in the CityWhere stories live. Discover now