Kabanata 12
Last week was a hell week! It was the end of my 3rd Year First semester kaya sunog kilay ang ginawa ko buong lingo. Literal na sunod kilay. Dahil sa sobrang pagka-busy, minsan nakakalimutan ko nang maligo sa loob ng dalawang araw. Being a Medtech student was not a joke. Ang daming medical terms na kailangan isaulo at may practical exam pa. Kailangan mag-aral ng mabuti dahil nakasalalay sa amin ang buhay at kaligtasan ng pasyente, kung hindi kami mag-aaral ng mabuti ay sure bells tigok sila haha! At siguradong tigok din ang future ko.
Naalala ko yung practical exam namin sa Physics, halos humiwalay ang kaluluwa ko tuwing naririnig ang bell udyat na kailangan nang lumipat sa kabilang table. Yung feeling na naiiwan yung utak mo sa naunang tanong at hindi maka focus sa susunod na questions? Ang tawag dun, bigti na girl.
Monday today at ngayon ang unang araw ng Sem break kaya tinanghali na ako ng gising, binawi ang lahat ng puyat last week. Tamad sa lahat ng gagawin. Naalala ko pa nung kinailangan kong malunod sa kape para lang hindi antukin dahilan nang pagpa-palpitate ko. Minsan naring dumugo ang ilong ko habang nag-aaral sa library. Mahirap pero kakayanin dahil walang makakatulong sa sarili mo kundi ikaw lang din.
Kinusot ko ang mga mata ko at matagal bago bumangon. Kinuha ko ang cellphone kong nakapatong sa lamesa malapit sa lampshade sa gilid ng kama ko at pinaandar ito. Pinatay ko kasi kagabi dahil sobrang ingay ng "The Budots Gang" na group chat.
Pag-on ko palang ng wifi connection ay dumagsa ang libo-libong messenger notifications galing sa group chat na iyon! Napasapo nalang ako ng nuo. Ang ingay grabe!
Savannah mentioned you in "The Budots Gang." Binuksan ko agad ang gc at....
1,094 old messages.
Wtf?!
Savannah:
Watsap sleepy head! Gising na! @Esmi RandaLiliana:
Hoyyyyyyyyy @Esmi Randa anong oras na! Kanina ka pa namin kino-contact!Seen by Paula, Dom, Haris, and 2 more.
Me:
Tangina nyo! Bakit ba!Seen by Lucas, Liliana, and 4 more.
Liliana:
Taena mo! Anong bakit ba?! Buang!Me:
Oh? Bakit ba? Kakagising ko lang haha!Seen by Lucas, Haris, and 6 more.
Nag angry react sina Liliana, Chona at Paula. Si Dom at Savannah naman ay nag laugh react lang.
Tss. Anong problema ng mga budots na 'to? Eh sa napasarap ang tulog ko! Pake ba nila?! Teka sino tong Haris?
Bumangon na ako at dumiretso na sa banyo para maligo at nang mahimasmasan. At sa sobrang pagmamadali ko ay inabot ako ng 40 minuets sa banyo! Atleast lalabas ako na naka pagbihis na.
Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako ng makita si Savannah at Chona na hinahalukat ang buong closet ko. Wtf?! Hindi nila ako napansin kaya binatukan ko na ang dalawa.
"Watdafak!" sigaw ni Chona sa gulat at napalingon sa akin. Napakamot naman sa ulo si Sav.
"What the hell are you doing here? At anong ginagawa niyo?!" galit na bulalas ko sa kanila. Ang mga ugok naman ay nagpatuloy lang sa ginagawa na para bang wala silang nakita o narinig. Dahil wala naman akong matinong sagot na makukuha sa mga petchay na 'to ay lumabas na ako ng closet room na katabi lang ng banyo ko.
Mas nanlaki ang mga mata ko ng makita sina Liliana, Paula at Lucia na prenteng nakahiga sa kama ko.
"Putangina, reunion ba 'to?!" lumapit ako sa kanila.
YOU ARE READING
Lost in the City
Teen FictionEsmiranda grew up in a perfectly imperfect family. Para sa kanya, hindi kawalan ang magkaroon ng hindi kompletong pamilya. She loves her mothers so much. Mothers, yes, she has two mothers. Family, friends, school, crush and more crushes lang ang mah...