14

2 0 0
                                    

Kabanata 14

"Oh, please don't say that." natatawa ako ngunit naguguluhan sa sinabi niya.

Anong ibig niyang sabihin? Na magkaiibigan lang sila? Na hindi sila nagkabalikan? Oh please shut the fuck up.

Nilingon ko siya ng nakangisi na para bang isang biro ang sinabi niya.

"You know what? I'm fine with this. Angel is now my friend, and I guess we're friends too, right? Don't make things complicated." sabi ko pagkatapos ay tumayo na.

Ayoko na dito. Gusto ko nalang matulog. Bumuntong hininga ako. Nilingon ko siya. Nakita kong yumuko siya, parang problemadong problemado.

"I won't.... give you up." biglang sabi niya at tiningala ako. He smiled at me pero hindi abot sa mata.

Ramdam kong seryoso siya sa sinasabi niya. Walang halong biro. Nanlilisik ang mga mata niya habang tinititigan ako.

What does he mean? Shocks! Hindi na ako nagsalita at naglakad nalang patungo sa hotel. Wala akong pake kung iniwan ko siyang mag-isa dun. Bahala siya. Wala akong planong sirain ang relasyon nilang dalawa. Like duh? Ang beauty ko ay hindi pang second best lang!

Parepareho lang ang mga lalaki. Bakit ka pa maghahanap ng iba o di kaya ay lalandi sa iba kung mayroon ka nang karelasyon. Don't tell me gagawin niya akong kabit? Wtf!? Damn him!

Oo, inaamin ko! I can't deny the fact na gusto ko parin siya hanggang ngayon pero hindi sapat ang gusto lang para manira ng relasyon. I don't want to be the bitch here. Ayokong maging option lang.

I don't deserve to be the second best. Dammit!

Galit at puot ang nararamdaman ko sa ngayon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko mali ang ginagawa niya. Again, he never said he likes me. Atleast in person. Wala akong pinanghahawakan sa kanya.

Pero hindi ko parin maiwasang masaktan. Nasasaktan ako para sa sarili ko dahil alam kong hanggang ngayon ay hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko alam kung crush lang ba ang tawag dito o ano pero ang alam ko gusto ko siya. Gustong gusto ko siya.

But not now, he's with Angel. Nagkabalikan sila at yan ang panghahawakan ko sa ngayon.

Bumuntong hininga ako habang pinipigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Ba't ako naiiyak? Ba't ako nasasaktan? Kasi nga gusto mo parin siya, gaga.

Suminghap ako at ipinikit ang mga mata. Halos tatlong oras na akong pagulong gulong sa kama ko pero hindi parin ako inaantok. Inaalala ang mga nangyari kanina.

I should stop this before things get worse. Tama. Yan dapat ang tamang gagawin ko sa ngayon.

Hindi kalaunan ay nakatulog na ako sa dami ng iniisip. Kinabukasan ay halos tinanghali na ako ng gising habang ang mga kasama ko ay nagawa pang maligo sa dagat at maglaro.

"Wala na bang naiwan?" tanong ni Dom sa amin sa loob ng sasakyan.

Pauwi na kami ngayon at hindi ko maiwasang mag-isip. Ang sarap sa pakiramdam na nakapag bakasyon kahit sa kaonting oras lang. I've drowned myself into school na minsan sa sobrang busy ay hindi na nakakasama sa outing ng barkada.

"Wala na." sagot ni Liliana. Dom only smiled at her for a response.

Ilang oras ang byahe at sa wakas ay nasa bahay na rin ako. Hindi na ako nagtangkang kausapin man lang siya o kahit si Angel. Panay ang sulyap niya sa akin pero tuwing nagtatama ang mata namin ay agad akong umiiwas. Bumuntong hininga ako.

"How was the trip?" Mommy asked me habang nakadungaw sa pintuan ng kwarto ko.

"It was fun mom. Sana mag family outing din tayo." I smiled at her. She smiled back.

Lost in the CityWhere stories live. Discover now