3

7 0 0
                                    

Kabanata 3

"Ano ba yan! Ayoko na! Nakakapagod na!" reklamo ko kay Sav habang naglalaro kami sa Quantum.

"Parang siya, pagod na akong ipaglaban." hugot ni Sav.

Minsan baliw rin 'tong kaibigan ko. Ang daming hugot sa buhay eh wala namang boyfriend!

Bumuntong hininga siya bago ako lingunin. "Oh, ano na ngayon ang gusto mong gawin?"

"Kain tayo? Hehe." sabi ko at nag peace sign sa kanya.

Ganito na talaga ako. Ewan ko ba kung bakit ang dali kong magsawa sa lahat ng bagay. Minsan gusto ko, minsan naman hindi.

I can't really decide, nahihirapan akong pumili ng kung ano bang gusto ko o hindi. Kailangan magisip muna bago react.

"Puntahan muna natin sina Chona at Lucia. Naglalaro pa sila ng basketball sa dulo." pagkatapos niyang sabihin yun ay hinila na ako ng kaibigan.

"Aray! Nakaka dalawa ka na ng sapak, Chona!" reklamo ni Lucia pagkatapos sapakin ni Chona.

"Bobo mo kasi, girl! Ubos na yung time natin hindi ka pa nakaka score! Dumbell ka ba?" si Chona na tawa ng tawa sa reaction ni Lucia.

Napaka harsh talaga ni Chona kahit kailan. Buti nalang talaga at sanay na kami sa bunganga ng babaeng 'to. Kung hindi, baka nagkarambol na silang dalawa dito.

"Sorry naman, sige next time papabuhat ulit ako, hehe." she said while trying to kiss Chona on her cheeks.

"Yow! Kain tayo?" bungad ni Sav sa kanila.

"Gusto ko yan!"

"Ako rin!"

"San tayo kakain?" tanong ko sa kanila.

Ilang oras na kasi kaming paikot ikot dito sa mall pero wala pa rin kaming mahanap na kakainan.

"Pagod na ako, san ba talaga tayo kakain?" naiiyak na sabi ni Lucia.

"Jollibee!"

"Ehh wag jan, nakakasawa na jan!" reklamo ko.

"Mcdo! KFC! Mang Inasal!"

"Food court nalang kaya?" si Sav na kunwaring nagiisip.

"Bingo! Let's go."

We ordered Turks and fruit shakes pagkatapos ay bumili rin ng super meal si Chona para sa lahat.

I was about to bite my second Turks when my phone suddenly vibrated.

Tinignan ko at nakitang nagtext si Liliana.

Lili the Frog:
Hey, where y'all?

Me:
SMDT.

Ilang sigundo lang ay nakareply siya agad.

Lili the Frog:
Luh! nasa smdt din ako w/ Dom!

Me:
sml?

Lili the Frog:
Gaga! San kayo? I'm coming.

Me:
Food court sa pinaka dulo. Bring something hehe labyu <3

I told her to bring something, yung makakain pero iba ang dinala niya.

"Watsap madlang pipol!" malayo pa lang ay rinig na namin ang sigaw Liliana sa Food court.

Naglalakad siya palapit sa amin at kasama nga niya si Dom, at Lucas.

"Taena! Ang ingay mo!" si Chona habang umaakting na parang nabibingi.

Umupo na si Lili at Dom sa vacant chairs pero nagulat ako ng magsalita si Lucas.

Lost in the CityWhere stories live. Discover now