6

7 0 0
                                    

Kabanata 6

Cagayan de Oro City, also known as 'The City of Golden Friendship'. My home, my paradise. Kaya siguro maraming na-ffriendzoned dito kasi nga The City of Golden "Friendship", meaning hanggang kaibigan lang kayo ng gusto mo. Charot!

"What makes our City beautiful?" tanong ng panot na history teacher ko.

Nasa history class ako ngayon at ang topic ay World War II pero diko alam ba't kami napadpad sa history ng Cagayan.

What makes this city beautiful? For me, it is not the place itself nor the beautiful spots here, but the people. The hospitality, love, care and respect of the Kagay-anons to each other are what makes it more beautiful and wonderful. Pero syempre hindi rin mawawala yung mga toxic people dito.

"Uy, nakikinig ka ba? Makinig ka, baka may pa-oral or essay quiz ang sir niyo." bulong ng ka-seatmate kong hindi ko masyadong namumukhaan dahil sa antok.

Kanina pa kasi ako hikab ng hikab. Puyat ako buong linggo dahil sa thesis paper namin. Sa loob ng isang linggo, halos everyday 3am na ako nakakatulog. Pano ba naman kasi eh yung partner kong lalaki hindi tumutulong, ang laking dumbell! Kainis.

"Shhh, wag kang maingay. Inaantok pa kasi ako, at nakikinig naman ako kahit papaano." sabi ko pagkatapos humikab.

Tumawa ng mahina yung lalaking ka-seatmate ko. Medyo familiar yung boses nung lalaki.

"Here. Put your head on my shoulder para hindi ka mahirapan." he said while tapping his broad shoulder.

"Eh? Close ba tayo?" pagtataray ko sa kanya bago lingunin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makilala yung lalaking feeling close. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng mag-sink in sa utak ko kung sino yung lalaki.

"Oh my gosh! Josh Trinidad?!"

"Yes, Mr. Trinidad! Stand up and answer this question." our panot na history teacher said.

Luh?! Oral? May oral?! Teka, akala ba ni sir nag volunteer siya na sumagot sa question? Patay.

Napakamot sa ulo si Josh at tumayo para sagutan ang tanong. Tiningnan ko siya at mahinang bumubulong at humihingi ng tawad.

Tapos na ang klase pero nandito parin kami ni Josh sa classroom.

"Sorry kanina, Josh."

"Okay lang, nakasagot naman ako ng maayos." he said smiling.

"Wait, classmate pala tayo dito? Ngayon lang kita nakita ah."

Kasi naman ngayon ko lang talaga siya nakita dito. Nakapagtataka lang na nandito siya.

"No. Naki sit-in lang ako." ahhh kaya pala.

"Huh? Bakit? Wala ka bang pasok ngayon?"

"Nothing. I just want to see someone today." he said, still smiling.

Tangina nakakahawa yung ngiti niya. Nakakaakit~stop it self, na friendzoned ka na diba? Naka move on kana. Tsaka may bago ka ng crush!

"Ako ba?Joke haha. I mean sino?" pagbibiro ko sa kanya.

He pursed his lips. "Basta. Anyway, kumain ka na?"

"Oo, eh. Ikaw?"

"Hindi pa pero parang busog na ako."

Busog daw pero hindi pa kumakain. Ano kayang tinira ng isang to?

"Lasing ka ba?"

"What? Hindi." sabi niya sabay tawa ng malakas.

Lost in the CityWhere stories live. Discover now