Kabanata 5
Pagkatapos namin kumain ay nag-ikot muna kami sa syudad. Para hindi na siya ma 'lost my way' kuno.
It was nice talking to him. Puro smile lang ang sagot sa bawat tanong ko. Oh diba nice talking to him.
"Do you want ice cream?" he asked suddenly.
Kakatapos lang namin kumain ng ice cream kanina tapos ngayon ice cream na naman?
Gusto ata ako nitong patayin sa ka-sweetan niya eh, hay nako!
Pero sa bagay nakakagutom din pala mag-ikot dito.
"Sure."
Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng isang convenient store.
When we entered the store, napansin ko ang isang lalaki malapit sa cashier. He looks very familiar kaya nilapitan ko.
"Oh my gosh. Si Josh ba yun?" tanong ko sa sarili. Omg! Siya nga!
"Josh?" I asked, kunwari hindi kilala.
"Uy! Miranda. Ikaw pala yan."
Josh was my ultimate crush last year. Napaka friendly kaya na-friendzoned ako. Sad but it's okay. Hindi ko rin naman siya bet maging boyfriend. Crush lang, nothing more nothing less.
Nag-usap kami saglit, nagkamustahan at kung ano-ano pa. Pagkatapos ay nagpaalam na mauuna na siyang umalis.
"Who's that?" someone asked behind me.
Nagulat ako kaya napaabante ng kaunti. Si Lucas lang pala. Hawak na niya ang ice cream na binili niya at akmang ibibigay sa akin ngunit binawi niya ulit.
"Uhmm someone I know." sabi ko habang nasa ice cream parin ang paningin.
Tinitigan lang niya ako na para bang gusto pang magtanong pero nagdadalawang-isip.
Kalaunan ay lumabas na siya sa convenient store kaya sumunod na rin ako. Anyare sa kanya?
Nasa loob na kami ng sasakyan pero hindi parin niya binibigay ang ice cream ko.
Matcha and Vanilla yung flavors. Sinabi ko sa kanyang matcha flavor yung gusto ko, favorite ko yung Matcha kaya sobrang natatakam ako.
"Uhmm hehe yung ice cream ko?"
Tinitigan niya lang ako bago umiwas ng tingin.
Gusto niya bang malaman kung sino yung kausap ko kanina? Omg! Baka crush niya! Charot!
"His name is Josh.... and ahmm crush ko siya last year."
I said trying to figure out what's happening.
"Can I have my ice cream now? Hehe."
"So he's your crush huh?" he asked. Binaliwala ang tanong ko.
"Last year. Hindi na ngayon."
Tumingin ulit siya sa akin at akmang ibibigay na sa akin ang ice cream pero binawi niya ulit.
Omg! Don't tell me...
"Don't tell me gusto mo yung matcha flavor?!"
"No. Stupid."
"Luh? Hindi mo gusto yung matcha? Baka ako gusto mo." pagbibiro ko sa kanya.
Tumawa ako sa sariling joke. Nakita kong namula ang kanyang tenga at umiwas ng tingin habang may tinatagong ngiti sa labi.
Minsan effective din pala yung mga banat na nababasa ko sa Facebook eh.
His lips pursed. "Here."
Kinuha ko na yung ice cream at nilantakan na.
"Medyo tunaw na. I'm sorry." he said.
YOU ARE READING
Lost in the City
Teen FictionEsmiranda grew up in a perfectly imperfect family. Para sa kanya, hindi kawalan ang magkaroon ng hindi kompletong pamilya. She loves her mothers so much. Mothers, yes, she has two mothers. Family, friends, school, crush and more crushes lang ang mah...