Kabanata 15
Ilang minuto lang ay sa wakas nakasakay narin kami ng taxi. Sinabi niya sa taxi driver ang tungo namin. It was a very long ride pero hindi boring, ito kasing kasama ko salita ng salita. Parang sirang plaka.
"Welcome, Ma'am." Bati ng receptionist ng hotel.
It was a five star hotel, wag nang magtaka kung bakit. Mommy sponsored us in this trip. Gusto sana ni Mommy na sa hotel nalang kami ni Daddy mag-booked in pero tumangi ako. Ayokong maging abala pa kay Daddy. He's very busy and I don't want to waste his time.
"Hello po. Room reservation for Esmiranda Gonzalo?" I smiled back at her.
Ngumiti sa akin ang receptionist pero lumihis ang tingin niya sa lalaking nasa likod ko.
Nanlaki ang mga mata nung babae na para bang nakakita ng multo.
"S-sir—" sabi ng receptionist.
Tumikhim si Lucas sa likod ko at parang sinenyasan ang babae para hindi matuloy ang sasabihin nito.
Kumunot ang nuo ko. Bakit ganun ang reaction nung babae? Hmm maybe because he finds him handsome too? Oh well. Nagkibit balikat nalang ako.
Umubo ng kaunti yung babae bago magsalita. May pinindot siya sa intercom at ilang sigundo lang ay may lalaking lumapit sa amin.
"Welcome, Sir. Madam. My name is Ponce, I am the manager of this hotel." pormal na pagpapakilala ng lalaki.
Medyo may katandaan ito, I guess he's 30 years old or plus. I smiled at him.
"Hello po. Uhmm I just wanna ask if we can still booked another room para sa kasama ko?" tanong ko.
Ngayon ko lang narealize na iisang room lang pala ang nakuha namin ni Paula. Okay lang naman pero hindi ngayon. Kasama ko si Lucas at wala akong planong makasama siya sa iisang kwarto!
"I'm sorry madam, but we are fully booked this week dahil may business trip na nangyari ngayon dito sa Hotel. You are so lucky dahil naka booked na kayo since last week." He smiled.
"Is there any other choices?" biglang tanong ni Lucas sa manager.
Kitang kita sa mukha ng manager ang sobrang pagkagulat at kaba dahil sa simpleng tanong ni Lucas.
Bakit ang weird ng mga tao dito? Something is not right. I guess.
"I-I'm sorry sir p-pero wala po talaga." napansin ko ang hilaw na ngiti ng manager.
Agad ko namang siniko si Lucas sa tagiliran dahilan kung bakit siya napalingon sa akin. Pinandilatan ko siya. Tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Ah ganun ba? Sige okay lang yung room na nakuha namin." sabi ko.
"Are you sure?" bulong ni Lucas sa akin. Siniko ko ulit siya. "Ouch."
"Ahh y-yes madam. I'm so sorry." sabi ng manager na pinagpapawisan na ngayon pati ang receptionist.
What is wrong with these people?
Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap ay sa wakas narating narin kami sa Hotel room namin.
Nasa harap na ako ng pintuan pero hindi ko parin ito binubuksan.
"What are you waiting for?" nahihimigan ko ang panunuya sa boses niya.
"Are you thinking..." dugtong niya.
"Wala!" sabi ko at binuksan na ang room.
It was a large room, maybe good for 2 to 4 people. May sariling living room, dining room , gym, bathroom and 2 queen sized bed. Magkahiwalay pero magkatabi.
YOU ARE READING
Lost in the City
Teen FictionEsmiranda grew up in a perfectly imperfect family. Para sa kanya, hindi kawalan ang magkaroon ng hindi kompletong pamilya. She loves her mothers so much. Mothers, yes, she has two mothers. Family, friends, school, crush and more crushes lang ang mah...