1

309 18 1
                                    


"Wakey, wakey, baby boy." Panggigising niya kay Trev at niyugyog pa ito. Umungol lang ito ngunit tinalikuran pa siya. At dahil mabait at maganda siyang nilalang, pinalo niya ito nang malakas sa tiyan.

"Shit!" Sigaw nito at mabilis na tumayo.

Napangisi siya. Oh, 'di ba. Kaya mas gusto ng Mama nito na siya ang nanggigising kay Trev eh. Bumabangon agad.

Matatalas na tingin na ang pinupukol nito sa kaniya. Gusto niyang matawa. Ang aga-aga, lalaban na sa kaniya?

"Pinapagising ka ni Tita. 'Wag ka sa'kin magalit," nakangising sabi niya.

Padabog na bumangon ito. "Masakit! Gawa ba sa bakal 'yang kamay mo?!" asik nito.

Natatawang tumayo siya. "Don't be a baby, baby boy. Bumaba ka na bago mo malaman kung gaano talaga kabigat ang kamay ko."

Nakasimangot na ito. "Don't call me baby boy!" naasar na sagot nito.

Hindi niya napigilang matawa. "Gago. Sabi ni Tita Trixie pakigising daw ang baby boy niya eh. Sumusunod lang ako!"

"What the hell are you doing here? Ang aga-aga pa, Lexi," humihikab pa na sabi nito.

"Dahil wala kang pasok today kaya ihahatid mo 'ko sa office," balewalang sagot niya.

Nagsalubong ang kilay nito. "Bakit kita ihahatid sa office mo?"

"Dahil may kotse ka?"

"Bakit? May kotse ka rin ah!"

Naiinis na tiningnan niya 'to. "Bakit ang dami mong tanong? Coding ako! May kailangan lang akong i-submit! Kaya bilisan mo na!" naiinis na sabi niya.

"Wow ha! Ikaw na humihingi ng pabor ikaw pa ang galit!"

"Ang dami mo kasing tanong eh! Eh, kung maligo ka na kaya!"

"Eh kung ayaw kitang ihatid?" He also crossed his arms.

"Eh kung isumbong kita kay Tito at Tita para mapagalitan kang leche ka!" sagot niya rito. Napabuga siya ng hangin. "Dali na kasi, Trev. Importante lang."

"Ano'ng kapalit?" tanong nito.

"Hindi kita susuntukin today."

Hindi ito sumagot pero sinamaan lang siya ng tingin.

"Ibibili kita ng isang box ng donuts! Magka-diabetes ka sana! Kaya maligo ka na, hihintayin kita sa baba!" Pagkasabi no'n ay tumalikod na siya at bumaba sa sila para do'n maghintay.





"DAPAT natutulog pa 'ko ngayon eh. It's my dayoff!" reklamo pa rin ni Trev sa kaniya.

She just rolled her eyes. Kanina pa reklamo nang reklamo ang kasama niya. Binuksan na lang niya ang radyo sa sasakyan nito.

"You know, magpasalamat ka nga at isinama kita rito. Kaysa nando'n ka sa inyo habang nakikinig sa plano ng parents natin kung paano tayo ipapakasal," sabi niya rito.

Hindi niya maintindihan sa mga magulang nila, panay ang tulak ng mga ito sa kanila ni Trev. Utang na loob naman.

"I still can't believe it though. Nahawa na rin ba sila sa kabaliwan mo?"

Sa inis ay sinipa niya ang paa nito. Napahiyaw ito sa sakit. Kung 'di ba naman gago.

"Gago." At 'yun nga ang sinabi niya.

Hindi na ito sumagot. Ilang minuto rin na puro mga kanta lang ang ingay na maririnig sa sasakyan. Ipinikit niya ang mata habang tahimik na nakikinig. Napangiti pa siya nang marinig ang pamilyar na intro ng isa sa mga paborito niyang kanta na I'll be ni Edwin McCain. Sasabay na dapat siya sa kanta nang maunahan siya ni Trev. Napasimangot siya at dumilat. Tiningnan nang masama ang lalaki habang kumakanta ito.

Between Love And Hate (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon