6

202 13 0
                                    



"Nandito na ang kriminal, Mom. Bitayin mo na." Narinig niyang bungad ni Lexi sa Mommy nito nang makapasok sila sa loob ng bahay.

Napakamot siya ng ulo sa hiya. Pero lumapit pa rin siya rito para humalik sa pisngi at bumati. "You look extra gorgeous today, Tita. You should tell Lexi your secret. She badly needed it," biro niya rito.

Nagulat siya nang may lumipad na apple sa ulo niya. "Aray, Lexi!" sigaw niya rito.

Nagkibit-balikat ito at binelatan siya. "Gago ka kasi," sagot pa nito. Dumiretso ito sa ref at naghanap pa ng makakain.

Natawa na lang din siya nang marinig ang tawa ng Mommy nito. "You two fight like a married couple. Baki hindi na lang din kayo magpakasal?" nang-aasar na sabi nito.

Unfortunately, narinig din ni Lexi ang sinabi nito. "Yuck, Mom. Papalahi ba 'ko diyan?" Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa. Parang diring-diri pa ito sa nakikita.

Nang masigurong hindi nakatingin ang Mommy nito ay pasimpleng binigyan niya si Lexi ng middle finger. Umirap lang ito bago nagsalita. "Fuck you too, Trev."

"My goodness, Alexis! Mas lumalala na 'yang bunganga mo ngayon!" naiiling na sabi ng Mommy nito.

Bitbit ang sandwich na ginawa nito ay lumapit ito sa Mommy nito at naglalambing na yumakap. Nag-pout pa ito at nag-beautiful eyes sa Mommy nito. "Love you, Mom!"

Hindi niya napigilang mapangiti nang masuyong haplus-haplusin ng Mommy ni Lexi ang pisngi nito. Marahan pang inayos ang buhok na nakaharang sa mukha nito. "I love you too, sweetie. Anyway, your Dad is going home tomorrow. Mas napaaga ng two days ang uwi niya."

Nagliwanag pa ang mukha ni Lexi bago niyakap nang mahigpit ang Mommy nito at humalik pa sa pisngi. Lexi love both of her parents. But you can say she's definitely a Daddy's girl. Spoiled sa Daddy ito.

"May plano ba kayong dalawa today?" narinig nilang tanong ng Mommy ni Lexi. Sabay silang umiling. "Then help me deliver the donations sa Angels Home."

Angels home is a private organization na tinutulungan ng family nila Lexi. Minsan ay sumasama na rin ang family nila. Pero more on ang family nila Lexi ang nag-influence sa kanila.

They are good people. Baliw lang talaga si Lexi.




WALA namang naging pagtutol sa kanila ni Lexi dahil pareho naman silang hindi nakapasok. Kaya tumulong na lang silang ihatid ang mga donations sa Angels Home. Kotse niya ang dala nila. Hindi na sumama ang Mommy ni Lexi dahil hindi naman daw needed ang presence nito. Basta madala lang ang donations, ayos na.

Isa-isa niyang ipinasok ang mga boxes sa loob ng bahay. The Angels Home have this homey feeling. Importante 'yon kasi at least sa gano'ng pakiramdam ay maramdaman man lang ng mga bata na may tahanan sila.

Bitbit ang huling box ay maingat niyang inilapag 'yon katabi ng iba pang boxes na binuhat niya. Simula nang dumating sila ro'n ay bigla na lang nawala si Lexi. Nauna agad sa loob. Iniwan siyang mag-isa.

Nag-inat siya bago hinanap kung nasa'n si Lexi. Nakita niya naman agad 'to sa Art Room. Kumpleto ang gamit 'don. Mga pangkulay, lapis, mga papel, paints, canvas, at iba pang art materials. Lahat ay donated lang sa foundation. It was nice to see that there are still people out there who still cares.

Tahimik na sumandal lang siya sa bukana ng pintuan at pinanuod si Lexi na pinalibutan na ng apat na bata. She's already holding a paint brush. Doing a face paint.

"Gusto ko ng batman, Ate," sabi ng isang batang lalaki. If tama ang pagkakakilala niya, Carlo ang pangalan ng bata.

"Sure!" nakangiting sagot agad ni Lexi. Habang nagpe-face paint ay nakikipagkwentuhan pa rin ito sa mga bata.

Pareho silang only child. Kaya hindi na siya nagugulat kapag excited minsan makihalubilo si Lexi sa mga bata. Gustong-gusto nito ng kapatid noon pa man. Kaya nga akala ng mga tao sa paligid nila ay lalaki silang magkasundo ni Lexi. Dahil sa sitwasyon nila. That did not end well when he put a worm on her dress when they were four. And Lexi ended uo punching his face.

Napahawak tuloy siya sa mukha. Umiyak kasi talaga siya no'n.

Napatingin siya sa puwesto ng mga ito nang marinig na ang tawanan ng mga bata. Pare-pareho na kasing may pintura ang mukha ng mga ito. Napangiti siya nang makitang medyo kalat na rin ang pintura sa braso ni Lexi. May kaunti rin sa bandang baba nito. Dahan-dahan siyang lumapit dito at yumuko sa tapat nito.

Tinaasan siya nito ng kilay. Bahagyang hinawakan niya nang marahan ang baba nito at pinunasan nang hinlalaki ang pintura. Nahirapan pa siyang tanggalin dahil medyo tuyo na. In the end, nabura pa rin naman niya.

Napansin niyang nakatitig na sa kaniya si Lexi. "Laway mo tumutulo," pang-aasar niya rito.

Sinamaan agad siya nito ng tingin. "Ga-- hmmm." Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil tinakpan niya agad ang bibig nito.

"'Wag kang magmura. Maraming bata!" natatawang paalala niya rito. Kahit yata sa simbahan mo dalhin si Lexi, baka makapagmura pa rin.

Inirapan lang siya nito at kumuha ng sabahan para punasan ang kamay. Inalis ang mga nagkalat na pintura sa balat nito.

"Pintahan mo rin sa mukha si kuya, Ate!" nakangiting suhestiyon ng isa pang bata. It's Jenna.

Mabilis siyang umiling. Aatras na sana siya nang biglang hilahin ni Lexi ang kamay niya. Sinamaan niya ito ng tingin nang makitang nakangisi ito sa kaniya. Hindi niya gusto ang itsura nito.

"Lagyan mo ng Hello Kitty si kuya, Ate!"




"COME on, Trav. Stop sulking. Hello Kitty looks good on you," natatawang sabi pa ni Lexi sa kaniya.

Paano ay nagpa-face paint siya kanina because he can't say no to the children. Lexi definitely enjoyed his discomfort dahil pincturan pa siya nito kanina habang may Hello Kitty sa mukha.

Mga isang oras na rin nang makabalik sila sa bahay nila Lexi. The children even made letters para sa Mommy nito. Nasa kuwarto sila nito ngayon. Siya ay nasa single sofa chair nito, at si Lexi naman ay nakahiga sa kama.

"For a crazy girl like you, you're actually good with kids," sabi niya rito.

Nakapangalumbaba ito habang nakahiga sa kama at nakaharap sa kaniya. Her eyebrows wiggle maliciously. "Anakan mo 'ko, Trev," nakangisi pang tukso nito.

Malakas siyang natawa. He knew Lexi since naka-diapers pa sila. Alam niyang kahit maloko ito, hindi magbibiro ng gano'n si Lexi sa ibang tao. Sa mga tunay lang na nakakakilala rito. They might be fighting every single damn time, pero kilala na nila ang isa't isa. Mula ulo hanggang kuko. Pati mga baho nila.

Ngumisi siya rito. "Kahit maghubad ka pa sa harap ko, hindi ko ipapatikim ang katawan ko sa'yo. Maglaway ka."

"Gagi." tawang-tawang sagot ni Lexi. "If I know gustong-gusto mo naman."

Bahagya siyang natigilan. It was clear as a broad day light that they are clearly flirting with each other. But with Lexi, it's like a natural thing. No awkward moments. No need to think hard for any flirty remarks.

"Dumidikit pa rin ba sa'yo 'yung Kevin?" tanong niya rito bigla.

From what he heard, that Kevin is a bad news. Ilang beses na itong nireklamo for sexual harrassment. Apparently, 'pag may natipuhan daw ito ay hindi basta lang tumitigil.

She rolled her eyes. "Nope. Apparently, I'm not worth the risk. Kasalanan mo nga pala 'yon, by the way."

"For your peace of mind, wala na rin akong chance kay Mica. Apparently, one word from you then it's the end. Kasalanan mo rin 'yon."

Tumango-tango ito. Tila nag-iisip nang malalim bago sumagot. "Good. We're too awesome to end up with them."

He couldn't agree more. Bakit sila maghahabol?

"Ah, Lexi? Gusto mo pa rin bang anakan kita?"

At natawa na lang siya nang lumipad ang unan nito sa kaniya.




----

Between Love And Hate (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon