4

210 15 3
                                    



"Sure ka bang kayang libangin ni Lexi si Andrea sa taas?" tanong ni Eon sa kaniya. Kasalukuyan siyang nagpa-pump ng mga red balloons na hugis puso.

"Kayang-kaya ni Lexi 'yon. Baka nga sa sobrang pagka-aliw ni Andrea sa kaniya, hindi na sila bumaba," biro niya rito. Pansin niya rin kasing kabado na talaga ito. Sino ba'ng hindi kakabahan? Kahit siya kabado para sa proposal ng kaibigan niya.

Napalingon siya kayla Ace at Jerome na nag-aayos ng table. Si Ron naman ay may bitbit na kakailanganin pang-dekorasyon.

"I'm scared you know." Napalingon siya kay Eon nang bigla itong nagsalita sa tabi niya. "But you know what, I am more afraid to lose her."

Masaya siya para sa kaibigan. Lalo na at alam niyang mahal talaga ito ni Andrea. Hindi aabot ng five years ang mga ito kung hindi totoo ang nararamdaman ng dalawa para sa isa't isa.

"You're whipped, man," biro niya na lang dito.






DUMATING na rin ang mga in-order nilang foods para sa dinner. Nakalatag na ang mga iyon nang maayos sa long table na inayos nila.

The mini garden was decorated with beautiful lights. The heart-shaped balloons are scattered all over the place. Nakabihis na rin sila. Chine-check lang nila kung may mga nakalimutan pa.

"The ring, dude?" narinig niyang tanong ni Jerome. Imagine magpo-propose ka ng kasal tapos nakalimutan mo yung sing-sing? Ipinakita ni Eon ang sing-sing sa kanila na nakatago sa bulsa ng black pants nito.

Everything looks good. Mukhang ready naman na lahat.

Hinarap niya si Eon. "I-text ko na ba si Lexi? Should she blindfold Andrea?"

Tila nag-isip ito saglit bago marahang tumango.

It's show time. At nag-text na nga siya kay Lexi.

To: Lexi

Bumaba na kayo. Blindfold her.




NAPAKUNOT na ang noo niya ng halos fifteen minutes na ang lumipas at hindi pa rin bumababa ang dalawa. Nag-text ulit siya rito pero wala pa ring reply.

"Bro, puntahan mo na kaya?" sabi sa kaniya ni Ron. Nakayukyok na ito sa isang table.

Napabuntong-hininga siya at tumayo. "I'll just check on them. Titingnan ko lang kung bakit 'di pa sila bumababa." Kumunot na ang noo niya. Kabilin-bilinan niya kay Lexi ay mag-abang sa text niya eh.

Nagmamadali pero maingat siyang umakyat sa second floor. Kung nasaan ang kuwarto na tinutuluyan ni Lexi at Andrea ng mga sandaling 'yon. Hindi pa siya tuluyang nakakalapit ay naririnig na niya ang tawanan nang dalawa.

Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at sinilip ang mga ito. Bahagya kasing nakabukas ang pinto. Nakasalampak sa sahig si Lexi at nasa mini cushion naman si Andrea. Nagkukuwentuhan. Napakunot pa ang noo niya nang mapansing hindi nga hawak ni Lexi ang cellphone nito.

Kakatok na sana siya nang marinig ang boses ni Lexi nang magsalita ito.

"But honestly, no one, as in no one can annoy the hell out of me like Trev can do. You know, 'yung tipong gustong-gusto ko na siyang suntukin," sabi nito. Nakita niyang nakapangalumbaba na si Andrea at nakatingin dito.

"Have you ever been in a relationship before?" tanong ni Andrea rito.

Nakita niyang ngumuso si Lexi. "No. No one gets me, you know. Sabi nga ni Trev, baliw raw ako."

Between Love And Hate (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon