May gusto ka sakin.
Kung 'di ba naman ilusyanado ang Trev na 'yon. Siya pa? Ang kapal ng mukha! Kilalang-kilala niya na ito. At malamang ay tawa ito nang tawa sa pang-aasar sa kaniya.
Limang araw na simula nang aksidenteng nagkita-kita sila sa bar. Ilang araw na rin simula nang nag-text ang punyetang Trevor na 'yon sa kaniya. Kung kausap niya siguro ito ng personal nang mga sandaling 'yon, malamang pinakyuhan niya rin ang siraulong lalaki.
Napairap siya nang makitang nag-text na naman ito.
From: Trev
Answer the phone!
Magre-reply pa lang sana siya ng answer mo mukha mo nang biglang nag-ring phone niya.
"Pucha," mahinang bulong niya. Paano ay nasa opisina siya! Alam naman nitong working time niya. Hindi niya sinasagot. Nag-silent pa nga siya ng phone, pero vibrate naman nang vibrate ang phone!
Makakatikim talaga ito sa kaniya!
Hindi naman gano'ng kahigpit sa office nila. Ina-allow naman ang phone na nasa desk lang nila. As long as ginagawa naman nang maayos ang trabaho. Ang sabi nga ng Boss nila, maganda ng masagot nila agad kapag emergency pala.
Nanggagalaiting kinuha niya ang phone. Hindi siya makapag-focus kasi kanina pang umaga nangungulit si Trevor! Naiinis na sinagot niya agad ang phone ng tumawag ulit ito.
"Putragis ka, Trev! Isa pang misscall mo, sisipain na kita sa itlog mo!" nanggigil pero pabulong na sabi niya rito. Mahirap na, baka marinig sa buong office nila 'pag sinigaw-sigawan niya ito.
"Sa wakas sinagot mo rin!" madramang sabi nito sa kabilang linya.
"Bakit ba tawag ka nang tawag! Istorbo ka sa trabaho ko!"
"Look, I have no time to explain more, pero we need your help, okay," kalmadong paliwanag nito. Tumaas tuloy ang kilay niya.
"Help saan?"
"Mamaya kami mag-e-explain. I just have to make sure na babasahin mo mga messages ko or nababasa mo man lang kaya kita tinatawagan. I'll text you an address, puntahan mo na lang," paliwanag pa nito.
Aba. Demanding lang?
"Naka-drugs ka ba? Bakit naman ako pupunta sa sinasabi mo? Matutulog ako nang maaga! Antok na antok na 'ko!" angil niya rito. Bahagyang napalakas yata ang boses niya dahil nagtatakang tinaasan siya ng kilay ni Nina.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Pumunta ka na kasi. Kailangan namin ng tulong mo. 'Pag nagpunta ka may libreng kiss ka sa'kin."
"Gago!" singhal niya rito. Tumawa lang ito sa kabilang linya.
"Huy! Bunganga mo!" It's not even Trev. It's Nina. Napalakas na talaga ang boses niya. Ginagalit kasi talaga siya nitong Trevor na 'to eh.
Tumayo siya sa desk. Baka kasi kung ano pa'ng marinig sa buong office nila habang kausap niya sa cellphone si Trev. Napatingin siya kay Nina. "Si Trev?" she mouthed. Tinanguan niya ito at nagpunta sa comfort room.
"Tangina mo, Trev. 'Di mo ba 'ko titigilan?!" angil niya rito.
Natatawang sumagot ito. "Ang dali mo kasing inisin. Pero seryoso na kasi, kailangan namin ng tulong mo."
"Ano ba kasing tulong 'yan?!"
"Remember Eon?"
Napatango siya sa tanong nito. "Yeah. So?"
BINABASA MO ANG
Between Love And Hate (completed)
Romance-COMPLETED- The more you hate, the more you love, they say. Well, Trevor and Alexis sure do hate each other. So much. To the point that everyone around them think it's true love. Malapit na magkaibigan ang mga magulang nila, pero hindi sila lumaking...