"Sorry po sa abala, Tito." Narinig niyang sabi ni Trev sa Dad niya.
She was so pissed when she learned that Trev spend the night in jail again. Apparently, hindi pa pala natapos ang gulo pagka-alis nila sa Midnight.
"It's okay, Trev. 'Wag mo na lang ulitin ang ganito dahil sobrang nag-alala ang Mama mo," pangaral ng Dad niya.
Umikot ang mga mata niya pero nanatiling tahimik. Gamit niya na ang kotse niya papunta sa presinto. Ang Dad niya na mismo ang nagpa-ayos ng kotse niya dahil palagi siyang walang oras.
Ang Dad niya ang nasa passenger seat ngayon at si Trev naman ay nasa likod lang at tahimik. Napapansin niya kahapon pa siya nito hindi pinapansin sa Midnight.
Pagdating sa subdivision nila ay nagmamadaling bumaba si Trev paghinto sa tapat ng bahay nila. Malapit na ang bahay nito sa kanila. Ilang bahay lang ang pagitan.
"Thank you ulit, Tito, Lexi," pagkasabi no'n ay umalis na ito.
Just like that. Ni hindi man lang siya nilingon. Ni hindi man lang tumingin sa direksyon niya simula nang dumating sila ng Dad niya sa presinto.
Fuck you ka, Trev.
Nakasimangot na bumaba siya sa kotse at pabalibag na sinara ang pinto. Papasok na sana siya sa bahay nila nang mapansing may nakatayo sa labas ng gate nila Trev. Nanlaki ang mata niya nang makitang tinapik ni Trev ang kamay nito nang tangkain siya nitong hawakan. Iniwan ito ni Trev sa labas na nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.
Nagmamadaling nilapitan niya ito. "Tito?"
Nang lumingon ito ay nakita niya ang itsura nito. Ang laki nang ipinayat ng Papa ni Trev. "Hi, Lexi," tila nahihiyang sabi nito.
"A-Ano po'ng nangyari sa'yo, Tito?" tanong niya rito.
Tumingin ito sa bahay na pinasukan ni Trev bago bagsak ang balikat na tumalikod at akmang aalis na.
"So, that's it? Magpapakita ka kay Trev ngayon tapos iiwan mo lang sila ulit?" naiinis na sambit niya. She knew it's none of her business, pero naaawa na siya kay Trev at sa Mama nito.
"I can't show my face anymore. Wala na 'kong maipagmalaki sa pamilya ko!"
Huminga siya nang malalim. "Sumama ka po ngayon sa bahay. Don't leave yet. Mom and Dad is there. You can talk to them."
Yumuko ito. "I-I lost all the money in gambling, Lexi. At pati itong bahay namin ay naisangla ko dahil hindi ko maitigil ang pagsusugal."
Halos natulos siya sa kinatatayuan. Hindi niya alam ang sasabihin. Shit. Trev would be very devastated.
"What the fuck, Tito!" Matapos itong samaan ng tingin ay nagpatuloy pa siya. "Talk to Mom and Dad. Maybe they could help. Just don't leave again. Trevor needs you."
Pinakatitigan siya nito bago binigyan siya nang isang maliit na ngiti. "You care about him, don't you? Thank you."
Nag-iwas siya ng tingin. "I care about him. A lot. And if you hurt him again, sasaktan na rin kita, Tito." Ipinakita pa niya kunwari ang braso niya rito.
Tumawa ito saglit bago siya tinanguan. "Alright. I'll talk to your parents."
Nginitian niya ito. "Go ahead, Tito. Hindi naman lumipat ng puwesto ang bahay namin. Nando'n pa rin," pagtataboy niya rito.
"Hindi mo 'ko sasamahan?"
Umiling siya. "I need to talk to Trev."
Tumango ito at naglakad na papunta sa bahay nila. Nang makalayo na ito at sigurado na siyang didiretso 'to sa bahay nila, dumiretso siyang pasok sa bahay nila Trev.
BINABASA MO ANG
Between Love And Hate (completed)
Romansa-COMPLETED- The more you hate, the more you love, they say. Well, Trevor and Alexis sure do hate each other. So much. To the point that everyone around them think it's true love. Malapit na magkaibigan ang mga magulang nila, pero hindi sila lumaking...