5

212 16 0
                                    




Tahimik na nakahiga lang siya sa kama niya. Simula nang umuwi siya after mag-walkout kay Trev, dumiretso na siya sa kuwarto niya.

Kung tutuusin, mas mababaw nga itong pinag-awayan nila ni Trev kaysa sa mga away nila noon. Dati nga ay umaabot pa sa pag-sabotage sa mga work nila ang alitan nila.

But if there is one thing she hates the most, iyon ay 'yung pakiramdam na parang pinapalabas ng iba na ang tanga-tanga niya. She might not be as smart as Trev, dahil sa kanilang dalawa, si Trev ang book smart. She's on the creative side.

Pero kanina, pakiramdam niya napahiya siya sa ibang tao. Aminado naman siyang nagkamali siya. Na simple lang naman talaga ang pinapagawa ni Trev sa kaniya, tapos hindi pa niya na-execute nang maayos. But can't he at least thank her for her efforts? Aba, ni hindi na nga naisip ni Andrea lumabas sa kuwarto dahil sa kaniya.

Naaliw lang din talaga siya kausap ito kaya nakalimutan niya rin ang dapat gawin.

But still. Hindi siya natuwa sa ginawa nito sa kaniya. She already said sorry. Pero ano'ng ginawa nito? He blamed her. Paulit-ulit na ipinamukha sa kaniya na simpleng bagay hindi niya pa nagawa.

He was the one who asked for her help. She helped him. And insulting her in front of his friends doesn't sit well with her.

Napabuntong-hininga siya nang marinig ang message alert tone ng phone niya. Tiningnan niya 'yon at nakitang nag-text si Andrea. They exchanged numbers earlier.

From: Andrea

I'm getting married!

Napangiti siya nang mabasa ang text nito. Well, at least maganda pa rin ang resulta ng naging kapalpakan nila ni Trev kanina.

To: Andrea

Congrats! I'm happy for you. ;-)

From: Andrea

We should hangout. Girls only. Invite your friends. I'll invite Sheena too. :-*

To: Andrea

Sure! I'll let them know.

Ibababa niya na sana ang phone nang may pumasok pa ulit na message. It was from Trev.

From: Trev

I'm outside.

Napairap siya pero hindi na ito ni-replyan. Wala rin siyang planong babain ito. Humiga na lang siya nang maayos at nagbukas ng facebook niya.

She saw Andrea's post. Napangiti siya nang makita ang nakangiting picture nito at ni Eon. Kitang-kita rin sa picture ang sing-sing sa daliri ni Andrea. Pinusuan niya ang post at nag-iwan ng comment.

Alexis Cuervo: Congratulations! <3

Ni-like ni Eon at Jerome ang comment niya. Si Andrea ay pinusuan din ang comment niya at nag-thank you ulit. Eon replied a thank you too. Kumunot ang noo niya nang makitang i-angry ni Trev ang comment niya. Sumunod ay nag-reply pa ang putragis sa kaniya.

Trevor De Asis: Nilalamok na ko dito sa labas ng bahay nyo, Lexi.

Alexis Cuervo: Manigas ka diyan!

After she replied to him, ay in-open din niya ang instagram. Nang ma-bored sa instagram ay bumalik na lang siya ulit sa facebook. She smiled when she saw a photo of Nina, nagdo-drawing ito. Pagtapos iyong pusuan ay nag-post din siya.

Between Love And Hate (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon