"Daddy!" tili ni Lexi nang makita ang Dad niya. She's a daddy's girl kaya miss na miss niya na talaga ito nang sobra.
There were so many times na kakampi at kasama pa niya sa kalokohan ang Daddy niya. Everytime na ginigisa na nga siya ng Mom niya ay to the rescue ito. Being an only child, at babae pa, prinsesa siya kung ituring ng Daddy niya.
One time nga, noon first year highschool siya ay may kaklase siyang lalaki na inangat ang palda niya. Buti ay palagi siyang naka-shorts or cycling. Pagkauwing-pagkauwi ay nagsumbong kaagad siya sa Dad niya.
Hindi ginawa ng Daddy niya ang normal na gawain ng isang magulang. Ang magsumbong sa teachers or guidance. Ito mismo ang nag-abang sa labas ng gate para sindakin ang lalaking 'yon. Kasama rin ng Daddy niya si Trev noon na hawak pa sa likod ng kuwelyo ang kawawang lalaki na mukhang kuting na binasa ng tubig. Let's just say, tumatabi na ito sa gilid kapag dadaan na siya.
Mabilis na yumakap siya sa Dad niya at hinalikan ito sa pisngi. Malaki ang ngiti nito na niyakap din siya pabalik. Pag-atras niya ay ang Mommy naman niya ang humalik dito. Lalo siyang napangiti. Trev was right, sobrang suwerte niya sa parents niya. She could not ask for more. Napaka-supportive ng mga ito and very understanding. There were never a moment na hiniling niya na sana ibang tao na lang siya just to please her parents. Kuntento ang mga ito sa achievements niya. Hell, she even got 76 in her classcards before, pero hindi pa rin siya prinessure ng mga ito.
"How's my Princess?" magiliw na tanong ng Dad niya.
Umabrisiyete rito at ngumiti rito. "Your beautiful daughter got an offer for studio animation in America, Daddy!" masayang balita niya rito.
Her Dad pat her head. "I'm so proud of you. I always believe in you," nakangiting sagot nito.
"I know. And I love you so much!" At yumakap ulit siya rito.
Bumaling naman ang Dad niya sa Mom niya. "And how's my beautiful and lovely wife?" masuyong tanong nito.
Hindi niya napigilang matawa nang makitang parang teenager na kinikilig pa ang Mom niya. Napangiti siya. She want that kind of love. That is actually the only reason kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagkaka-lovelife. She want a love so strong it could stand the test of time. Her Dad is an OFW, pero kahit maraming taon o buwan itong hindi umuuwi, nandiyan pa rin ang Mom niya, faithfully waiting for her Dad.
"Well, as usual, referee pa rin ako ng anak mo at ni Trev. Sumasakit ang ulo ko sa dalawang 'yan," sumbong ng Mom niya.
Napangisi siya nang tumawa lang nang malakas ang Dad niya. "Hindi ka pa nasanay sa dalawang 'yan. Eh, halos mga bata pa lang ay nag-aaway na ang mga 'yan," sagot nito.
Ngumuso siya sa Dad niya. "But I'm a good girl, Daddy," nakangising sagot niya.
Napailing-iling ang Mom niya. "Yeah. Sobrang good girl na nawalan ng trabaho si Trev. Can you believe what she did, Hon? Pinagkalat niya sa office ni Trev na bakla ito," napapailing na sabi nito.
Napasimangot siya. Hindi na nga lang siya nakasagot nang may mag-doorbell. Nagmamadaling pumunta ang Mom niya sa pinto.
"May narinig akong balita from our relatives ah," biglang sabi ng Dad niya.
Nilingon niya ito. "Ano raw po?"
"Kayo na raw ni Trev?"
Natawa siya. "Dad, hindi po. Well, hindi pa. Ewan," natatawang sagot niya.
Ngumisi ito sa kaniya. "Aba! Bilisan niyo! Nakipag-pustahan ako sa mga Tito at Tita mo! Ako lang ang pumustang magkakatuluyan kayo. Malaki-laki makukuha ko," sagot nito.
BINABASA MO ANG
Between Love And Hate (completed)
Romance-COMPLETED- The more you hate, the more you love, they say. Well, Trevor and Alexis sure do hate each other. So much. To the point that everyone around them think it's true love. Malapit na magkaibigan ang mga magulang nila, pero hindi sila lumaking...