15

175 13 2
                                    




After four years...


Napangiti siya nang sa wakas ay makita ang bahay nila. It's been so long. Miss na miss niya na ang parents niya.

She's not sure whether to press the doorbell or dumiretso na lang sa loob ng bahay nila. She wanted to surprise her parents, so here she is.

Huminga siya nang malalim tsaka marahang binuksan ang gate at pumasok. Maingat niya rin 'yon sinara. It's already 6 pm, malamang ay nagpe-prapare na ng dinner ang Mommy niya. At ang Dad naman niya ay siguradong nasa sala at nanunuod ng TV.

Sumilip siya sa bintana at nakitang tama nga ang hinala niya. Nanunuod na nga sa Netflix ang Daddy niya habang nakapatong pa sa center table ang paa nito.

Bigla ay gusto niyang mapaiyak. She was always talking to them in Skype, pero iba pa rin pala talaga na makita ang mga ito sa personal.

Pumunta siya sa pinto at nakangiting kumatok. Nang hindi agad binuksan 'yon ay kumatok pa siya ulit.

Napangiti siya nang makarinig ng mga yabag papalapit sa pinto.

"Trev, sinabi naman na naming hindi mo na kailangang kuma---" Naputol ang lahat nang sasabihin ng Daddy niya nang makita siya.

"Surprise?" nakangiting sabi niya rito.

Nanlaki ang mga mata nito pero nang makabawi ay mabilis siyang niyakap nang mahigpit. She hugged her Dad too. Halos maiyak pa siya sa paraan nang pagkakayakap nito.

"Honey! May bisita ka!" sigaw ng Dad niya. Inalalayan pa siya nito papasok sa sala.

Narinig niya ang mga hakbang galing sa kusina. "Sino, dear? Wala naman akong---" At kagaya ng Dad niya, hindi rin nito natapos ang sasabihin nang makita siya.

Nakita niya ang pagkislap ng mga mata ng Mommy niya bago ito nagmamadaling lumapit sa kaniya. Then suddenly, she was enveloped with her Mom's embrace.

"You're home!" masayang sabi nito.

Umiiyak man ay hindi niya napigilan ang pagtawa niya. She's happy to be home too. "Yes, Mommy," nakangiting sagot niya rito.

Nang maghiwalay sila sa pagyakap ay masuyong hinawakan ng Mommy niya ang pisngi niya. "I thought nag-extend ka pa for another one year contract?"

Ngumiti siya rito. "I lied, Mom."

Naramdaman niya ang pag-akbay ng Dad niya sa kaniya. At nang yakapin siya ng parents niya ay tuluyan na siyang naiyak. She missed being home. There is really no place like home.






KASALUKUYAN silang kumakain ng Dinner. And because umuwi nga siya, nagluto ang Mommy niya ng favorite food niya na sinigang. Wala no'n sa America. Miss na miss niya na ang sinigang.

"Dapat sinabi mo sa aming uuwi ka na pala. Para nasundo ka namin at nakapaghanda man lang kami," sabi ng Daddy niya.

Nilunok niya muna ang kinakain bago sumagot dito. "Eh, 'di hindi na po surprise kapag sinabi ko," natatawang sagot niya.

"I'm really happy you're back, Lexi. Miss na miss ka na namin ng Daddy mo," sabi ng Mom niya.

"I miss you two so much," sabi niya sa mga ito.

Binigyan na lang siya ng mga magulang niya ng ngiti bago sila bumalik sa pagkain. They continue talking about her time in America. About her works. About her life there. Ang sarap lang sa pakiramdam na kahit ilang taon na siya, attentive pa rin ang parents niya sa kaniya. Parang hanggang ngayon ay baby pa rin siya ng mga ito.






Between Love And Hate (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon