19

189 10 0
                                    




To: Trev

Alam mo ang tanga mo.

From: Trev

Kahit mas matalino ko sa'yo?

To: Trev

Tanga mo kasi ayaw mo na sa'kin. Duhhh.


Natigil siya sa pagte-text kay Trev nang sumilip ang Mommy niya sa kuwarto.

"Kasal na ng pinsan mo next week. Aattend daw tayo. He's asking if puwede ka raw mag-abay?" tanong nito.

Napaisip siya. Wala pa naman siyang pinagkaka-abalahan sa buhay niya. Iniisip nga niyang bumalik na lang ulit sa America. Wala na rin pala 'yung binalikan niya sa Pilipinas, baka sakaling doon na siya maka-move on.

"Sige po, Mom. Saan nga po pala ang kasal?" tanong niya rito.

"Sa Batanes daw."

Wow. Napangiti siya. She've been to Batanes once, teenager pa siya no'n. Pero kahit gano'n, naaalala niya pa rin sa isip niya kung gaano kaganda ang lugar na 'yon. What a perfect place to get married.

Nang maiwan sa kuwarto mag-isa ay nag-check na lang siya ng mga e-mails. Nag-reply sa mga dapat na replyan, nag-delete na rin ng mga spams.

To: Trev

Naaalala mo si Luther? My cousin? He's getting married na!

Ilang minuto rin siyang naghintay sa reply nito.

From: Trev

Yes. Naaalala ko siya. Talaga? Wow. Pakisabi congrats. Kailan ba kasal?

To: Trev

Kasal nino? Natin o ni Luther? Hahaha.

From: Trev

Keep on dreaming.

Napanguso siya sa reply nito. Ni hindi man lang marunong sumakay sa biro.

To: Trev

Next week ang kasal niya. Sa Batanes.

From: Trev

Sosyal!

To: Trev

Saan mo ba dapat ako pakakasalan noon?

From: Trev

Sa bakuran niyo.

Napa-angil siya sa reply nito.

To: Trev

Pakyu!

Hindi na ito nakapag-reply. Malamang ay busy na ulit ito sa work.

Over the weeks, kinakausap naman na siya ni Trev. Hindi na kagaya nu'ng unang dating niya. At least ngayon ay nakikipagbiruan na ito sa kaniya. Pero sa tuwing ipinapasok niya ang topic nang pakikipaglikan dito, kung hindi ito iimik, iniiba ang usapan.

Maybe siya na lang talaga ang nakahawak. Baka mas maganda na rin kung umalis na lang ulit siya. At least ginawa niya na ang dapat niyang gawin. Hindi naman puwedeng habang-buhay siyang maghabol sa taong ayaw na sa kaniya.

Between Love And Hate (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon