14

182 12 0
                                    



"Hmmmm..." Mas lalo siyang ginanahang halikan si Lexi nang marinig ang ungol nito.

He angled her face more so he could kiss her more. She was lying in her bed, at nasa ibabaw naman siya nito. They've been making out for almost half an hour now.

Siya naman ang napaungol nang maramdaman ang kamay ni Lexi sa puson niya. Napabitiw siya sa paghilik dito nang medyo pumasok na sa pantalon niya ang kamay ni Lexi.

"We should stop," sabi niya rito.

Hinawakan lanh ulit nito ang mukha niya at hinalikan siya. "No."

And just like that, they are back on making out again. Nakapulupot na sa bewang niya ang binti ni Lexi. They are kissing hard and rough nang may kumatok sa pinto.

"Lexi, nandito na ang mga bisita mo. Bumaba na kayo ni Trev." Narinig nilang sabi ng Mom ni Lexi sa labas ng kuwarto. "And why is the door locked?" Pahabol pa nito.

Napabungisngis si Lexi. "Lalabas na kami, Mom!" sigaw ni Lexi.

"Open the door now, Lexi. I don't trust you with Trev kapag dalawa lang kayo sa kuwarto," sabi pa nito.

Umalis siya sa ibabaw ni Lexi at inayos ang damit. Nakasimangot na binuksan naman ni Lexi ang pinto ng kuwarto nito. "We were just kissing, Mom," reklamo nito.

Pinasadahan nito ng tingin si Lexi at siya bago nailing. "Ah uh. Kissing? You two were doing more than that. Bumaba na kayo." Pagkasabi no'n ay nauna na itong bumaba.

Lumapit siya kay Lexi at masuyong hinalikan ito sa sentido. Yumakap naman ito kaagad sa kaniya.

"Can't we just stay in this room?" tanong nito.

Napatingin siya sa isang sulok. All her luggages are ready. "As much as I want to, hindi puwede. Despedida party mo 'to."

Huminga nang malalim si Lexi. Pilit niya itong nginitian. Tomorrow is her flight. Bukas ay wala na ito, at dalawang taon oa bago niya ulit ito makita.

Walang umiimik na sabay silang bumaba. Inulan agad sila nang kantiyaw pagkakita sa kanila ng mga kaibigan nila. One look at them, parang alam na agad ng mga ito ang ginawa nila sa taas.






THE party is going well. Lahat naman ay nag-e-enjoy. Pati nga mga parents nila ni Lexi ay masayang nagkukuwentuhan sa isa sa mga table. Some of her relatives are present too. They even congratulated both of them for finally being together.

"Ang daya. Hindi ka na makaka-attend sa kasal ko," sabi ni Andrea kay Lexi. Nando'n silang magba-barkada sa pinagdikit na dalawang table para magkasya silang lahat.

Ngumiti si Lexi rito. "Yeah. And it sucks. But still update me, okay? Para kahit sa pictures and videos man lang sa facebook and Instagram present ako."

"Two years, mabilis lang 'yon. Magugulat na lang kami nakauwi ka na. Tapos kayo naman ni Trev ang magpapakasal," biro ni Jerome dito.

Natawa si Lexi at ihinilig ang ulo sa balikat niya bago sumagot sa sinabi ni Jerome. "Ang bagal nga nito ni Trev. Sana last month pa ako inalok ng kasal para nasa honeymoon na sana kami ngayon," pabirong sagot ni Lexi.

Nagtawanan silang lahat. "Two years lang ha. 'Wag kang lalagpas ng two years. Malulungkot 'tong tropa namin. At pag hindi mo binalikan agad, irereto na namin sa iba," sabad naman ni Eon.

Inirapan ito ni Lexi. "At habang wala pa 'ko ng two years, bakuran niyo 'to ha. May nagpapa-ampon kasi sa bahay nito eh." Alam niyang ang tinutukoy nito ay si Joy.

Between Love And Hate (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon