Huminga siya nang malalim kasabay nang malakas na pag-ihip ng hangin. Halos sampung minto na siyang nandito sa lugar na 'to pero hindi pa rin niya alam kung ano'ng sasabihin niya.
Magpapaalam na siya. Kung gusto niyang makausad sa buhay niya kailangan niya nang magpaalam. One step to moving forward is to let go everything that is weighing you down.
Mapait ang ngiti na hinawakan niya ang lapida nito. It's almost six months pero ngayon na lang niya ulit nabisita ito.
"I miss you. Ang hirap. Simula nu'ng nawala ka hindi ko alam kung saan ulit ako mag-uumpisa. I felt lost. I wish that you were still here with us. We miss you so much," naiiyak na sabi niya.
Kinuha niya ang lighter at sinindihan ang kandilang inilagay niya ro'n.
"Thank you for fighting for me. For us. Hindi naging madali ang laban mo, pero alam ko, nakita ko kung paano mo pinilit na lumaban. I wish may nagawa man lang ako. I felt so useless just sitting at the corner, watching the doctors save your life over and over again. Until you no longer have to fight your battle anymore."
Tuloy-tuloy na ang pagbagsak ng mga luha niya. Ang mga sakit, hinanakit, tanong at galit na naipon niya ngayon ay lumalabas na.
"I love you. But I have to let you go. I need to start with my life again without the burden of your death anymore," umiiyak na sabi niya.
Tahimik na umiiyak lang siya. Hindi alintana kung biglang may ibang taong makarinig o makakita sa kaniya.
Naramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Hindi na niya kailangang lingunin pa ito para malaman kung sino 'yon. Sumandal ito sa balikat niya at kinuha ang kamay niya para hawakan 'yon. Pinisil nito nang mariin ang kamay niya. Para ipaalalang nandito lang ito. Nandito pa rin ito. At hindi na ito muling mawawala pa.
"Hi, Tito. Long time no see, I know. I'm sorry hindi po ako nakauwi nu'ng burol at libing mo. I'm sorry I hurt Trev so much too. I was not there when he needed me the most. He was nothing but understanding and supportive, pero hindi ko man lang naisip kung nasasaktan na ba siya sa mga naging desisyon ko. I really am sorry for causing him too much pain when I promised you before that I would never hurt him because I care about him. That I don't want anyone hurting him." Saglit tumigil sa pagsasalita si Lexi at tumingin sa kaniya. Bahagyang nangingislap na ang mga mata nito.
"I promise that I won't leave Trev anymore. He doesn't have to fight his battles alone anymore. Kapag napagod siya, masasandalan niya na ako. Kapag nasasaktan siya, hahawakan ko ang kamay niya. Kapag nilalamig siya, yayakapin ko siya. If the pain is too much, I'll kiss the pain away." Nginitian siya ni Lexi kahit pa nagsisimula nang bumagsak ang mga luha nito.
"You know we love you, right? Mahal na mahal ka po ni Tita at ni Trev. Don't worry, I'll watch over them for you. Pero Tito, Trev needs to let you go too. Losing you broke his heart too. At kahit masakit para sa kaniya, he needs to let you go to move on. He did his best to be strong for you and for Tita. Nakalimutan niya na ang sarili niya. I know you'll be happy for him. I'm happy for him too. I'm so proud of him," sabi pa nito.
Hindi niya na napigilan ang paghikbi niya. Naramdaman niya ang pagpalibot ng braso ni Lexi sa kaniya. He hugged her too. Ibinaon niya pa ang mukha sa mabango nitong buhok.
"Goodbye, 'Pa. I love you," bulong niya.
TAHIMIK na nasa biyahe na sila pauwi ni Lexi. They got back together as soon as he woke up from the hospital. Ayon kay Lexi, nakakulong na ang tatlong lalaking bumugbog sa kaniya. Ang sumaksak sa kaniya ay nakatanggap nang mas mabigat na parusa.
BINABASA MO ANG
Between Love And Hate (completed)
Romance-COMPLETED- The more you hate, the more you love, they say. Well, Trevor and Alexis sure do hate each other. So much. To the point that everyone around them think it's true love. Malapit na magkaibigan ang mga magulang nila, pero hindi sila lumaking...