2

250 16 0
                                    


Isang linggo mahigit na ang nakalipas simula nang nagpasama sa kaniya si Lexi. After that, hindi naman na sila masyadong nagkikita. Abala rin sila pareho sa mga trabaho nila.

Ang pagkakaiba lang nila, hindi pa rin humuhupa ang "gay issue" sa kaniya sa opisina. Tinigil na rin naman niya ang panliligaw kay Mica. What's the point anyway? Bakit siya maghahabol sa babaeng mas naniniwala sa sabi-sabi ng iba. Too bad, he really liked her though.

At buti na lang din talaga ay hindi na ito pinapansin ng crush nito. Parehong magdusa ang lovelife nila!

Kasalanan ni Lexi 'to eh.

Buti na lang at hindi sila pareho ng pinapasukang kumpanya ni Jerome. Paano pa kung nagkataong nakikita sila ng mga tao? Hindi niya na gustong isipin. Speaking of his bestfriend since highschool, nagyayaya ito at ang iba pa nilang kabarkada na mag-bar after their works. He already agreed because well, gusto niya na mag-relax. And a good hangover in the morning is his only way out.

Pagtungtong pa lang ng alas cinco ay nagmamadali na siyang nag-out sa office. Hindi na rin siya nagpaalam sa ibang mga kasama, he is already thinking of resigning anyway.

Halos alas sais na nang makarating siya sa Midnight. Ang bar na lagi nilang tambayan ng barkada niya kapag naiisipan nilang mag-night out. It is a very decent place. A good place to chill and relax. May open stage, unlike any other bars, uso ang spoken poetry sa bar na iyon. Just listening to the music, may ilang sumasayaw sa iba't ibang parte ng bar.

Nakita niya agad sa dati nilang puwesto ang mga barkada niya. Agad na kinawayan siya ni Jerome nang makita siya. Bigla na naman tuloy niyang naisip ang ginawa ni Lexi.

"Yow, dude!" masiglang bati nito. Nakipag-fist bump siya rito, pati kayla Ron at Eon na kasama ang mga girlfriends nito. Si Ace naman ay mag-isa lang din kagaya ni Jerome. Silang tatlong single. Well, nagka-girlfriends naman na sila.

"Trev, totoo 'yung sinabi mo sa group chat na ginawa ni Lexi?" natatawang tanong ni Ron. Naka-akbay ito sa girlfriend nitong si Sheena. Naka-order na sila ng mga drinks at foods nila.

Nagtawanan ang mga ito. "She's crazy," sagot niya.

"Patingin nga ng picture!" nakatawang sabi ni Jerome. Inilabas niya ang phone at ipinakita sa mga ito ang edited pictures na ginawa ni Lexi. Hindi matigil kakatawa ang mga kasama. Miski si Jerome ay halos maluha-luha na.

"Wow. May chemistry nga tayo. Bagay tayo," nakatawang sabi ni Jerome. Humarap pa ito sa kaniya at ngumuso. "Pa-kiss Fafa Trev!"

Pabirong sinuntok niya ang braso nito at uminom ng alak. Naiiling na lang siya sa kakulitan ng mga barkada niya.

"Bakit hindi na lang kasi kayo ni Lexi?" It was Andrea. Girlfriend ni Eon. Matagal na ang dalawa. Kaya malapit na rin talaga ang loob nila kay Andrea.

Halos nanlaki ang mata niya sa sinabi nito at marahas na napailing. Na-isang lagok pa  tuloy niya ang bote ng alak na hawak niya. "Me and Lexi? No way!" natatawa pa na sabi niya.

"Why the hell not? Boto rin naman sa inyo mga family niyo?" kunot-noong sabi ni Ace.

"Ni hindi nga kami magkasundo no'n. Hindi namin kayang hindi magtalo. Pinapainit niya palagi ang ulo ko."

"There's a thin line between love and hate, you know," makahulugang sagot ni Sheena. Kumuha ito ng sizzling sisig na isa sa nga order nila.

"And speaking of your crazy woman," narinig niyang sabi ni Jerome sabay turo nito sa may bandang entrance. Nandoon nga ito. At may kasamang dalawa pang babae. She remember the other one. It's Nina. Hindi niya maalala 'yung isa pa.

Between Love And Hate (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon