CHAPTER 11: "Narcissus Flower"

18 5 0
                                    

CHAPTER 11

AYAH'S POV

"Gian, i need to buy some stuffs. Can you please help me?"

"Sure" he said

"Thank you"

Nandito kasi kami ngayon sa mall dahil katatapos lang ng meeting namin sa mga investors ng bagong restaurant ni Kayce. Tinulungan kasi namin si kayce sa meeting, me as a lawyer consultant about legal agreements or contract and Gian as business partner. Kasama sana namin si Kayce ang kaso kailangan nya ng pumunta sa airport para sa flight nya papuntang Japan.

One week nalang kasi at ikakasal na ang ate nya kaya kailangan nyang tumulong sa iba pang preparations. Well, invited din naman kami dahil naging close na namin ang ate nya ang kaso next week pa ang flight namin ni Gian dahil marami pa kaming inaasikaso. So, we decided to have some fun and to unwind.

"Ash, do you have plans tonight?" He asked

"Im not sure. After kasi ng trabaho ko sa office, pupunta ako sa Metropolis Mansion"

"Huh? Bakit ka naman pupunta don?" Nagtataka nyang sabi

"Amm.. to have some fun" nakangiti kong sagot

"What?"

"Wala. Bilisan mo nalang maglakad at marami pa kong bibilhin"

"Ano ba kasing bibilhin mo?"

"Well, i need to buy some books and stocks"

Hinila ko na sya at pumasok kami sa Market. Kaagad akong kumuha ng cart para sa mga bibilhin ko. Una konv pinuntahan ang Drinks Section. Namili din ako ng ibat ibang gatas, juice, at kung ano ano pa. Napapitlag ako ng marinig ko ang malakas na iyak ng bata dahil naibagsak nya ang isang candy jar at pinapagalitan sya ngayon ng babaeng staff.

"Excuse me miss, wag mo namang pagalitan ang bata. Hindi nya naman sinasadya" kalmadong sabi ko. Lalapitan ko sana ang bata ang kaso sinigawan ako ng babae.

"Bakit ikaw ba ang magbabayad ng nabasag nya?" Sigaw ng babae

"Hey! Miss, hindi naman tamang sigawan mo ang kaibigan ko at ang bata dahil isa lang naman yang candy bar. Kung gusto mo babayaran nalang namin" naiiritang sabi ni Gian.

"Bakit ba kasi kayo nakikialam!! Hindi ko naman kasi alam kung bakit nag anak anak pa tapos hindi naman kayang bantayan" She said

Hindi ko alam kung may pinagkatandaan ba ang babaeng to. Tama ba namang sigawan ang batang paslit. Kung pano magkaroon ang bata ng trauma or worst phobia.

"Mina, stop whining!! Lalo kang pumapanget!!

Nagulat ako ng may isang batang lalaki na lumapit sa bata at pinapatahan.

"Dylan?"

Napalingon ang batang lalaki sa gawi ko at nanlaki ang mga mata nya na lara bang nakakita ng multo

"Ate Ash!!" Nakangiti nyang sabi.

Lalapit na sana ako sa kanila ng hawakan ako ng babae na napakahigpit. Feeling ko babakat ang kamay nya sa braso ko.

"Ano ba!!" Pagpupumiglas ko sa babae

"Ikaw!! Bakit mo inagaw ang asawa ko!! Sigaw ng babae

Nagtaka ako sa inakto nya ngunit ng makita ko ang mata nya, alam ko na kung bakit. She's high on drugs.

"Gian, call the security!!" Sabi ko at kaagad namang tumakbo si Gian para tumawag ng security.

Napaigik ako ng sampalin ako ng babae. Hindi na ko magtataka kung babakat ang kamay nya sa mukha ko pero hindi lang pala bakat ng kamay nya ang makukuha ko dahil pati ang bibig ko ay pumutok. Kailangan ko syang mapigilan dahil mas malaking problema kapag nakawala sya.

"It's Complicated"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon