CHAPTER 35: "Can I make you happy?"

15 4 0
                                    

CHAPTER 35

AYAH'S POV

"Nakatulog na sya"

"Mabuti naman... Don't worry, Ash sasabihin ko kaagad kay mommy pag dating nya" Errol said

"Thank you, Errol"

"Kanina ka pa thank you ng thank you! Baka mamaya kunin na ko ni lord sa bait kong to" natatawang sabi nya

"Wag kang nag bibiro ng ganyan!!"

"Sorry na!! Ang hot mo naman... Teka, ano bang nangyare kay Ravel?" tanong nya

"Huh?"

"Well, kanina ko pa kasi napansing tahimik sya at ang lalim ng iniisip... Tapos nag paiwan pa sya sa labas... Ano bang nangyare? Nag away ba kayo?" he said

"What? Bakit naman kami mag aaway?

"Sabagay" he whispered

"Mabuti pa umuwi na ko, late narin kasi eh"

"Oo nga, mabuti pa nga... Di bale, dito muna ko mag papalipas ng ilang araw para mabantayan ang kaibigan mo"

"Sure ka?" I said

"Oo naman... Siguro panahon na para hayaan ko munang mabuhay ng sila lang sa bahay" he said

"Thank-

"Oo na... Sige na, umuwi kana at baka pagalitan ka na naman ng mga kapatid mo" nakangiti nyang sabi

"Okie!! Bye bye!!" pag papaalam ko

Naglakad na ko palabas ng bahay at naabutan ko si Ravel na nakasandal sa kotse nya. Nag angat sya ng tingin sa akin at ngumiti. Hindi ko alam pero pakiramdam ko nanigas na ko sa kintatayuan ko dahil sa ngiti nya.

"Finished?"

"Huh?"

Umayos sya ng tayo at naglakad palapit sakin. Napapitlag ako ng makalapit na sya sakin at ngumiti.

"I think we should go home" he said

"Huh? Ahhh... Oo nga, gabi narin"

"Let's go... I'll take you home".

Nag angat ako ng tingin at nagtama ang aming mga mata. Hindi ko alam kung ako lang ba to o sadyang may kakaibang pakiramdam lang sa paligid. Pakiramdam ko kasi ang weird ng paligid, parang may kakaiba.

"Ayah"

"Ba-bakit?"

Nanlaki ang mga mata ko ng tumawa sya. Mag tatanong pa sana ako ngunit natahimik ako ng ilahad nya ang kanyang kanang kamay at inabot sakin.

"I said, let's go... Lutang ka na naman" natatawang sabi nya

"Ahh... Pasensya na, may naisip lang ako"

Ngumiti sya at hindi nya na inantay pang abutin ko ang kamay nyang nakalahad kundi, kaagad nyang kinuha ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya.

Napasinghap ako dahil sa lapit ng mga mukha namin. Nagulat ako ng lalo nya pang inilapit ang mukha nya sakin. Kaagad akong uniwas ng tingin at sinubukan kong lumayo ngunit hindi nya ko hinyaan.

"Ravel"

"Hmm?"

Lalong nanlaki ang mga mata ko dahil hinawakan nya ang baba ko at inangat nya yun upang magtama ang mga mata namin. Pakiramdam ko matutunaw na ko sa pag kakatitig nya.

"Bakit hindi ka makatingin sakin?" he said

Napakurap ako ng tumama sakin ang mainit nyang hininga ng magsalita sya. Pinakalma ko ang aking sarili at baka mamaya himatayin na ko sa dami ng emosyong nararamdaman ko.

"It's Complicated"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon