CHAPTER 18: "Siete Pecados"

17 4 0
                                    

CHAPTER 18

AYAH'S POV

Hindi ko mapigilang kabahan dahil natatakot akong mabangga at lumubog nalang kami sa dagat kapag hindi ko inayos ang pag mamaneho ng yate. Matapos nya kasi akong yayain kanina, maganda daw pampawala ng stress ang pag mamaneho ng yate which is not good for relaxation for me because i feel any minute, hihimatayin na ko sa kaba.

"Slowly, turn to right" he said

"Y-yes"

"Hey!! Dont make it faster!! I said slowly. Baka mamaya mabutas ang yate ko. Mabato pa naman banda dito"

"What!!" natataranta kong sabi at dahilan para mabitawan ko ang manibela. Nagulat ako ng mapayakap sakin si Hade dahil hinawakan nya ang manibela para mapigilan ang pagtuloy tuloy namin sa malaking bato. Its not the first time when he hug me but i feel stiffed because i feel his hot breath on my ear.

"Dont ever drive a yatch or any kind of boat again by yourself because im sure, you will meet death" he said

Kaagad akong lumusot sa braso nya para makaalis sa pag kakayakap nya sakin. Yung totoo manhid ba sya o sadyang hindi nya man lang naisip ang nagyare kanina.

"Got it" sabi nya at tumingin sakin

"Y-yes" i swear papainumin ko na sya ng kumukulong tubig para naman kahit papaano matunaw ang yelo sa utak nya. Sa tingin ko pati utak nya nagyelo na kaya ang hina maka pick up.

Pumunta nalang ako sa deck para matanaw ang buong paligid. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa ganda at nakakamanghang tanawin. Ilang rock formations din ang nadaanan namin. Huminto kami sa pagitan ng dalawang rock formation kaya tinanaw ko ang puwesto ni Hade at nagtaka ako ng wala sya don. Sinubukan ko syang hanapin pero hindi ko sya makita. Shemsss... Ilang minuto na syang nawawala. Baka nagkaroon nga ng butas ang yate kaya tumalon na sya sa dagat at iniwan ako.

Grrrr!!! Ayah, you need to calm down
Everything will be alright
Relax.... Relax... Relax...
Inhale... Exhale... Inhale

"Crazy" nilingon ko ang nagsalita at nakita kong si Hade yun at may dalang malaking box

"Hade!!" sigaw ko at lumapit sa kanya para paluin sya sa braso. Ibinaba nya ang box at pinigilan ako sa pagpalo sa kanya.

"Hey! Stop!" He said

"Nakakainis ka!! Hindi mo ba alam na halos tumalon nalang ako sa dagat dahil sa kaba. Saan kaba kasi nagpunta!! Alam mo bang nakakatakot magisa!! Sana man lang nagsabi ka!!" sigaw ko.

Hindi ko na mapigilang umiyak dahil sa takot. Bata palang ako, takot na kong naiiwang magisa kaya nagagalit ako sa kanya dahil iniwan nya ko dito ng walang pasabi. Malay ko ba kung anong nangyare sa kanya o anong pwedeng mangyare sakin.

"Don't cry, lady flame and im sorry" seryoso nyang sabi at hinawakan ang kamay ko. Tinitigan ko sya sa mata at nakita kong may kakaiba doon na kaagad ding nawala.

"Are you okay?" He asked

"Y-yes" sabi ko at tulyan ng kumalma ang sarili ko

"Get change and we will go to the Siete Pecados"

"What?"

Imbis na sumagot hinila nya ko at pinapasok sa loob ng yate. Sinarado nya ang pinto para makapag bihis ako. Tiningnan ko ang damit na hawak at hindi ko napigilang mag make face. Shemsss... Ayoko ng ganitong damit. It is a black fitted swimwear for scuba diving. Mahaba naman sya pero ayoko talaga ng damit na fitted lalo na sa katawan ko. Well, hindi naman ako mataba pero malaman talaga ako kaya sigurado akong makikita ang curves ng katawan. Napapitlag ako ng may kumatok sa pinto.

"It's Complicated"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon