CHAPTER 38: "You will be my girlfriend"

18 4 15
                                    

CHAPTER 38

SOMEONE'S POV

Nagulat ako sa biglaang pagbukas ng pinto. Mukhang nakarating na ang balita kaya nag kukumahog syang sugurin ako.

"What did you do?" galit nyang sabi

"Well, im just doing my job"

"Job!! That's what you called job?" sigaw nya

"Yes and i succeeded" nakangiti kong sabi

"Don't you remember—

"Stop whining!! Bakit ba hindi kana lang matuwa dahil nag tagumpay—

"Tagumpay? Mukhang nakakalimutan mo ata, kung anong silbi mo... but don't worry... I will help you to remember"

Nagulat ako ng bigla nya kong sakalin at itinulak sa pader. Pinilit kong tanggalin ang kamay nya ngunit mas di hamak na mas malakas sya sakin.

"Kinupkop kita, pina alagaan, at pinagbigyan sa mga gusto mo... Hinayaan din kitang pumatay ng mga tauhan ko dahil sa kabaliwan mo.. pero hindi ibig sabihin nun ay gagawin mo na ang gusto mo at babalewalain ang mga batas ko"

"O—

"Dont. You. Dare. say my name!! Dahil wala kang karapatan! Tandaan mong awa lang ang dahilan kung bakit ka nabubuhay at nandirito!" galit nyang sabi

"L-let m-me g-go" nauutal kong sabi

Pakiramdam ko, ilang minuto nalang ay mawawalan na ko ng hininga at malay dahil sa matindi nyang pananakal.

"Then, let me remind you again... Dont ever touch her again or else you will face your death in any minute...." galit nyang sabi

Napaupo ako sa sahig ng itigil nya ang pananakal sakin. Pinilit kong panatilihin ang aking malay upang makapag salita ngunit hindi ko nagawa ng hawakan nya ang bibig ko at sampalin ng ilang ulit.

"Always remember your place" sabi nya

Napaigik ako sa sakit ng itulak nya ko at sinipa. Ilang sandali pa ay tumigil narin sya sa pananakit sakin. Umayos sya ng tayo at naglakad palabas ngunit nagsalita syang muli.

"Kung baliw ka, tandaan mong mas baliw ako"

Sabi nya at tuluyan ng umalis. Naiwan akong duguan at sugatan na nakahandusay sa sahig. Hindi ko napigilang umiyak, hindi dahil sa sakit ng mga sugat ko, kundi sa sakit na nanggagaling sa puso ko.

"I.. i kill him"  i whispered

"Do you think, you can do that?"

"Br—

"Alam nating pareho na hindi mo kayang gawin yun... Lalo pa't sya ang tumulong sayo para mabuhay... Kahit pa buhay nya ang kapalit—

"Shut up!!" sigaw ko

"Tanggapin mo na ang katotohanang, iniligtas ka nya sa miserableng buhay na meron ka.... Kaya kung ako sayo ay susunod nalang ako sa mga batas nya"

Natahimik ako sa sinabi nya dahil alam kong tama ang sinabi nya. Alam kong hindi ko kayang patayin ang taong nag bigay sakin ng pag kakataong mabuhay muli.

"Mabuti pa, magpahinga kana muna at tatawag ako ng doctor."

Aalis na sana sya ngunit kaagad kong nahawakan ang kamay nya. Nilingon nya ko at hindi ko napigilang maalala ang nakaraan.

"Mahal mo ba ko?"

Nakita ko ang pagka bigla at pagka lito sa kanyang mukha ngunit kaagad din naman itong napalitan.

"Crazy"

"Hindi ako baliw!!" sigaw ko

"Your wasting my time"

"It's Complicated"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon