CHAPTER 16: "Hade"

19 4 0
                                    

CHAPTER 16

AYAH'S POV

Hindi ko na napigilang huminto sa pagtakbo dahil nahihirapan na talaga akong huminga at ang malala pa wala akong dalang inhaler. Napasinghap ako ng bigla nalang akong pasanin ni Stranger or should i say Hade. Hindi ako makapaniwala na ang lalaking kumakanta sa ilalim ng buwan, ang nagligtas sakin sa cafe ay syang si Hade. Gaano ba kaliit ang mundo at sa tatlong lalaking nakita ko ay iisa lang pala.

Napalingon ako sa mga taong napapatingin samin at pinag uusapan kami. Sinubukan kong bumaba ngunit hindi nya ko hinayan. Dahan dahan akong huminga upang maging stable ang paghinga ko dahil mahirap na kapag tuluyan akong atakihin ng hika ko. Sinubukan ko ulit na bumaba ngunit lalo nya lang hinigpitan ang pagkakahawak sya sakin.

"I know, its uncomfortable but just let me carry you before anything happens next" sabi nya

Hindi nalang ako nagsalita pa at ipinahinga ko nalang ang sarili ko. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang kirot ng mga paa ko. I wonder kung paano ko nagawang tumakbo ng ganong kabilis sa lagay ko ngayon. Ipinikit ko nalang ang mata ko para pakalmahin ang mga emosyong bumabagabag sakin. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ibinaba nya ko sa mabuhanging lugar, narinig ko din ang hampas ng alon at ang lamig na nagmula sa simoy ng hanging bumabalot sa lugar.

Nanatili lang akong nakapikit dahil natatakot ako na palabasin ang mga emosyong pinipigilan ko. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang mga braso nyang pumalibot sa bewang ko at tulyan nya na kong niyakap mula sa likuran ko. Hindi ko alam kung dapat ba kong magalit dahil sa pagyakap nya o matuwa dahil kahit papaano nakakalma ako ngayon.

"Long time no see, Lady Flame" he said

Imumulat ko sana ang mga mata ko ngunit naramdaman ko ang isang kamay nya na tumakip sa mga mata ko. Marami akong gustong sabihin sa kanya. Gusto kong mag pasalamat, humingi ng pasensya at magtanong kung bakit nya to ginagawa pero nanghihina at napapagod na ko kaya kahit ang boses ko hindi ko mahanap para makapag salita.

"You dont need to speak. I know your keep on locking your pain inside and its not good because you'll end up hurt again. Just cry and let your feelings go" he whispered

I tried to speak again but its still the same. Hinawakan ko ang kamay nyang tumatakip sa mga mata ko at sinubukang tanggalin yun ngunit hindi nya ko hinayaang matanggal yun. Marahang ipinikit ko nalang ulit ang mga mata ko at ninanamnam ko nalang ang katahimikan

I'll always remember
It was late afternoon
It lasted forever
And ended so soon
You were all by yourself
Staring up at a dark gray sky
I was changed

Nanindig ang balahibo ko ng marinig ko ang pagkanta nya. Ang alam ko babae ang totoong kumanta nito pero kapag sya ang kumanta napapanatag ako. Ang ganda ng boses nya at kagaya noon napapakalma nya ako sa pamamagitan ng boses nya.

In places no one will find
All your feelings so deep inside (deep inside)
It was there that I realized
That forever was in your eyes
The moment I saw you cry

Hindi ko na napigilan ang mga luhang bumuhos mula sa mga mata ko. Akala ko sapat na ang pagod at panghihina ko para mapagod din ang mga mata ko sa kaiiyak. Akala ko matapang na ko para harapin na ang katotohanan at i let go ang lahat pero bakit nasasaktan pa din ako.

Ganon naman talaga siguro ang sakit hindi basta basta mawawala kahit sabihin mo pang magaling kana, na ayos kana. Mahirap makalimot lalo na kung bawat oras pinipilit mong makalimutan agad at ipakita sa kanila na hindi kana nasasaktan. Naramdaman kong ibinaba nya ang kamay nyang tumatakip sa mga mata ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nilingon, pilit ko syang tinitigan kahit pa nanlalabo ang mata ko dahil sa dami ng luha nito.

"It's Complicated"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon