CHAPTER 13: "Come Back"

18 4 0
                                    

CHAPTER 13

AYAH'S POV

Nagising ako ng maaga kanina kaya naisipan kong tumulong sa pagluluto ng breakfast para kay Dylan at Ravel. Tumawag narin kasi ako sa office na tanghali na ko papasok, tuwang tuwa nga sila dahil makakapag pahinga pa daw ako. Ilang araw kasi akong walang inatupag kundi magtrabaho kaya natutuwa daw sila na marunong daw akong magpahinga, naalala ko nung isang araw halos umiyak na sila kakapigil sakin sa pag kakape dahil kakapuyat ko at pagod.

"Miss Ayah, hindi nyo naman po kailangang gawin pa ito. Kaya naman na po naming magluto para sa breakfast nyo" sabi ni yaya Mila ang nanay ni Mina.

Kanina pa kasi nila ko pinipigilan sa pag luluto kaso dahil makulit ako pumayag narin sila. Gusto ko lang naman bumawe sa tulong ni Ravel sakin at isa pa maliit lang naman na bagay to kumpara sa ginawa nya. Kagabi kasi pagkatapos naming mag kwentuhan ay nilutuan nya ko ng pagkain dahil hindi pa ko nakakain at naglibot libot pa kami sa mansiyon. Kaya nga nakakahiya dahil nagising ako na nasa kwarto na, ang naalala ko nalang kasi ay yung nasa 'Enchanted Garden' kami.

"Madali lang naman po ito at gusto ko lang pong mapaglutuan ang makulit na bata na yun at ang kuya nyang yelo"

Nagsitawanan sila sa biro ko at nagpatuloy sa pagtulong sakin. Nagluluto kasi ako ng pancake at iba pang breakfast food. Dapat kasi magluluto ako ng Italian breakfast dahil yun talaga ang hilig kong lutuin at kainin lalo na kapag ako lang magisang kakain ng breakfast.

"Ate Ash!!" sigaw ni Dylan at patakbong limapit sakin.

"Dylan, maupo ka muna don dahil nagluluto ako"

"Wow!! Pancake!!"

"Yes, kaya kapag nagkulit ka hindi kita bibigyan" pagbabanta ko

Kaagad namang sumunod si Dylan at nakipaglaro nalang kay Mina.

"What are you doing?" Napapitlag ako dahil nakapasok na pala si Ravel sa kusina. Nilingon ko sya at sinagot.

"Well as you can see, im cooking" i said with sarcastic tone

"Wala ka naman sigurong balak lasunin kami" malamig nyang sabi

"Edi wag kang kumain"

Hindi ma sya sumagot at naupo nalang sa tabi ni Dylan at nakipaglaro sa mga bata pero nakita ko ang impit na tawa nya na tinatago sakin. Hindi ko mapigilan pero napangiti narin ako, nagpapa cold person sya pero ang totoo napaka warm hearted nya.

Binilisan ko na ang pagluluto at baka mamaya magalit pa ang dragon sa tiyan ni Dylan na kanina pa tanong ng tanong kung tapos na daw ba ko.

"Matagal narin nung huli kong nakita ang dalawang yan na ngumiti"

Napalingon ako kay Henry na nagsalita

"Talaga po?" tanong ko

"Ilang taon na kong nagsisilbi sa pamilyang ito, nasaksihan ko narin ang mga malungkot at masayang pangyayare sa bahay na to. Ravel is very loveable kid but everything has change when he knows what happened to her mother. Dylan is a very cheerful kid but last few months, his bright smile turned to hallow smile" Henry said

"Ganon po ba..." I whispered

"Miss Ayah, can you please do me a favor?"

Nagtataka ako pero tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagluluto

"Can you please, make them smile again" he said

"Hindi ko po mapapangako pero susubukan ko po" nakangiti kong sagot

Tinulungan ako nila yaya Mila para ihanda ang mga pagkain sa lamesa at para makakain na kami.

"Wow!!"

"It's Complicated"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon