CHAPTER 42: "Cat and Dog"

17 3 0
                                    

CHAPTER 42

HADE'S POV

"Sa wakas nagising ka din!"

"Nagawa mo na ba yung pinapa asikaso ko?" tanong ko

"Seriously? Yan talaga ang una mong inalala, samantalang kagigising mo lang at kung nakakalimutan mo! Halos dalawang araw ka ng unconscious dahil na-infection ang sugat mo" Brenth said

"Brenth"

Napabuntong hininga nalang sya at naupo sa tabi ko. Kinuha nya din sa bag nya ang isang folder at envelope.

"Here, this is the documents" sabi nya at inabot ang dalawang folder.

"Hospital?"

"Tsk... Syempre inayos ko na, alam ko namang gusto mo ng umalis dito"

"Thanks" i said

"Yeah, as always... But, are you sure about this?" he asked

"Yes"

"Fine, wala naman akong magagawa"

"Brenth... Are you really sure that you want to help me?" seryoso kong tanong

"Hade, tinatanong pa ba yan? Ang tagal na nating mag kaibigan. Sigurado naman akong kailangan mo ang galing ko at isa pa inaantay ko pang tawagin mo kong kuya" nakangiting nyang sabi

"Brenth" seryoso kong sabi

"Alam mo namang tinuring na kitang tunay na kapatid... Simula ng mawala si Hazel"

"Im sorry" i whispered

"Don't be... Alam kong sinubukan mo pero wala na tayong magagawa" he said

"Brenth"

"Hade, i understand. Mabuti pa, ayusin ko na ang hospital bills mo" nakangiti nyang sabi

Tumayo na sya at naglakad paalis. Gusto ko pa sanang magsalita ngunit pinigilan ko nalang aking sarili. Matagal na kasi nung huli naming mapag usapan si Hazel.

Si Hazel kasi ang nakababatang kapatid ni Brenth na namatay sa isang car accident ng dahil sakin. Noong highschool kasi kami ni Hazel, umamin syang may nararamdaman sya para sakin at pumayag akong magkaroon kami ng relasyon.

Ngunit gaya ng inaasahan sa isang katulad kong hindi dapat mahalin, hindi ko nagawang ibalik sa kanya ang pag mamahal na ibinigay nya sakin kaya nag desisyon akong hiwalayan na sya dahil ayokong mas lalo syang masaktan kung mamahalin nya pa ang tulad ko.

Hanggang isang araw, sinabi nya saking magkita kami dahil may importante syang sasabihin at nangako din syang kapag pumunta ako ay hindi nya na ko guguluhin pang muli.

Ngunit nagka taong nasa tour ang banda noon pero pinilit ko paring puntahan sya. Ngunit bago pa ko makarating sa tagpuan namin ay nabalitaan kong nabangga ang sinasakyan nyang kotse habang papunta sa airport kung saan ako naroon.

Kung alam kong yun ang mangyayare, mas maaga sana akong umalis noon upang maabutan sya sa lugar kung saan sana kami mag kikita at hindi sana sya nag drive noon, mapuntahan at makausap lang ako.

Alam kong napaka sakit at hirap nun para kay Brenth dahil patay narin ang mga magulang nila, tapos nawala pa sa kanya ang nag iisa nyang kapatid. Simula nun, iniwasan ko ng mapag usapan pang muli si Hazel.

"I like you, Hade"

Napapikit ako ng maalala ko si Ayah. Hindi ko mapigilang alalahanin ang pangyayareng dumurog sa puso ng babaeng gusto ko at kagaya dati, kasalanan ko ang lahat ng ito.

"Ayah" I whispered

Im so sorry...

But, i need to do this because i don't want you to love me.

"It's Complicated"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon