CHAPTER 36: "Stay still or Save her?"

18 4 2
                                    

CHAPTER 36

HADE'S POV

"Nahanap mo na?"

Inikot nya ang kanyang upuan at lumingon sakin. Bakas sa mukha nya ang labis na pagod at inis.

"Frustrated?" I asked

Napabuntong hininga nalang sya at tumango. Napailing nalang ako at naupo sa sofa.

Ilang araw na kasi kaming ganito, wala na kaming ibang ginawa ni Brenth kundi hanapin at alamin kung sino ang pumatay sa mga taong malapit sakin at kung sino ang nagtatangkang pumatay sakin.

"Kahit ang mga pulis, wala paring lead... Can't you imagine? Ano ba sila, multo?" Brenth said

"Do you think, they have a good hacker?"

"Tsk... May mas gagaling pa ba sakin?"

"Meron" sagot ko

"Huh?" 

"Well, you already know him... In fact, your currently talking to him right now" i said

Napangiti ako nang tinignan nya ko ng masama. Ngunit napailing nalang ako sa katarayan nya at pinatong ang aking mga paa sa coffee table.

"Bakit hindi nalang ikaw ang umasikaso nito?" he said

"You know, im tired for this fast few days..."

"Ikaw lang ba? Ako din kaya!! Sa totoo lang hindi na ko makatulog dahil hindi ako mapakali lalo pa't, ano mang oras ay pwede na kong mamatay!" reklamo nya

"Then, leave"

"Tsk... As if namang kaya ko" he said

"Brenth, if you really want to leave... Then leave, sapat na ang naitulong mo sakin kaya ayos lang naman sakin kung—

"Stop being dramatic, hindi bagay sayo!" nagtataray nyang sabi

Napangiti na lamang ako sa sinabi nya. Kahit kailan talaga kayang kaya nyang pagaanin ang bigat ng sitwasyon. 

Hindi ko tuloy mapigilang alalahinin sina Errol at Chase. Ang dalawa kong kaibigang kumukumpleto sa araw ko at ang kapatid kong si Ravel na walang ibang ginawa kundi ang tumugtog ng istrumento buong araw.

Napapitlag ako sa malalim na pagiisip ng mag salita si Brenth. Nilingon ko sya at nawala ang aking ngiti ng marinig ko ang kanyang sinabi.

"Bakit kasi hindi kana lang bumalik para mas mapadali ang pag hahanap mo sa mga taong yun at isa pa halata namang miss mo na sila..."

"Brenth—

"Hade, alam mo kahit anong gawin mong pagtakbo o pagtatago, hindi ka nila titigilan o ang mga taong malapit sayo hanggat hindi ka bumabalik.... Pinahihirapan mo lang ang sarili mo..." 

"How can you be so sure that if i go back, will they stop?" I said

"Well, your right... But can you handle the pain, If you find out one day, the people you love are gone? Would you stay still?"

Natahimik ako sa sinabi nya dahil alam kong tama sya. Alam kong hindi ko kakayaning mawalan pa ng mahal sa buhay. 

Sana taong yelo nalang talaga ako, na walang pakiramdam para hindi ko naranasang mag mahal at para hindi ako masaktan kapag nawala sila sakin ng tuluyan...

"Hade, its better to be with them through this trials than leaving them and face this on your own..." he said

"I don't know" i whispered

Tumayo sya at naglakad patungo sa kusina. Samantalang ako ay nanatiling tahimik at nagiisip kung ano ba talaga ang dapat kong gawin.

"Hade!"

"It's Complicated"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon