Masayang nag kukwentuhan sina Zoe, Anndrei, at Sophia sa isang bench nang lumapit sa kanila si Red. Nakiumpok ito sa kanila at madali nitong napakisamahan ang mga kaibigan niya. Madalas ay kasundo nito sa kalokohan si Sophia. Parehas kasing easy go lucky ang mga ito ang pinagkaiba lang sadya talagang matalino si Red.
"Alam mo nakakatawa ka. Ang lakas ng sense of humor mo." Natatawang turan ni Anndrei.
"Kaya nga nakakasabay sa mga kalokohan ko eh." Ani naman ni Sophia. Habang siya ay iiling iling sa kakatawa dahil sa mga banat at jokes ni Red. Kung hindi mo kilala ito ay di mo aakalaing joker si Red dahil sa taas nito na five feet and ten inches. Halos six footer na ito sa taas nito, kaya karamihan ay nagkakagusto dito. Napag alaman niyang scholar ito ng kapitan ng barangay na tinitirhan nito. Working student din ito sa isang fast food chain naawa lang ang manager dito nang nasabing fast food chain kaya ito tinanggap sa trabaho kahit na underage ito. Kampante naman ito dahil hindi ito mapagkakamalang high school student dahil bukod sa taas nito ay mukhang matured ito.
"May girlfriend ka na ba?" Tanong ni Sophia dito kapagdaka.
"Huh? Wala." Anito na natatawa.
"Ay. Natawa. Meaning hindi totoo." Ani naman ni Anndrei.
"Hala. Hindi ah. NGSB ito." Ani naman nito sa mga kaibigan niya.
"Weh? Di nga?" Di naniniwalang tanong niya.
"Promise. Never pa ako nagka girlfriend." Sabi naman nito.
"Baka naman boys ang gusto mo." Ani naman ni Sophia na nang aasar.
"Ay. Wag mo akong sasabihan ng ganyan." Natatawang saad naman ni Red.
Ay. Napipikon. Totoo." Panggagatong pa ni Anndrei na ikinatawa niya.
"Wag mong sabihing Zoe na naniniwala ka?" Anito sa kanya.
"Oy. Wala akong sinasabi." Natatawa niyang turan habang nakatingin dito na tila natatawa na din ito.
"Oy. Joke lang yun." Ani naman ni Sophia.
"Alam mo ba ginagawa ko sa mga nagsasabi sa akin na bakla ako?" Ani ni Red na seryoso kaya napatahimik ang mga kaibigan niya.
"Nanghahalik ako." Ani pa ni Red kaya siya ay napaseryoso na dahil parang pikon na ito.
"Joke joke joke joke!" Natatawang turan ni Red na ikinatawa nila ulit.
"Langya ka muntik na kaming maniwala na pikon ka na." Saad ni Anndrei. Maya maya lamang ay umalis na si Anndrei kasama si Sophia para magbanyo habang nagpaalam naman sila ni Red na mag iikot ikot muna sa buong campus dahil mahaba ang vacant nila noong araw na iyon.
"Seryoso wala ka pang nagiging girlfriend? Kahit crush?" Takang tanong niya dito habang naglalakad lakad.
"Oo. Pero may naging crush ako." Ani naman nito.
"Oh, eh bakit di mo ligawan?" Aniya dito.
"Nahihiya ako eh. Kapag nakakasama ko yung crush ko parang natatameme ako." Anito sa kanya.
"OMG! Nag eexist pa talaga ang mga torpe." Aniya naman niya dito na ikinatawa nito.
"OMG!" Panggagaya pa nito sa kanya kaya nahampas niya ito.
"Taya!" Aniya dito sabay takbo sa malayo pero naabutan naman siya nito.
"Taya!" Anito sa kanya kaya hinabol niya ito. Hanggang sa maabutan niya ito.
"Taya!" Aniya dito sabay layo ngunit pagtakbo niyang muli ay mah nabunggo siyang isang bulto ng lalaki. Base sa kanyang pagkakabunggo halatang basa ng pawis ang nabunggo niya. Namalayan na lang niya na nakalapit sa kanya ang kaibigang si Red at inalalayan siya patayo. Nang makita kung sino ang nabunggo niya ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya at nanlaki ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Because Of You (Series 3)
RomanceWalang ibang pinag alayan ng pag mamahal si Zoe kundi ang nag iisang heartthrob ng kanilang eskwelahan na si Phytos Ramirez. Kahit batid niyang ang tunay na nagugustuhan nito ay kanyang kaibigan na si Anndrei ay minahal niya ito ng palihim. Lahat ga...