Lumipas ang ilang buwan ay naging maayos ang pagakakaibigan nila ni Phytos. Masasabi niyang ibang iba na ito kesa sa dati dahil hindi na ito palaging nagbubuhat ng sarili nitong bangko. Madalas ay nagkakausap sila kapag rehearsal nila sa pageant. Alam niya ang naging consequences ng pagkakaibigan nila ni Phytos yun ay ang pagtabang o madalang na pag kikita at pag uusap naman nila ni Red. Batid niyang hindi talaga niya mapagkakasundo ang dalawa kaya wala na siyang nagawa. Alam niyang naging unfair siya kay Red dahil madalas ay si Phytos ang nakakasama niya.
Pinagtataka lang niya kung bakit walang kaalam alam ang iba niyang kaibigan sa pakikipaglapit sa kanya ni Phytos. Siguro ay hindi sinabi ni Red iyon. Pansin din niya ang pagdistansya ni Red sa mga kaibigan niya. Kaya tuloy sa tuwing nakikita ito ay di maiwasang mailang lalo pa at escort niya ito sa pageant. Simula kasi ng naging close na sila ni Phytos ay ito na lagi ang kasa kasama niya. Pag weekends ay lumalabas sila palagi. Nagtataka nga siya na mas marami pang oras sa kanya si Phytos kesa sa oras nito kay Anndrei na siya namang dinidiskartehan nito. Tanggap na niya na kailanman ay hindi mababaling ang atensyon sa kanya ng binata kaya kuntento na siya bilang isang kaibigan kahit mahirap.
Kasalukuyang nasa loob sila ng classroom ng dumating ang kanilang class adviser. Hindi ito nag iisa, may kasama ito. Isang napakatangkad na lalaki na maputi at singkit ang mga mata. Ipinakilala ng adviser nila ang bago nilang kaklase. Nagsalita ito upang magpakilala dahil sa na rin sa utos ng teacher nila.
"My name is Tyrone Cha. Sixteen years old from Seoul, South Korea." Pakilala nito sa seryosong mukha. Mukhang aloof ang kanilang bagong kaklase. Gayunpaman ay tiningnan niya ang gawi ni Red. Wala itong pakialam sa mga nangyayari, ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Kaya isang desisyon ang nabuo sa kanyang isip. Lalapitan niya ito at kakausapin. Maya maya ay pinatawag ulit ang mga kasali sa pageant.
Nang naglalakad na sila papunta sa theater arts room ay nag salita siya.
"Red." Aniya dito na ikinalingon nito.
"Bakit?" Seryosong tanong nito.
"G-galit ka ba sakin? Bihira na kasi tayonmag usap eh." Aniya dito.
"Hindi. Bakit may ginawa ka bang kasalanan?" Anito sa kanya.
"W-wala. Feeling ko lang kasi parang ang layo muna sakin eh." Aniya dito.
"Bakit? Sino ba lumayo?" Anito sa kanya. Sasagot sana siya nang biglang dumating si Phytos at akbayan siya na siyang ikinagulat niya.
"Tara?" Anito sa kanya. Napatingin siya kay Red at nakita niyang iiling iling itong lumayo sa kanila. Kaha hinayaan na lang niya ito at nagpagiya na lang siya kay Phytos.
Nang magkaroon ng breaktime ay nilapitan kaagad siya ni Phytos at binigyan siya ng pagkain. Habang nakain siya ay nagkukwentuhan sila at panay bira nito ng jokes na nakakatawa. Kaya hindi matapos tapos ang pagkain nila. Habang nasa ganoong siyang posisyon ay kita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pagtanaw sa kanya ni Red. Malungkot ang mukha nito. Gusto man niyang lapitan ito ay para bang ayaw nang umalis ng paa niya. Dahil may nagsasabi sa puso at isip niya na wag niyang iwan si Phytos dahil ito na ang kanyang pagkakataon para makasama ito.
Matapos ang rehearsal ay hinanap niya si Red ngunit wala na ito doon. Siguro ay nauna na ito sa classroom. Kaya inihatid siya ni Phytos pabalik sa classroom. Matapos ang araw na iyon ay naging puspusan ang kanilang rehearsal dahil sa nalalapit na pageant. Madalang na niyang makasama sina Margaux, Sophia, at Anndrei ng mga oras na iyon.
Habang nasa bench siya ng kinasundang araw ay bigla ay may tumabi sa kanya. Si Phytos.
"Busy ka diyan ah." Anito sa kanya.
"Ah wala. Sinusubukan ko lang mag drawing ng design na damit." Aniya dito.
"Ah. Alam mo iyan din ang isa sa business na pinapalakad ng Daddy ko na balang araw daw ay---" naputol ang sasabihin nito dahil siya na ang nagtuloy nun.
"Mamanahin mo." Pagpapatuloy niya sa sinasabi nito. Kabisado na niya ito dahil bukambibig nito lagi na mamanahin nito ang negsyo ng pamilya nito.
Maya maya pa ay nagsalita ito ay may itinanong sa kanya.
"Zoe. Sino si Tyrone?" Tanong nito.
"Ah. New student yun from Korea. Matalino daw kaya napasama sa section namin." Aniya dito.
"Sino mas gwapo sa amin yun o ako?" Tanong nito na ikinakunot ng noo niya.
"Ok ka lang?" Tanong niya habang natatawa.
"Kasi yung lalaking iyon nag try out one time sa basketball and then kita ko kung paano asikasuhin ni Anndrei si Tyrone." Anito sa malungkot na tono. Nasaktan siya sa kaalamang may nararamdaman parin ito sa kaibigan niya. Ngunit mas nasaktan siya sa mga nakita niya sa mukha nito na halatang nasaktan dahil sa pagkakalapit nina Anndrei at Tyrone.
"Kasi Zoe parang bale wala ang effort ko samantalang yung lalaking iyon saglit lang naman sa buhay ni Anndrei pero mas iyon ang pinagtuunan ng pansin." Anito sa malungkot paring tono.
"Baka naman kasi Phytos. Hindi talaga si Anndrei para sa iyo. Baka kasi akala mo porke hindi mo siya makuha ay siya na yung nakalaan. Alam mo meron pang iba diyan na handa kang pansinin dahil importante ka sa kanya." Aniya dito na ikinatingin nito sa kanya. Napansin niyang nakatitig ito sa kanya habang siya naman ay napatitig na din sa gwapo nitong mukha. Hindi niya alam kung bakit sinabi niya iyon pero yun ang lumabas sa bibig niya. Baka isipin nito na nagpapahangin siya dito. Hanggang sa napansin niyang nakatingin ito sa mga labi niya. Maya maya lamang ay unti unting lumalapit ang mukha nito hanggang sa mahalikan siya nito. Isang matamis na damping halik ang natanggap niya mula dito. Hindi siya makapaniwala dahil ito ang kanyang first kiss.
Maya maya pa ay nakaramdam sila ng awkwardness sa isat isa kaya iniba nito ang topic. Balik ulit sila sa mga nakakatawang banat nito. Pero pansin niya sa binata na panay na ang titig nito sa kanya kaya naman parang may naramdaman siyang kakaiba. Pero ayaw niyang umasa dahil baka masaktan siya sa huli kaya ipinag walang bahala niya iyon. Matapos ang buong klase at habang papauwi sa kanilang bahay ay hindi niya malimutan ang unang halik niya na ibinigay nito. Ito pa mismo ang kanyang first kiss kaya hindi niya mapigilang kiligin sa kanyang naiisip.
"Mukhang masaya po kayo ah." Aniya ng kanyang driver na si Manong Roger.
"Opo. Sobrang saya." Aniya niya dito.
"Bakit namn po? May maganda po bang nangyari kanina?" Tanong nito.
"Opo manong. Mayroong magandang nangyari. Kaya napakasaya ko po ngayong araw na ito." Aniya dito.
BINABASA MO ANG
Because Of You (Series 3)
RomanceWalang ibang pinag alayan ng pag mamahal si Zoe kundi ang nag iisang heartthrob ng kanilang eskwelahan na si Phytos Ramirez. Kahit batid niyang ang tunay na nagugustuhan nito ay kanyang kaibigan na si Anndrei ay minahal niya ito ng palihim. Lahat ga...