Chapter 29: Unexpected Visitor

33 3 0
                                    

Matapos makapag ayos ng sarili si Zoe ay agad siyang humarap sa salamin. Tiningnan niya ang kanyang repleksyon sa salamin at humanga siya sa kanyang itsura. Simple lamang ang kanyang suot dahil sinabi naman ni Phytos na simpleng dinner lang ang pupuntahan nila.

Nang masigurong gayak na siya ay bumaba na siya ng hagdanan at nakita niya sa sala na kausap ng kanyang mga magulang si Phytos na noon ay naghihintay sa kanya upang sunduin siya. Nang mapansin ng mga ito na bumaba siya ay agad naman nagpaalam sila sa mga magulang niya at unalis na.

Habang lulan ng sasakyan at binabaybay ang kahabaan ng kalsada ay bigla na lang hinawakan ni Phytos ang kamay niya at pinisil iyon. Pagkatapos ay hinalikan nito iyon at ngumiti sa kanya. Mababakas sa mukha nito na napakasaya nito at tila punumpuno iyon ng pagmamahal kaya hindi niya maiwasan na mapangiti dito.

Nang sapitin nila ang mansyon na tinitirhan nito ay namangha siya sapagkat ngayon lang niya nasilayan ang pamamahay ng mga ito. Huling sama niya kasi dito ay nung nag birthday ang uncle nito at sa bahay ng tiyuhin nito sila pumunta. Pagkababa ng sasakyan ay agad na hinawakan ni Phytos ang mga kamay niya at sabay na silang pumasok sa loob.

Nang makapasok na sa loob ay nabungaran agad nila ang mga magulang nito. Binati siya ng Mommy at Daddy nito gaya ng dati na huli nilang pagkikita. Matapos yun ay agad na silang pumunta sa dining area at nagsimulang kumain. Marami sa kanyang tinanong ang ginang at gayon din naman ang ama nito. Talagang mababait ang mga magulang nito at hindi mababakas sa mukha ng mga ito ang pagiging mapang mata gaya ng mga napapanood niyang palabas sa TV.

Maya maya ay biglang may dumating. Ang kapatid ni Phytos na si Max. Inanyayahan ito ng sariling ina na sumabay na sa pagkain ngunit nagpasintabi ito na matutulog na dahil inaantok na daw ito. Alam niyang nahihiya ito sapagkat pakiramdam nito ay hindi ito kabilang sa pamilya na ngayon ay kasama nito. Napansin niyang malungkot ang mukha ng ina ni Phytos dahil bumuntong hininga ito. Ngunit hindi nito iyon ipinahalata bagkus ay humarap parin itong nakangiti sa kanila.

Matapos ang dinner nila ay nagkayayaan sila ni Phytos na manood ng movie sa sala. Namiss kasi nilang manood ng pelikula gaya ng dati kapag nanonood sila sa sinehan. Nang nasa kalagitnaan na sila ng panonood kasama ang mga magulang nito ay biglang may nag door bell. Nagtaka ang mga ito dahil wala naman silang ineexpect na bisita. Ngunit pinagbuksan parin ang tao na nasa labas. Inutusan ng mga ito ang isang kasambahay na alamin kung sino ang bisita. Nang makaalis ang kasambahay ay inayos nila ang kanilang pagkakaupo at nang bumalik na ang kasambahay ay kasunod nito ang bisita. Nalaman nilang si Kier ang dumalaw ang pinsan ni Phytos.

May dala itong regalo sa mag asawa at binati nito ang mga magulang ni Phytos. Napag alaman niyang anniversary pala ng mag asawa kung kayat atubili siya na binati ang mga ito at humingi ng paumanhin.

"Bakit di mo sakin sinabi?" Tanong niya kay Phytos.

"Ang alin?" Tanong nito.

"Na anniversary pala ng parents mo." Aniya dito.

"Ayos lang yun. The don't mind." Anito sa kanya na nakangiti. Pagbaling niya sa direksyon ni Kier na pinsan nito ay hindi na ito nag iisa. May kasama itong babae at parang pamilyar sa kanya ang mukha nito. Hanggang sa napagtanto niya na kung sino ito.

"Juliana?" Tanong niya dito na ikinagulat din nito.

"Zoe." Anito na nakangiti. Napansin niyang hindi mababakas sa mukha nito ang dating Juliana na kilala niya. Mukha itong maamo at tila masaya ito. Napansin niyang may singsing na suot ito at nakaholding hands sa pinsan ni Phytos.

"Kasal ka na?" Tanong niya dito.

"Ah ito?" Anito sabay angat ng kamay na may singsing.

"Hindi pa. Ikakasal pa lang." Anito sa kanya na nakangiti.

"She's my finacé." Ani ni Kier sa kanya. Nagtaka siya kung paano nangyari iyon. Napalingon siya kay Phytos na nagkibit balikat ito. Maya maya ay niyaya siya ni Juliana na mag usap ng sarilinan. Nang nasa garden sila ng mansyon nina Phytos ay nag salita na ito.

"Zoe. Hindi na ako magpapaliguy ligoy pa." Panimula nito sa kanya. Habang siya ay mataman lang na nakikinig.

"Zoe. Patawarin mo ako sa mga nagawa ko sa iyo. Alam kong matagal na ito ngunit hindi ako matatahimik hanggat hindi ko naipapaliwanag sa iyo ang mga nangyari noon." Anito sa kanya na ikinangiti niya.

"Ano ka ba? Tapos na iyon. Wala na iyon." Aniya dito na ikinailing nito.

"Hindi Zoe. Gusto ko lang ipaalam sa iyo na dapat nung Prom natin ay pormal nang magtatapat sana sa iyo si Phytos ng nararamdaman niya sa iyo." Anito na ikinagulat niya. Hindi niya alam iyon.

"Actually Zoe yung narinig mong pustahan sa kanila ay ibang pustahan iyon although pinagplanuhan ka talaga nila pero hindi nila itinuloy iyon dahil naging mahalaga ka kay Phytos. Ginamit ko lang iyong senaryong iyon upang maagaw sa iyo si Phytos. Kaya kahit mali ginawa ko. Desperada kasi ako nun. Nung nakita mo kaming naghalikan. Hindi niya talaga ako hinalikan. A-ako ang unang humalik. Ginawa ko iyon para makita mo. Para masaktan ka. Para magalit ka kay Phytos. Para mapasaakin siya." Anito sa kanya habang tumutulo ang luha.

"Nung umalis ka akala ko mababaling na sa akin ang pagtingin niya. Hindi pa pala sa halip ay lalo niya akong kinasuklaman. Doon ko napagtanto na kahit anong gawin ko hindi niya ako kayang mahalin. Dahil ikaw Zoe ang nasa puso niya. Matagal na panahon na kasama ko siya dahil nung mag kolehiyo siya ay pumasok ako sa school na pinasukan niya upang sundan siya. Ngunit lali siyang naging mailap sakin. Bahay at school lang siya. Saka Zoe sa maniwala o sa hindi. Wala siyang ibang naging girlfriend magmula nang umalis ka. Talagang hinintay ka niya. Ganoon ka kamahal ni Phytos." Mahabang pagkukwento nito sa kanya habang siya ay di makapaniwala sa mga tinuran nito sa kanya.

"Kaya Zoe. Wag mo sanang isara ang puso mo sa kanya. Wag ka sanag mag alinlangang piliin siya. Dahil nung mga panahong wala ka, matagal ka na niyang pinili. Patawarin mo ako." Anito sa kanya. Nang makita niyang totoo itong humihingi ng tawad ay niyakap niya ito ng mahigpit.

Matapos marinig ang lahat kay Juliana ay nagdesisyon silang bumalik sa loob dahil nagyaya na ng umuwi si Kier. Habang siya naman ay niyaya ni Phytos na ihatid na sa kanila.

Nang nasa daan na sila ay nagtanong si Phytos sa kung anong pinag usapan nila ni Juliana. Ngumiti siya at lumingon dito.

"Secret. Girl talk po iyon." Aniya dito na nakangiti. Maya maya ay narating na nila ang tahanan nila. Akmang bababa siya nang pigilan siya ni Phytos.

"Bakit?" Tanong niya dito. Sa halip na sagutin ay dinampian siya nito ng halik saka hinayaan siyang makababa. Nang masigurong nakaalis na ito ay napabuntong hininga na siya. May naisip siyang plano para lalong mapatunayan na mahal talaga siya ng binata. At agad niyang aasikasuhin iyon sa mga susunod na araw.

Because Of You (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon