Matapos ang buo nilang klase sa araw na iyon na halos puro pakilala lang sa kanilang mga teachers ay ginawa na nila ang kanilang parusa. Ang maging cleaner sa araw na iyon. Hindi na siya nahintay ng tatlo niyang kaibigan dahil may mga kanya kanya na itong sundo. Habang yung sundo niya ay nasa parking area lang dahil sinabi niyang cleaner siya.
"Ikaw kasi eh." Paninisi niya sa bago niyang kaklase na si Red.
"Oh anong ako?" Natatawa nitong sagot.
"Nakakaasar ka. Nadamay ako. Maligalig ka pala." Aniya dito na nakasimangot. Bigla itong tumawa ng mahina at lumapit sa kanya.
"Ganito na lang. Mauna ka ng umuwi. Ako na bahala dito." Anito sa kanya.
"Ayoko. Sumbong mo pa ako. Sabihin mo iniwan kita." Aniya habang nag wawalis.
"Hindi ah. Di ako ganoong tao." Anito sa kanya habang naglilinis ito.
Maya maya ay nangangawit na siya sa pag lilinis. Hindi kasi siya sanay maglinis dahil sa kanila ay marami namang yaya kaya hindi siya marunong sa gawaing bahay.
"Ako na nga diyan. Maupo ka na." Ani ni Red at kinuha sa kanya ang walis at pinaupo siya.
"Upo ka lang diyan. Sagot kita." Anito sabay kindat sa kanya. Nang makaupo siya ay pinanood niya ito mag linis. Mukhang marami itong alam sa gawaing bahay at tila natural lamang dito na gawin iyon. Napansin din niyang napakabilis nitong kumilos. Kaya ilang saglit pa ay tapos na ito magwalis at mag ayos ng upuan.
"O di ba? Tapos na?" Anito at nakangiting tumingin ito sa kanya.
"Ay naku. Kahit ako kaya ko din yan." Pagmamataray niya. Nainis na kasi siya dito dahil feeling close ito. Tapos nadamay pa siya sa kalokohan nito. Maya maya ay tumawa ito.
"Kaya daw. Konti pa nga lang nawawalis mo ngawit ka na eh." Anito sa kanya na inirapan niya ito. Maya maya ay sabay na silang lumabas ng room at inilock ang pinto nito. Habang nag lalakad ay nagsalita ito.
"Sorry na." Anito sa kanya na ikinalingon niya.
"Bati na tayo. Ikaw ang una kong nakilala eh tapos galit ka pa sakin." Anito sa kanya.
"Ayoko nga. I don't talk to strangers." Aniya dito na napatawa ito ng kaunti.
"Nag sosorry ka di ba? Bakit ka natawa?" Mataray niyang tanong dito.
"Hindi naman ako natawa ah." Anito na halatang nag pipigil ng tawa.
"Napaka mo!" Naiinis niyang sabi at dali daling nag lakad. Naramdaman niyang tumakbo ito palapit kaya binilisan niya ang lakad at takbo ngunit naabutan siya nito ngunit nabuslo ang paa niya sa kanal kung kayat na out of balance siya ngunit hindi naman siya bumagsak dahil nasalo kaagad siya ni Red.
"O di ba may sumalo sayo? Hindi masakit." Anito sabay kindat sa kanya.
"S-salamat." Aniya dito na medyo nailang siya dahil napakalapit nito sa kanya lalo na ng maamoy noya ito. Napakabango nito.
"Kaya ako tumakbo sa iyo kasi nakia kong mabubuslo ka sa kanal. Buti na lang walang tubig dahil mainit ang panahon." Anito sa kanya.
"Ok." Aniya dito.
"Ano? Apology accepted na ba ako?" Nakangiti nitong tanong habang pinapapungay nito ang mga mata.
"Hindi nu." Aniya dito na siyang ikinabuntong hininga nito.
"Eh sorry na." Ani pa nito. Ngunit dagli ay lumayo ito at pumunta sa canteen. Maya maya ay hinabol siya nito dahil iniwan niya ito.
"Ikaw naman. Di mo ako hinintay." Anito sa kanya.
"Bakit friend ba kita?" Aniya dito.
"Oo. Sinabi mo sakin kanina sa room." Anito sa kanya.
"Pwes ngayon hindi na." Aniya. Maya maya ay may iniabot sa kanya.
"Ano yan?" Maarte niyang tanong?
"Kwek kwek! Sarap yan." Nakangiti nitong sabi.
"Eeeww." Aniya.
"Oy anong eeeeww? Masarap yan. Tikman mo. Eto suka." Anito sabay lapit sa kanya ng pagkain ngunit dahil nandidiri nga siya ay tinabig niya iyon kaya natapon ang pagkain at ang suka ay natapon sa uniform nito na ikinagulat niya.
"Di mo naman kailangan itapon." Anito sa malungkot na boses habang isa isa nitong dinadampot ang pagkain at inilalagay sa lalagyanan.
"Eh kasi nandidiri na nga ako inilalapit mo pa. Diyan ka na nga!" Aniya. Bago siya umalis ay nakita niya ang malungkot nitong mukha habang itinapon ang natapong pagkain kanina pagkatapos ay pinagpag nito ang uniform. Habang siya ay dirediretso sa parking area.
Nang sapitin na nila ang parking area ay sumakay na siya sa sasakyan nila at pinaadar na iyon ng driver nila. Habang nabiyahe ay di niya maiwasang isipin ang nangyari kanina. Parang nakukonsensya siya sa ginawa niya. Maya maya ay nagsalita si Manong Roger.
"Mukhang malalim iniisip ng alaga ko ah." Anito sa kanya.
"Manong. Kapag ba nakunsensya ka anong gagawin mo?" Tanong niya dito.
"Aba eh di hihingi ako ng tawad dahil mali yung ginawa ko." Sagot nito sa kanya.
"Eh paano kung siya naman talaga yung may kasalanan?" Tanong pa niya.
"Alam mo Zoe, siya man ang may kasalanan o wala kung nakakaramdam ka ng kunsensya at alam mong sa sarili mo na mali ka humingi ka parin ng sorry. Walang exemption diyan." Anito sa kanya na nakapagpaisip sa kanya.
"Bakit? May nangyari ba?" Tanong nito.
"Ah wala po." Aniya at hindi na siya muling umimik pa.
Kinabukasan pagpasok ay nakita niyang nasa upuan na si Red. Kaya kahit kinakabahan ay umupo na siya sa unahan nito. Gusto niya itong kausapin ngunit nahihiya siya. Kaya nung mag recess ay sinundan niya ito kung saan ito kakain hanggang sa nakita niyang pumunta ito sa likod ng library doon sa mapunong lugar kung saan walang tao. Nagkubli siya para magtago dahil nagtaka siya kung bakit kapag magrerecess ay nalayo ito. Nakita niyang nagpalinga linga ito sa paligid at saka inilabas nito ang baon. Nakita niyang may baon itong pagkain. Nilagang hinog na saba. Naisip niyang ito lang ang baon nito? Isang pirasong nilagang saba? Kaya lumapit siya dito.
"S-share tayo." Aniya sabay alok niya dito ng binili niya sa canteen na baon. Napatingin ito sa kanya at nagulat ito. Dali dali itong tumayo at itinago ang kinakain nito.
"Wag mo ng itago, nakita ko na." Aniya dito.
"Eh bakit ka nandito?" Tanong nito sabay upo. Habang siya ay umupo sa tapat nito ng nakangiti.
"Red. Sorry ha. Sorry sa inasal ko kahapon." Aniya dito.
"Ayos lang yun." Anito sabag ngiti ng tipid at tumayo na ito.
"Wait. Iiwan mo ako dito?" Tanong niya dito.
"Baka may makakita sa atin. Sabihin nakikipag usap ka sakin. Saka baka malasin ka kapag kasama mo ako. Pasensya na." Anito sa kanya at lumayo pero hinabol niya ito.
"Red! Gusto kitang maging kaibigan." Aniya dito na ikinalingon nito.
"Kaya sorry na talaga. Promise di na mauulit." Aniya.
"Wag kang mangako. Dahil mahirap tuparin yan." Anito sa kanya at lumapit siya dito.
"Eh kahit na. Bati na tayo ha?" Aniya sabay ngiti ng napakatamis na ikinangiti na din nito.
"Taya!" Anito sabay takbo palayo sa kanya.
"What's taya?" Aniya sa naguguluhang mukha.
"Pag taya ka. Habulin mo ako para ako maging taya." Anito habang natawa.
"Don't dare me!" Aniya habang natatawa kaya isinantabi niya ang pagkaing dala at hinabol ito. Simula nun ay naging magkaibigan na sila at itinuring niya itong boy bestfriend.
BINABASA MO ANG
Because Of You (Series 3)
RomanceWalang ibang pinag alayan ng pag mamahal si Zoe kundi ang nag iisang heartthrob ng kanilang eskwelahan na si Phytos Ramirez. Kahit batid niyang ang tunay na nagugustuhan nito ay kanyang kaibigan na si Anndrei ay minahal niya ito ng palihim. Lahat ga...