Chapter 28: Effect of Phytos' Kiss

36 4 0
                                    

Agarang pumasok sa loob ng banyo si Zoe. Abot abot niya ang kanyang hininga dahil sa nangyari sa pagitan nila ng binata. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kanyang isipan kung bakit niya tinugon ang halik nito sa pinakamalalim na paraan. Ngunit sa kabila ng lahat ay inaamin niyang nagustuhan naman din niya ang mga halik nito. Bagay na lalong nagpalalim ng nararamdaman niya sa binata.

Inayos niya ang kanyang sarili at pagkatapos ay bumalik na siya sa studio kung saan nagaganap ang kaniyang pictorial. Ilang shots na lang at tapos na ang kanyang pictorial. Nang sapitin ang studio ay kaagad siyang inayusan at nagsimulang muli. Habang nasa kalagitnaan siya ng kanyang ginagawa sa studio ay di pa rin niya maiwasan na isipin ang binata. Lately kasi ay parang nagiging clingy siya dito. Pansin din niyang hinahanap hanap niya lagi ito. Ibig bang sabihin nito ay bumabalik na ang nararamdaman niya para dito?

Kung magkagayon man ay natutuwa siya sapagkat ang dating pinapangarap niyang makasama ay matutupad na. Tuwang tuwa siya noon na nagtapat ito ng nararamdaman sa kasal nina Anndrei at Tyrone. Kaya magpa hanggang ngayon ay lubos parin ang kanyang kasiyahan.

Matapos ang kanyang pictorial ay inayos na niyang muli ang kanyang mga gamit hanggang sa may lumapit sa kanya para tulungan siya. Pag lingon niya ay si Max ang nakita niya.

"Ako na lang. Nakakahiya naman." Aniya dito para tumigil ito sa ginagawang pagtulong sa kanya.

"It's ok Zoe. Dito man lang ay makabawi ako sa iyo sa nangyari kanina." Anito sa kanya saka lumapit dito.

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong niya dito na ikinatigil nito sa ginagawa at humarap sa kanya.

"Nagkapikunan lang." Anito sa kanya saka bumuntong hininga.

"Bakit naman kayo nagkapikunan? Malalaki na kayo. Alam niyo sa edad niyong yan dapat hindi na kayo nag aaway." Aniya dito ngunit hindi ito kumibo.

"Sorry kung sasabihin ko ito at sana wag mong masamain. Max ikaw kasi yung mas nakakatanda sana kung anuman ang hidwaan niyo ni Phytos maayos niyo. Ikaw ang unang makiusap. Ikaw dapat ang mas uunawa. Kesyo tama siya o mali ikaw parin ang uunawa. Saka isipin mo na lang yung mararamdaman ng ina niyo. Napakahirap para sa kanya na makitang nagkakagulo ang kanyang dalawang anak." Mahabang litanya niya dito.

"Salamat." Anito lamang sa kanya saka ipinagpatuloy ang pag aayos ng gamit niya.

"Sana gawin mo yung sinabi ko. Para naman din kasi sa inyo yun. Kahit mahirap, gawin mo sana." Aniya dito. Maya maya lamang ay dumating na si Phytos. Nakakunot ang noo nito nang makita doon ang kapatid.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sa kapatid.

"Tinutulungan ko lang si Zoe." Anito kay Phytos.

"Oo. Tinulungan lang niya ako." Sang ayon niya sa kapatid nito.

"Maiwan ko na kayo." Ani ni Max at umalis na. Pagkaalis ni Max ay tinampal niya sa dibdib si Phytos na ikinagulat nito.

"Para saan yun?" Tanong nito.

"Ikaw. Napaka angas mo talaga. Hindi ka na nagbago." Nakaismid niyang turan dito.

"O hindi ko naman inaway ah." Anito sa kanya.

"Ewan sayo." Aniya dito. Maya maya lamang ay niyakap siya nito mula sa likod.

"I love you." Anito sa kanya na siya namang ikinakilig niya. Pero siyempre hindi niya pwedeng ipahalata dito na kinikilig siya sa sinasabi nito.

"Bukas nga pala gusto kang makita nina Mommy at Daddy. Kaya invite kita sa family dinner namin." Anito sa kanya.

"Party ba yan?" Tanong niya dito.

"Ahm hindi. Simpleng dinner lang sa loob ng bahay." Wika nito sa kanya.

"Ok sure. Punta ako." Aniya dito na ikinangiti nito ng matamis.

"Ihatid na kita." Anito sa kanya. Nang makaalis na sila ng building na iyon ay agad na silang lumulan ng sasakyan at inihatid siya nito. Panay ang kwentuhan nila habang nasa kahabaan sila ng biyahe. Masaya siya dahil lagi niyang nakakasama ang binata. Wala itong patid sa kakasabi na mahal siya nito. Kaya nga minsan ay naiisip niyang sagutin na ito. Pero siyempre bilang isang babae kailangan niyang masiguro na totoo ito sa hangarin nito, na malinis ang intensyon nito.

Nang sapitin nila ang kanyang tahanan ay akmang bababa na siya nang pigilan siya nito. Napalingon siya dito at siyang sunggab ng halik sa kanya nito. Mainit iyon at tila napakapusok ng paraan ng pagkakahalik nito sa kanya. Habang tumatagal ay mas lalong nag iinit ang kanilang halik sa isat isa. Halos sakupin nito ang mga labi niya na siya namang ginagawa din niya. Maya maya pa ay dagling naghiwalay ang kanilang mga labi at nagkatitigan sila sa isat isa. Hanggang sa magsalita ito.

"Di mo lang alam kung gaano ako kasaya na makasama ka araw araw." Aniya sa kanya ni Phytos ngunit hindi siya kumibo.

"Zoe. Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para makapiling ka at makasama ka." Anito sa kanya sabay halik muli sa kanya nang mas mapusok. Para siyang nilulunod sa sobrang kasiyahan habang magkahinang ang kanilang mga labi. Ito lamang ang tanging nagparanas sa kanya ng kasiyahan mula noon hanggang ngayon. Hanggang sa namalayan na lang niya na naghiwalay na ang kanilang mga labi.

"Sige na Zoe. Pumasok ka na sa loob. Hanggat napipigilan ko pa ang sarili ko." Anito sa kanya saka tumalima. Ngunit bago pa siya bumaba ay muli siyang hinalikan ni Phytos ng madiin at saka siya hinayaang bumaba. Pagkababa niya ay kumaway na ito tanda na aalis na ito. Nang pinaandar na nito ang sasakyan palayo ay kumaway siya dito. Natapos na naman ang isang araw na kasama niya ito. Nang mawala na ito sa kanyang paningin ay pumasok na siya sa loob at dumeretso sa kanyang kwarto.

Nang nasa sala na siya ay nakita niya ang mga magulang na nandodoon at mukhang hinihintay siya.

"Sino yung lalaking iyon?" Tanong ng kanyang ina.

"S-si Phytos po." Aniya dito na ikinataas ng kilay ng mga ito, lalo na ang kanyang ina.

"Mahal mo ba?" Tanong nito.

"P-parang, medyo, siguro. Oo." Aniya dito na hindi alam ang isasagot.

"Mahal ka ba?" Tanong naman ng kanyang ama.

"Sabi niya po. Mahal na mahal daw niya ako." Aniya dito.

"Kayo na ba?" Tanong muli ng kanyang ina.

"Nanliligaw pa lang po siya." Sabi niya dito na ikinangisi ng mga ito.

"Anak kami ay hindi tutol. Infact gusto nga na namin na lumagay ka na sa tahimik. Yung may sariling pamilya. Ngayon anak na sinabi pala sa iyo na mahal na mahal ka at ikaw naman ay pareho ng sa kanya yung nararamdaman mo ay bakit hindi mo pa sagutin?" Anito sa kanya.

"Eh kasi Mommy gusto ko pa po kasi malaman kung totoo yung sinasabi niya." Wika niya sa mga ito

"So naniniguro ka. Anak wag kang ganun. Nagpahayag siya ng nararamdaman at ikaw naman ay ganun. Kung ako sa iyo sagutin mo na. Kasi kapag kasama mo ang taong mahal mo at may relasyon kayo dun mo siya mas lalong makikilala. Saka isa pa, walang perfect timing when it comes to love. Sige ka baka maunahan ka ng iba." Aniya sa kanya ng kanyang ina.

"Anak, basta mahal mo ang isang tao dapat hindi ka nag aalinlangan na tanggapin ito. Hindi ka nagdadalawang isip. Pero kung saan ka masaya doon din kami ng Daddy mo." Mahabang litanya sa kanya ng kanyang ina.

"Salamat po." Aniya sa mga ito at niyakap siya ng kanyang mga magulang.

Because Of You (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon