Kasalukuyang nakaupo sa garden set si Phytos sa bahay ni Red. Matapos nilang manggaling sa bahay ni Zoe ay dumeretso sila tahanan nito. Maya maya ay dumating si Red galing kusina at bitbit nito ang kanilang pulutan. Pagkatapos ay dala na nito ang isang case na beer. Nung una ay hindi siya sanay sa ganoong set up ng inuman. Madalas wine, champagne, whiskey at iba ang kadalasang iniinom niya. Ngunit nang maging kaibigan niya ito ay natuto siya mula dito uminom ng beer, gin at ang talagang nakapagpatumba sa kanya ay ang lambanog. Palibhasa kasi laking probinsya ito at sanay sa hirap kaya sanay itong uminom ng ganoon.
Nag krus ang landas nila ni Red nang masangkot ang kanyang sinasakyan sa isang aksidente sa Benguet. Galing siya noon sa isang property ng client nila noon at pauwi na siya ng Maynila nang kamuntik nang masalpok sa rumaragasang track ang kanyang sasakyan. Mabuti na lamang at naging maagap siya noon at sa mga bangketa niya naibangga ngunit sugatan parin siya at nawalan siya noon ng malay. Nagmulat siya ng mga mata noon at nasa ospital na siya. Nakita niyang ito ang nagbantay sa kanya sa ospital. Nang medyo nakapag pahinga na siya ay nagmulat na siya ng mata at nabungaran na niya ito.
Laking gulat niya na ito pala ang nagligtas sa kanya. Sinabi nito na pagmamay ari nito ang nakadiagrasya sa kanya na track. Kaya naman sinamantala na niya na kausapin ito. Nung una ay ayaw siya nitong kausapin kalaunan ay pinakinggan na din siya nito. Humingi siya dito ng tawad at inalukan niya ito ng pagkakaibigan. Sa una ay awkward dahil mula sila sa pagiging mortal na magkaaway ng highschool pa sila. Di naglaon ay naging matalik silang magkaibigan nito. Nung niligtas siya nito ay may asawa na ito. Akala nga niya ay si Zoe asawa nito yun pala ay iba ang napangasawa nito. Ang kanilang SSG President na si Kyla ang nakatuluyan nito. Naalala nga niya kung pano magdebate ang dalawa nung highschool sila sa meeting de avance yun pala sila talaga ang nakatadhana.
Naglakas loob siyan noon na kamustahin dito si Zoe. Sinabi lang nito na bihira din nito makausap ang dalaga. Nakakasagap lang siya ng balita kung mangyaring nakausap nito ang dalaga. Nang magbuntis ang asawa nito sa pangalawang anak ay siya ang kinuha nitong ninong at iyon na nga si Sierra. Di niya alam na ninang ng anak nitong panganay na si Seagal si Zoe. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Sadyang mapaglaro ang kapalaran. Nasa ganoon siyang pag iisip nang tapikin siya nito.
"Uy. Tulala ka diyan." Natatawa nitong turan.
"Pare pag ako nalasing dito ako matutulog. Alam mong mahina ako sa ganyang klaseng alak." Aniya dito na ikinatawa nito.
"Malalasing ka pa. Lakas mo nga mamulutan!" Kantiyaw nito sa kanya.
"Ewan sayo! Buti na lang pahinga ako bukas." Aniya dito.
"Well, ano na plano mo?" Tanong nito habang nakain ng mani.
"Di ko pa nga alam pare eh. Pinatawad na niya ako matagal na daw. Kinausap ko siya kanina about past. Then, parang wala na lang sa kanya." Aniya dito.
"O, ayaw mo nun? Eh di madali sa iyo na pormahan si Zoe." Aniya sa kanya nito.
"Pare sa tingin mo may feelings pa ba sa akin si Zoe?" Duda niyang tanong dito.
"Malay natin. Kasi nung dati kapag nagkakachat kami. Hindi ka naman niya natatanong sa akin." Anito sa kanya.
"Nahihiya ako." Aniya dito na ikinatawa nito ng malutong.
"Wow! Bago yun ah! Ang kilala kong Phytos yung nag uumapaw ang confident sa sarili. Ano na ang nangyari sa kanya at tila natotorpe ka?" Natatawang turan ni Red sa kanya.
"Pambihira ka naman pinagtatawanan mo ako eh." Aniya dito.
"Pero pare seryoso. Sana seryoso ka na diyan. Kahit magkaibigan na tayo. Pag sinaktan mo si Zoe. Malilintikan ka sakin." Anito sa kanya na ikinatawa niya ng mahina.
"Oo naman. Ngayon pa na nagbalik na si Zoe. Hindi ako papayag na hindi siya mapasakin. Gagawin ko ang lahat makasama ko lang siya." Aniya dito na ikinatango nito.
"Ayan. Ganyan dapat. Di dapat panghinaan ng loob." Anito sa kanya sabay abot sa kanya ng bote ng beer.
"Nga pala pare sumama ka sa amin sa kasal ni Anndrei. Para makasama mo si Zoe." Anito sa kanya sabay kindat.
"Sinabi na sakin yan ni Zoe." Aniya dito.
"O yun naman pala eh. Inaya ka na. Sunggaban mo na." Anito sa kanya.
"Di ba nakakahiya pare? Hindi naman ako invited saka sina Anndrei at Tyrone ang ikakasal." Aniya dito ulit.
"Oh ano naman ngayon? Si Zoe lang naman ang ipinunta mo doon. Pero siyempre regaluhan mo na din yung ikakasal. Paimpress ba." Litanya nito sa kanya sabay inom ng beer.
"Ang bilis ng panahon nu?" Aniya dito.
"Parang kailan lang napaka immature natin noon." Sabi naman nito sa kanya. Maya maya lamang ay dumating ang asawa nito at lumapit sa kanila.
"Inom na naman kayo." Aniya ni Kyla na asawa nito. Hindi niya maiwasang mapatawa dahil sinermunan nito si Red sa harap niya.
"Honey naman. Wag mo naman ako ipahiya sa kumpare natin." Ani ni Red kay Kyla sabay yakap sa likod. Habang pinapanood niya ang dalawa ay di niya maiwasang mainggit. Sana dumating ang panahon na mangyari din sa kanya ang naranasan ni Red. At sana si Zoe ang babaeng yun. Si Zoe sana ang gusto niyang makasama habang buhay. Nangingiti na lamang siya habang pinapanood ang mga ito hanggang sa magsalita si Red sa kanya.
"Uy inggit siya. Inggit yung kaibigan nating single oh." Pang aasar nito sa kanya kaya binato niya ito ng ilang butil ng mani kaya napatawa ito pati ang asawa nito."
"Oo na. Single na ako. Sampung taon na akong single." Aniya dito na natatawa sabay tungga sa bote ng beer. Marami pa sila napagkwentuhan ni Red hanggang sa magpasya ito na doon na siya matulog sa guest room ng mga ito. Habang nakahiga na sa higaan ay iniisip niya parin si Zoe.
"Kahit kailan talaga napakaganda talaga niya. Sana lang ay may pag asa ako kapag niligawan ko siya." Aniya sa sarili. This time ay hindi na niya palalagpasin pa ang pagkakataon na makasama ito. Iparamdam dito ang kanyang pag mamahal. Kay tagal na niyang hinintay itong muling magbalik. Kaya ngayon ay ipinapangako niyang ilalaan na niya ang oras para dito. Ngayon pa at wala siyang kahati sa puso nito.
Nangingiti siya habang nakapikit. Inaalala niya parin ang maganda at maamong mukha nito. Naiimagine niya na magiging girlfriend niya ito. Sa bagay na iyon ay parang kinilig siya. Wala namang ibang nakakaalam na kinilig siya. Na natutuwa siya kapag naiisip niyang magkakatuluyan sila ni Zoe. Nang gabing iyon ay tuluyan ng nilamon ng antok si Phytos na may ngiti sa mga labi.
BINABASA MO ANG
Because Of You (Series 3)
RomanceWalang ibang pinag alayan ng pag mamahal si Zoe kundi ang nag iisang heartthrob ng kanilang eskwelahan na si Phytos Ramirez. Kahit batid niyang ang tunay na nagugustuhan nito ay kanyang kaibigan na si Anndrei ay minahal niya ito ng palihim. Lahat ga...
