Chapter 27: His Brother's Love Interest

30 3 0
                                    

Matapos ang kanyang meeting sa isang client ay napagpasyahan niyang pumunta sa nagaganap na pictorial sa studio sa loob ng kumpanya nila mismo. Balak niyang sorpresahin si Zoe kaya nais niyang after ng pictorial nito ay isasama niya ito papunta sa mansyon nila dahil hindi pa ito nakakapunta doon kahit noong highschool sila. Tanging bahay lang ng uncle niya ang nasilayan nito noong isinama niya ito sa birthday party noon. Nang sapitin niya ang building ng kumpanya nila ay agad siyang nagtungo sa studio. Pagpasok niya sa elevator ay nakasabay niya ang kanyang half brother. Wala silang imikan nito. Hanggang sa ito ang unang bumasag ng katahimikan.

"Kamusta naman ang naging lakad mo?" Anito sa kanya na sinagot naman niya ng ayos.

"Ayos lang naman kuya." Aniya dito.

"You know what Phytos I like our model. Si Zoe." Anito sa kanya na marahas niyang ikinalingon dito.

"O bakit? Gusto mo din ba siya? Alam mo kung ano yung gusto ko, gusto mo din." Anito sa kanya na tila nang aasar pa.

"Kuya, matagal na kaming magkakilala since highschool. At di ko lang siya basta gusto. Mahal ko siya. Kaya tigilan mo si Zoe." Mahabang litanya niya dito.

"Oh. I see. But I can't resist. She was so pretty." Anito sa kanya.

"Wag na wag mo siyang popormahan." Aniya dito ng madiin.

"Bakit? Girlfriend mo na ba? Hindi pa naman ah. Kahit sinong lalaki pwedeng manligaw sa kanya. Hindi lang ikaw. Bakit? Natatakot ka na baka maagaw ko siya sa iyo?" Nakangisi nitong sabi sa kanya na tila pinipikon siya. Kaya naman umayos siya ng pagkakaharap dito at tinitigan maigi ito saka nagsalita.

"Diyan ka naman magaling eh. Ang mang agaw. Lahat ng meron ako, inaagaw mo." Aniya dito na ikinaseryoso ng mukha nito.

"Totoo di ba? Yung ibang mga projects ko inagaw mo. Yung tiwala ng iba kong mga tauhan, inagaw mo. Pasalamat ka nga at di kita pinapatulan dahil kuya kita. Nirerespeto kita. Mahal ka ng Mommy natin. Kaya di na ako magtataka na pati sa babae aagawan mo din ako. Kaya sasabihin ko sayo kuya, wag na wag mong papakialaman si Zoe." Aniya dito na lalong ikinasalubong ng kilay ni Max.

"Bakit? Anong gagawin mo? Lalabanan mo ako? Sige. Suntukin mo ako." Anito sa kanya.

"Di kita papatulan. Kaya kung gusto mo masuntok. Ikaw sumuntok sa sarili mo. Tutal mukhang matibay naman yang mukha mo eh." Aniya dito dahilan paa kwelyuhan siya nito.

"Mayabang ka ah. Kala mo kung sino ka ah. Ano ba pinagmamalaki ko ha? Apelyido mo? Pagiging Ramirez mo." Singhal nito sa kanya. Ngunit wala lang iyon sa kanya dahil alam niyang natalo niya ito. Nasagi niya ang ego nito.

"Oo. Ipinagmamalaki ko ang pagiging Ramirez. Eh ano naman sa iyo? Ako ang nag iisang tagapag mana ng angkan namin. Sa tingin mo ba pamamanahan ka? Posisyon oo. Pero pag aari ng isang kumpanya. Hindi. Dahil hindi ka Ramirez. Anak ka ni Mommy sa labas." Aniya dito dahilan para suntukin siya nito. Nasa ganoong eksena sila nang bumukas ang pinto ng elevator at nakita silang nag aaway ng kuya niya kaya inawat sila.

"Walang hiya ka Phytos. Tandaan mo ito! Di ako titigil hanggat di kita natatalo!" Sigaw nito aa kanya habag nagpupumiglas sa mga umaawat dito.

"Pasalamat ka anak ka ni Mommy. Dahil kung hindi. Ngayon pa lang, tatanggalin na kita sa trabaho." Aniya dito sabay pahid ng dugo sa pumutok na labi niya. Nasa ganoong senaryo sila nang lumapit sa kanya si Zoe.

"Ayos ka lang ba Phytos?" Nag aalalang tanong nito sa kanya.

"Ayos lang ako Zoe." Aniya dito. Saka nilingon nito si Max na papalayo na sa kanila. Kaya naman ay dinala siya ni Zoe sa clinic ng kumpanya nila at ito mismo ang nag gamot ng sugat niya.

"Ano ba kasi ang nangyari?" Tanong nito sa kanya habang nililinis nito ang pumutok niyang labi.

"Ayun, nagkasabay kami sa elevator kanina. Nagkasagutan. Napikon siya sa sinabi ko. Eh siya naman kasi yung nauna eh. Nananahimik lang ako." Aniya dito at napansin niyang tumawa ito.

"Anong nakakatawa?" Mah nakakatawa ba sa sinabi ko?" Masungit niyang turan dito.

"Wala naman. Pero nakakatawa kasi mukha mo. Para kang bata na nagsusumbong sa magulang mo." Aniya sa kanya sabay tawa ng mahina.

"So ngayon masaya ka na? May pasa na nga ako oh. Pinagtatawanan mo pa ako." Maktol niya dito.

"Nagtatampo ka? Jowa kita?" Anito sa kanya na lalong ikinasalubong ng kilay niya.

"Ay. Pikon siya." Nang aasar pa nitong turan sa kanya. Maya maya lamang ay yumakap sa kanya ito mula sa likod na ikinagulat niya.

"Wag ka na mainis. Binibiro ka lang eh." Anito sa kanya ngunit hindi siya kumibo.

"Wag ka nang mainis ha?" Malambing nitong sabi sa kanya sabay halik sa kanya sa pisngi na ikinabigla niya. Hanggang sa namalayan na lang niya na nilagyan na nito ng band aid ang sugat niya. Habang inaayos nito ang pagkakalagay ng band aid sa mukha niya ay tinitigan niya ito. Napakaganda talaga ng mukha nito. Mga matang kay sarap titigan, mga pinsgi na kay sarap haplusin at mga labing kay sarap halikan. Hanggang sa napatitig siya sa mga labi nito. Napansin nitong kanina pa siya titig sa mga labi nito. Kaya naman unti unti ay inilapit niya ang kanyang mukha upang mahagkan ito. Habang papalapit ang kanilang mga labi sa isat isa ay pabilis din ng pabilis ang tibok ng kanyang puso. Hanggang sa namalayan na lang niya na nagkalapat na ang kanilang mga labi.

Sa umpisa ay padampi dampi lang ang kaniyang halik na ginagawa dito. Hanggang sa tuluyan na niyang sinakop ang mga labi nito. Gumanti din ito ng halik at tila nakikilaglaban ito sa kanya. Lalong uminit ang halik nila sa isat isa nang mas palalimin niya ang halik. Tila walang katapusan ang kanilang ginagawa hanggang sa maghiwalay ang kanilang labi. Habol habol nila pareho ang kanilang hininga dahil sa tindi ng naganap sa pagitan nila ng binata. Hanggang sa sinunggaban niya ulit ito ng halik. Sa bawat halik niya sa dalaga ay nagpapatunay lamang iyon na sabik na sabik siya dito. Naging malikot ang kanyang mga kamay. Dumako iyon sa likod ng dalaga at tila may sarili itong isip na buksan iyon. Lalong lumalalim ang halik sa pagitan nila nang biglang bumukas ang pinto ng clinic at may nagsalita. Kaya naman sila ay nagulat at tila hindi sila pareho kaagad nakahuma. Nakita niyang ang pumasok sa naturang clinic at umistorbo sa kanila ni Zoe ay walang iba kundi ang pinsan niyang si Kier.

"Wow pinsan. Naglilipstick ka na pala." Anito sa kanya na siyang pahid sa labi kung meron nga. At napatunayan nga niyang may lipstick ang kanyang labi. Napansin niyang si Zoe na tulala at kayat kayat na ang lipstick nito sa labi.

"I'll give you ten minutes pinsan para mag ayos ng sarili mo. May meeting ulit tayo." Aniya ng kanyang pinsan at umalis na. Nilingon niya si Zoe at tila hiyang hiya ito sa nangyari.

"O-ok ka lang?" Aniya dito.

"A-ayos lang. Gamit lang muna ako ng banyo." Anito sa kanya at pumasok na ito sa loob ng banyo. Habang siya ay inayos niya ang kanyang sarili at naghilamos na para naman hindi maging kahiya hiya siya pag sapit niya sa meeting.

Because Of You (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon